Ang plano ng Palace of Flame Demons na isinasagawa ay dinurog ni Jun Wu Xie. Lahat sa Clear
Breeze City ay bumalik sa normal. Ang City Lord ay sinundo at dinala kay Jun Wu Xie na
nagbigay ng hindi malilimutan at matinong pangaral kung saan nangako ito na masunuring
gagawin ang kaniyang mga responsibilidad at inilabas rin lahat ng kayamanan na kinamkan
niya noon upang magbigay tulong sa mga takas. Ang paglilimita sa pagpapapasok ng tatlong
daang takas sa siyudad ay tinanggal na at malaking talakasan ng mga takas ang dumaluyong sa
siyudad.
Habang ang mga takas sa hilagang siyudad ay matinding pasasalamat pa rin ang naramdaman
sa kabutihan at kabaitan ni Jun Wu Xie, hindi alam ng lahat na ang kanilang tagapagtaguyod ay
lumisan na upang maglakbay pauwi.
Ang pinagmulan ng Poison Men ay gumuho na at dahil hindi na dadami ang bilang ng hukbo
ng Poison Army, si Jun Wu Xie at Jun Wu Yao kasama ang kaniyang mga tauhan ay
nagsimulang ilubog ang kanilang mga sarili sa matitinding labanan, nilinis kung nasaan ang
mga salot na Poison Army.
Sa buong Power Realm, mga balita ng tagumpay ang natatanggap. Ang mga bansa ay
pinagsama ang kanilang lakas upang kalabanin ang kaaway. At ang pinakautak ang
kumukontrol sa kanila sa likod ng eksena, ang mga Poison Men ay parang mga langgam na
nawala ang mga antena, hindi magawa na maging epektibo ang mga sarili. Ang hukbo ng ilang
mga bansa ay sinakyan ang kanilang momentum, mataas na moral sa tagumpay, upang
tuluyang burahin ang Poison Men sa Lower Realm.
Ang digmaang iyon, mula sa simula hanggang katapusan ay umabot ng isang buong taon. Saka
pa lamang sila nakahinga ng maluwag nang ang pinakahuling Poison Man ay natalo.
Ang nangyaring sakuna ay winasak ang kapayapaan na tinatamasa noon ng Lower Realm, at
ang hangganan ng mga kapangyarihan sa pagitan ng mga bansa ay gumawa ng matinding
kaguluhan.
Marami sa mga bansa ay nagtamo ng matinding kawalan kung saan maging ang mga pinuno
ay bumagsak sa magulong labanan at may mangilan-ngilan ding bilang ng maliliit na bansa na
nabura ng Poison Men. Ang pagdating ng tagumpay ay nagdala rin sa kanila ng maraming
pinsalang naiwan ng digmaan na kailangan harapin.
Sa simula, ang nagkalat na mga bansa na bumubuo sa Lower Realm ay umabot sa higit
isangdaan ang kabuuan. Ngunit matapos sumailalim sa pagsugod ng hukbo ng Poison Men,
ang naiwan nga mga bansa ay hindi halos umabot sa kalahati sa naunang bilang nito. Kahit na
ang kanilang pinuno ay naroon pa, ang kanilang bansa ay nabura na dahil sa malupit na
digmaan. Nagmula ang mga Poison Men sa mga nabubuhay bilang kanilang saligan, ibig
sabihin ang mga Poison Men na namatay at mga mandirigma na napaslang sa digmaan lahat
ay mga tao na mula sa Lowe Realm, kaya naman ito ay isang matinding sakuna na tuluyang
bumasag sa kapayapaan na matagal na tinatamasa ng Lower Realm.
Tungkol sa sitwasyong ito, ang tatlong magkakaanib na bansa na pinamunuan ng Fire Country,
ay nanguna sa pagpapadala ng imbitasyon sa lahat ng pinuno ng mga indibidwal na bansa,
inimbitahan silang lahat upang magtipon-tipon sa Imperial Capital ng Fire Country.
Matapos sumailalim sa isang matinding sakuna, lahat ng mga bansang mapalad na nanatili ay
nakatanggap ng tulong mula sa tatlong magkakaanib na bansa. Ang tiwala na mayroon sila
para sa tatlong magkakaanib na bansa ay higit pa sa ibinigay nila noon sa ibang bansa.
Lahat ng mga pinuno sa Lower Realm ay nagtipon sa Imperial Capital ng Fire Country at
nanatili doon sa loob ng pitong araw. Sa pitong araw na iyon, anumang narinig at nakita ng
mga pinuno ay hindi ipinaalam kahit kanino.
Ang tanging bagay na alam ng lahat sa buong lupain ay nang matapos ang pitong araw na
pagpupulong, ang buong Lower Realm ay tuluyang nagbago!
Matapos makabalik ng mga pinuno sa kani-kanilang bansa, ay kanilang inanunsyo kaagad na
isinusuko nila lahat ng karapatan at awtoridad ng kanilang mga bansa, at ang kaniya-kaniyang
bansa ay hindi na umiral. Simula sa araw na iyon, ay isa lamang ang bansa sa mata ng lahat ng
mga tao sa Lower Realm. Ang Land of Emergence.
Ang Lower Realm ay pinagsama upang maging isa, kung saan wala na ang dibisyon sa pagitan
ng mga bansa. Lahat ng mga orihinal na pinuno ng kani-kanilang bansa ay isinuko ang
pagpipitagan dahil sa kanilang Imperial Crown, upang maging Elders sa Land of Emergence.
Samantala, ang katauhan ng nilalang na namumuno sa buong Land of Emergence ay
mahiwaga. Ang buong Lower Realm ay alam lamang na mayroon silang isang pinuno, ngunit
hindi nila alam kung sino ang taong iyon.
Nang mabuhay ang Land of Emergence, ang mga tao ng Lower Realm ay nakatanggap rin ng
isang kamangha-manghang balita. Silang lahat ay magkakaroon ng pagkakataon na maranasan
ang lakas ng Purple Spirit!
Isang uri ng mahiwagang pamamaraan na kumalat sa maraming lugar sa buong Lower Realm.
Ang lihim na minsan ay sa Middle Realm lamang nalalaman ay misteryosong natuklasan sa
mga sandaling iyon, at nasiwalat sa lahat ng tao sa Middle Realm.
Tahimik na nagbabago ang Lower Realm at lahat ng iyon ay hindi napansin ng Middle Realm
sapagkat ang Middle Realm mismo ay sinasalubong ang isang daluyong ng pagbabago.