下載應用程式
97.63% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1525: Cloudy Brook Academy (2)

章節 1525: Cloudy Brook Academy (2)

編輯: LiberReverieGroup

Dahil sa sinabi ng matanda, tila naliwanagan naman ang lalaki. "Pero base sa sinabi mo...pinili ng bata ang Spirit Jade Palace dahil gusto niyang iwasan ang Twelve Palaces? Kung gayon, bakit pa siya sumali sa Battle of Deities Grand Meet?"

Ilan lang ang naintindihan ng lalaki, ngunit sa ibang detalye ay naguguluhan pa siya.

Ang desisyon ni Jun Wu Xie base sa pagkakaintindi ng matanda ay ayaw ni Jun Wu Xie na masangkot sa Twelve Palaces. Pero bakit pa siya sumali sa Battle of Deities Grand Meet kung gayon?

"Paano ko naman iyon malalaman? Sino bang nakakaalam kung anong tumatakbo sa isipan ng batang iyon? Baka gusto niya lang malasap ang kalmadong hangin at payapang tubig na mayroon tayo dito sa Cloudy Brook Academy. Wala sating nakakaalam ng tunay na dahilan."

Hindi alam ng lalaki kung ano ang isasagot niya sa matanda. Kaya naman nanatili lang itong nakatayo roon at nakaawang ang bibig.

"Tama. Hanggang ngayon nga hindi ko pa rin alam ang pangalan ng batang iyon. Ano nga ulit kamo ang pangalan niya?" Tanong ng matandang lalaki.

"Jun Wu."

"Jun Wu?" Pag-uulit ng matanda habang ang kaniyang isang kilay ay nakaangat.

"Bueno, sa oras na makapasok si Jun Wu sa Cloudy Brook Academy, magiging miyembro siya dito pansamantala. Magtalaga ka ng mga taong magbabantay sa kaniya."

Tumango ang lalaki, ngunit hindi pa rin nawawala ang agam-agam sa kaniyang puso.

[Sabi ng Panginoon ayaw niyang makisali sa gulo ng Twelve Palaces. Pero ang batang iyon, hindi pa man natatanggap sa Cloudy Brook Academy at may naitalaga na siyang plano. Hmm!]

Ngunit nanatili lang ang mga salitang iyon sa isip ng lalaki, hindi siya nangahas na isaboses iyon.

Nang magsara ang telon ng Battle of Deities Grand Meet, doon naman nagbukas ang pinot ng Cloudy Brook Academy para tanggapin ang mga pinalad na kandidatong pinili ng Twelve Palaces.

Marami ang piniling kalahok ng Twelve Palaces sa Battle of Deities. Halos aabot iyon sa libo. Ang Palace of Flame Demons ang may pinakamaraming kinuhang kalahok at ang Graceful Swan Palace ang may pinakakonti. Mayroong pangyayaring ang dalawang palasyo ay nagkakainteres sa iisang kandidato at sa huli nagbase ang batang iyon sa lakas ng palasyo.

Sa Battle of Deities Grand Meet, kapag mas malakas ang isang palasyo, mas iyon ang kanilang pipiliin. Kaya makikita mo sa listahan ng mga piniling palasyo ng mga kandidato kung sino ang pinakamalakas.

Sa dinami-dami ng mga kabataang ito, ang pinaka-nakakuha ng matinding atensyon ay ang payat at maliit na bata.

Nang magbukas ang Cloudy Brook Academy, nagpadala ang bawat palasyo ng maghahatid sa kanilang mga bagong miyembro papunta doon. At para na rin paalalahanan sila bago sila pumasok sa academy.

Isang tao lang ang nanatiling nakatayo mag-isa sa labas ng Cloudy Brook Academy.

"Iyan ba ang batang pumili sa Spirit Jade Palace?" Hindi napigilang magbulungan ng mga bata doon.

"Bukod sa kaniya, sino pa ba?"

"Totoo nga ang balita? Mayroon talagang pumili ng Spirit Jade Palace? Halos nakalimutan ko na ngang mayroon palang palasyo na tinatawag na Spirit Jade Palace. Anong iniisip niya? Nagbibiro ba siya?"

"Alam niyo ba, narinig ko mula sa mga nanggaling sa Innate Gift Competition na ang batang iyan ay nakatanggap ng imbitasyon sa bawat palasyo ng Twelve Palaces. Pero sa huli, wala siyang pinili ni isa sa mga iyon. Sa halip ay inilabas niya ang pendant na natanggap niya mula sa Palace Lord ng Spirit Jade Palace. Nakakapagtaka talaga." Isang grupo ang nagbubulungan habang nakatingin kay Jun Wu Xie.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C1525
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄