下載應用程式
95.39% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1490: Ganoon Pala Iyon (3)

章節 1490: Ganoon Pala Iyon (3)

編輯: LiberReverieGroup

Tila naging kamatis si Qiao Chu na nabalutan ng yelo, malutong at mabilis madurog.

"Ang Mount Fu Yao ay ang lugar na siksik ang antas ng spirit energy sa buong Middle Realm at ang Young Miss ay mainam na gamitin ang oras na ginugugol dito Battle of Deities Grand Meet upang ipagpatuloy ang kaniyang paglinang." Patuloy na saad ni Ye Gu.

Habang nagsasalita, mula sa loob ng roba ni Ye Gu sa bandang dibdib ay isang munting ulo ang biglang lumabas at nag "meh meh~" kay Jun Wu Xie.

Nang marinig ang boses ni Lord Meh Meh, ang Sacrificial Blood Rabbit na ipinasok ni Ye Sha sa kaniyang roba na nasa kabilang dako ay hindi mapigilan na ilabas din ang ulo nito. Ang dalawang hayop ay umiyak para sa atensyon ni Jun WU Xie, dahil sa sobrang ingay ay napilitan si Ye Sha at Ye Gu na ibaba ang mga iyon at hinayaan ang kamay ni Jun Wu Xie na akuin at patahimikin sila.

Hindi intensyon si Jun Wu Xie na dalhin ang dalawang hayop dito sa MIddle Realm. Ngunit dahilsa hindi niya matiis ang walang tigil na atake sa puso para sa dalawang kaakit-akit na mga nilalang na ito, wala siyang magawa kundi ang pansamantala na ipaalaga ito kay Ye Sha at Ye Gu.

Hindi ganoon kasama para kay Ye Gu. bagaman meron siyang sumasabog na pag-uugali, ang itsura niya ay parang sa isang bata. Kaya naman, sa tuwing kakargahin niya ang nakakatuwa at kaibig-ibig na munting Spirit Beast sa kaniyang braso, ay hindi ito gaanong kapansin-pansin.

Ngunit para kay Ye Sha, bukod sa napakataas na pangangatawan, ay naroon din ang walang emosyon na mukha na may nakakakilabot na mabagsik na ekspresyon. Ang makita siya na karga ang munting Sacrificial Rabbit na kasing laki ng palad ay nagdulot sa mga tao na makaramdam ng isang uri ng kamangha-manghang pagmamahal para sa kaniya.

Si Jun Wu Xie at ang dalawang hayop ay nagpakasasa ng ilang sandali habang ang kalangitan ay unti-unting nagliwanag, at ang bilang nga mga tao sa naglalabasan sa ituktok ng bundok ay dumarami na. Si Qiao Chu at Jun Wu Xie ay tumayo at umalis na, inihanda ang kanilang mga sarili sa pagbabalik upang malaman kung ano ang unang magaganap.

Ayon sa kanilang tantiya sa oras, ilang araw na lamang at magaganap na ang Battle of Deities Grand Meet. Ngunit sa pagbabalik ni Jun Wu Xie at Qiao Chu ay nakatanggap sila ng isang balita.

Sa hindi malamang dahilan, ang Battle of Deities Grand Meet ay biglang naurong ng kalahating buwan, at ang piraso ng balitang iyon ay nagdulot ng galak at lumbay sa lahat ng mga kabataan na nagpunta doon. Galak para doon sa mga taong nakaramdam na magkakaroon pa sila ng mas mahabang oras upang maghanda, lumbay para sa mga kinakabahan tungkol sa pagkikita at ngayon ay kailangan na naman nilang magdusa ng dalawang linggo.

Isa pa…

Ang halaga ng mga bagay sa tuktok ng Mount Fu Yao ay may kamahalan!

Nang marinig ni Jun Wu Xie ang balita, sa isang kumpas ng kamay niya kay Qiao Chu, ay agad niyang iniwan ito, iniwan ito kasama ang mga kagamitan upang magdesisyon kung mabubuhay o mamatay ito, habang siya naman ay nagtungo sa daan pababa sa Mount Fu Yao.

Sinundan siya ni Ye Sha at Ye Gu sa buong daan, hanggang sa nakita nila na pumasok si Jun Wu Xie sa kuweba kung saan naroon ang lagusan patungo sa Spirit Jade Palace.

"Intensyon ng Young Miss na…" Biglang nakaramdam ng kaunting kaba si Ye Sha.

"Sa panahong ito, ay pansamantala akong maninirahan sa Spirit Jade Palace para sa aking paglinang. Matapos ang dalawang linggo bago magsimula ang Battle of Deities Grand Meet, ay babalik ako. Sa loob ng panahong ito, kayong dalawa… ay malaya." saad ni Jun Wu Xie na may kalmadong ekspresyon habang nakatingin kay Ye Sha at Ye Gu.

Napanganga ang dalawang lalaki!

"Young… Young Miss… Ito… Ito ay…" naumid si Ye Gu, ang kalahati ng kaniyang mukha na walang suot na maskara ay namula dahil sa pagpigil. Hindi pa ganoon katagal na nagsilbi siya kay Jun Wu Xie, ngunit matindi ang pagbilin ni Lord Jue sa kaniya at kay Ye Sha na alagaan si Jun Wu Xie, at sundin ang utos ni Jun Wu Xie. ngunit ang kasalukuyang sitwasyon ay nagtapon sa makitid na utak na si Ye Gu sa isang matinding pagkagulat.

"Young Miss, kung wala kang susi sa lugar na ito, ay hindi mo rin magagawa na galawin ang batong iyan sa lagusan." Kalmadong pagpapaalala ni Ye Sha kay Jun Wu Xie.

Dumako ang tingin ni Jun Wu Xie sa dalawang kasama at tumalikod upang maglakad patungo sa bato. Kinapa niya ang manggas ng kasuotan at inilabas ang isang natatanging white jade key, kamukhang-kamukha iyon sa nakita nilang nakasabit sa leeg ni Zi Jin, at pati ang tali sa palibot ng susi ay katulad na katulad niyon!

"Young Miss, kailan mo…" Natitigal at nagulantang si Ye Sha.

Ngunit walang intensiyon si Jun Wu Xie na bigyan sila ng pagkakataon na tunawin ang impormasyon at agad na pumasok sa siwang na nagbukas sa likuran ng bato.

Walang magawa si Ye Sha at Ye Gu kundi ang titigan ang bato na muling bumalik sa lugar nito upang sarhan ang lagusan, at bigla ay naging blanko ang kanilang utak.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C1490
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄