下載應用程式
94.36% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1474: Nakaraang Kasalanan (1)

章節 1474: Nakaraang Kasalanan (1)

編輯: LiberReverieGroup

Ang tuktok ng Mount Fu Yao ay isang malaking lugar at iyon ay patag, ang lupain ay

napakalawak, ang buong taluktok ng bundok ay parang isang malawak na siyudad. Sa itaas ay

naroon ang nagniningning na iba't ibang tindahan, lahat ng uri ng bahay-panuluyan na may

kainan at nag-aalok ng matitirhan.

Ngunit ang ingay sa Mount Fu Yao ay magtatagal lamang ng ilang araw. Sa oras na matapos

ang Battle of Deities, ang buong Mount Fu Yao ay muling mahihiwalay sa mundo, kung saan

ang pagpasok sa lugar ay ipagkakait sa kahit kanino. Maging sa mga disipulo ng Cloud Brook

Academy na nasa taluktok ng Mount Fu Yao, may mga partikular na araw lamang kada buwan

na sila'y pinapayagan na bumaba sa bundok, habang ang ilang panahon naman, kahit ano pa

man ang dahilan, sinumang mangahas na pumasok sa Mount Fu Yao ay magiging pataba sa

kanilang napakalawak na lupain. Sinumang disipulo na maglakas loob na lumisan ng kusa ay

mailalagay sa listahan ng Cloud Brook Academy.

Bali-balita na ang Cloud Brook Academy ay itinatag ng Nine Temples at Twelve Palaces,

dalawang malalaking kapangyarihan. Ngunit may mga pangyayaring naganap matapos iyon na

interesante. Kahit gaano katindi ang naging paglalaban ng Nine Temples at Twelve Palaces,

wala kahit isa mang tao mula sa dalawang kapangyarihan ang nangahas na galawin ang Cloud

Brook Academy. Kahit na ang Cloud Brook Academy ay nasa talutok ng Mount Fu Yao kung

saan ang lugar kung saan may matinding dami ng spirit power sa hangin nito, walang sinuman

ang naglakas loob na galawin maski bahagya ang lugar na iyon.

Nakahanap si Jun Wu Xie nang isang silid sa tuktok ng Mount Fu Yao upang mamalagi at ayon

sa kaniyang pagtantiya sa mga nagdaang oras, ang Battle of Deities Grand Meet ay

magsisimula matapos ang ilang araw. Pagdating ng araw na iyon, hindi lamang ang

napakaraming kabataang may mga talento sa buong Middle Realm ang magtitipon dito,

maging ang mga tao mula sa Twelve Palaces ay naroon.

Kung sabagay, ang dahilan kung bakit gaganapin ang Battle of Deities Grand meet ay dahil sa

ideya ng Twelve Palaces.

Ngunit…

Bagaman ang tuktok ng Mount Fu Yao ay napakalawak, ang mga lugar kung saan pwede

manirahan ang mga tao ay limitado lamang at iyon ang naging dahilan upang kapusin ang mga

silid para pansamantalang tirahan ng lahat. Nang si Jun Wu Xie ay inalalayan ng isang serbidor

sa kaniyang silid, ang silid na iyon ay may tatlong ibang kabataan na nakaupo na doon. Ang

silid na hindi malaki o maliit ay mayroong apat na higaan at tila masikip.

Ang sulyap ni Jun Wu Xie ay natuon sa mukha ng tatlong kataong naroon at agad siyang naupo

sa kaniyang higaan.

At dahil pare-pareho ang kanilang edad, natural lamang na hindi na nila tanungin ang bawat

isa sa dahilan kung bakit sila naroon sa lugar na iyon.

Bilang magkakalaban na lihim na nagkokompetensiya laban sa isa't, ay wala gaanong pag-giliw

o kagandahang-loob para mag-usap pa.

Matapos maupo ng ilang sandali, ang silid ay puno ng katahimikan. Dalawa sa mga kabataan

ang magkasunod na nilisan ang silid, at sa pagpinid ng pintuan ng silid, tanging si Jun Wu Xie at

isang matangkad at kaakit-akit na binatilyo ang naiwan sa silid.

Naupo si Jun Wu Xie sa kaniyang higaan, tahimik na hinahaplos ang balahibo ng pusang itim.

Ang kabataan na ang higaan ay nasa bintana, ay biglang tumayo, at naglakad palapit kay Jun

Wu Xie.

Sa silid na iyon na ang pintuan ay nakasara, inunat niya ang kaniyang mga kamay at kaniyang…

Binuhat si Jun Wu Xie.

"Hahahaha! Little Xie! Kapalaran siguro ito!!" Saad ng matangkad na lalaki na may

nakakalokong ngiti sa mukha, nagpaikot-ikot sa loob ng silid.

Umirap si Jun Wu Xie habang iniikot at walang magawa, tinapik niya ang tuwang-tuwa na

binatilyo sa ulo.

"Dumb Qiao, ibaba mo ako."

Hindi naisip ni Qiao Chu na matapos niyang mahiwalay sa mga kasama, ay makakatagpo siya

ng isang magandang pagkakataon nang kumuha siya ng matutulugan sa panuluyan na iyon, na

makikita niya si Jun Wu Xie nang ganito! Kailangan ipabatid na sa sandaling makita niya si Jun

Wu XIe kanina, ay halos gusto niyang lumundag sa ere dahilsa sobrang kagalakan.

Mabuti na lamang at tinapunan siya ni Jun WU Xie ng malamig na tingin kaya agad niyang

nabatid ang sitwasyon nila.

Upang magawanilang mapasok ang Twelve Palaces, ang katotohanan na ang ilang "Soul

Purging Nails" ay lubos na magkakakilala ay hindi dapat malantad. Kaya naman, sa harap ng

mga taga-labas, kinakailangan nilang mapanatili na sila'y mga estranghero sapagkat kung

hindi, ay hindi na sana nila kinailangan pa na maghiwa-hiwalay sa pag-akyat sa Mount Fu Yao

sa iba't ibang daan.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C1474
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄