"Ano ba ang magagawa ng mga basurang ito? Wala silang mga silbi. Dapat pa nga silang
magpasalamat sa Heavens na may silbi sila sa kagalang-galang. Sapagkat kung hindi, kung
sila'y iniwan sa labas ng siyudad, iniisip ko kung ilang araw nila kayang mabuhay. Ang hayaan
silang mabuhay ng libre sa loob ng siyudad sa mahabang panahon ay isang handog na ng
kabutihan sa kanila." Ang mga sinabi ni Luo Xi ay napakalupit at nagpagalit sa mga takas kaya
sila'y nanginginig sa matinding galit, hinangad ng kanilang puso na gutay-gutayin ang lalaking
iyon sa ilang milyong piraso.
Ang mata ni Jun Wu Xie ay bahagyang naningkit, ang pagpaslang ay gumagapang sa mga iyon.
"Kung ang tao ay mabubuhay o mamatay ay hindi ang tulad mo ang magpapasiya noon."
"Ha! Sasabihin ko! Hindi ba't ang batang ito ay parang masiyadong iniisip ang kaniyang sarili?
Na kung iisipin ay nagagawa mo pa makialam sa gawain ng iba. Mamamatay ka dito ngayon at
nais ko makita kung gaano pa katagal yang bibig mo magsasabi ng mga basura!" Tagumpay na
saad mo Luo Xi.
Ang lalaking nakaitim ay walang intensiyon na aksayahin ang kaniyang hininga kay Jun Wu Xie
kaya agad niyang tinaas ang kaniyang kamay upang ang takas na mahigpit niyang hawak ay
patamaan at paslangin!
Ngunit sa sandaling bumaba sa kamay nito, ang anyo ni Jun Wu Xie ay nawala kung saan ito
naroon.
Isang liwanag ng enerhiya ng Purple Spirit ang tumama sa nakataas na kamay ng lalaking
nakaitim.
Ang biglaang pagtira ay umabot sa lalaking nakaitim na walang kamalay-malay. Tinamaan ang
kaniyang kamay at napakatindi ng sakit. Sa sandaling iyon ito'y nahuli sa gulat, ang anyo ni Jun
Wu Xie ay nakarating sa tabi nito, biglang hinablot ang takas na hawak niya sa isang kamay, at
mabilis na dinala ang takas sa ligtas na lugar.
Sa sandaling si Jun Wu Xie ay nakatayong muli sa lupa, ang buong katawan niya ay nababalot
na ng liwanag ng Purple Spirit na kapangyarihan!
Hindi makapaniwalang napatitig at nagulat si Luo Xi sa enerhiya ng Purple Spirit na umiikot sa
katawan ni Jun Wu Xie. Hindi mapaniwalaan ang nakikita ng kaniyang mata! Na ang binatilyo
na hindi alam ang pagkatao ay isang… Purple Spirit!
Sa sandalng iyon, hindi lamang si Luo Xi ang namangha. Ang mga mata ng lalaking nakaitim ay
puno rin ng matinding gulat nang makita ang enerhiya ng Purple Spirit sa katawan ni Jun Wu
Xie.
Napagtanto niya na hindi niya nagawang malaman kanina kung anong antas ng spirit power
ang taglay ni Jun Wu Xie. Tila ang spirit power sa katawan ni Jun Wu Xie ay may tabing mula sa
kakaibang puwersa kaya't ang lalaking nakaitim ay inakala na ang binatilyo sa kaniyang
harapan ay isa na namang basura na nagtataglay ng spirit power na napakababa kaya hindi
nito iyon naramdaman, hindi niya inaasahan na ang kalaban ay isa rin pa lang Purple Spirit!
"Kung sino ang mamatay ngayon ay hindi pa napagdedesisyunan." Mahinang sabi ni Jun Wu
Xie, ang baba niya ay bahagyang nakataas habang nakatitig sa namutlang mukha ni Luo Xi.
Ang biglang pagpapakita ng dalawang makapangyarihang Purple Spirits ay agad gumawa ng
kaguluhan sa mga nagtatagong mata sa buong siyudad. Silang lahat ay nagmamadaling
nagtungo sa lugar kung saan nagpakita ang dalawang Purple Spirit!
"Lord Jue." Nagpakita sa likuran ni Jun Wu Yao si Ye Sha at Ye Mei.
"Hmm?" Hindi naalis maski bahagya ang tingin ni Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie.
"May ilang malalakas na enerhiya na papunta dito sa atin at silang lahat ay ipinapalagay na
nasa antas ng Purple Spirit." Malamig na saad ni Ye Sha.
Napangisi ang sulok ng mga labi ni Jun Wu Yao. "Tila ang Clear Breeze City ay may ilang maliliit
na hipon at mumunting mga isda sa loob at ngayon ay naamoy nila ang balita kaya naman
nagmamadali silang magpunta dito."
"Nais ba ni Lord Jue pasalangin namin ang ilan sa mga iyon…"
"Hindi na kailangan." Iwinasiwas ni Jun Wu Yao ang kaniyang kamay upang iyon ay iwaksi
habang patuloy na minasdan si Jun Wu Xie at ang lalaking nakaitim na nagtititigan at sinabi:
"Haharapin din naman ni Little Xie ang Twelve Palaces sa malao't madali. Hindi na siya katulad
noon at maari niyang gamitin ang labanan ngayon dito upang magsilbing babala sa Twelve
Palaces na ang Lower Realm ay may bago nang nagmamay-ari."
"Ngunit paano kung iba ay lumusob din…" Hindi maiwasan ni Ye Sha na makaramdam ng pag-
aalala.
Sa halip ay sinabi ni Jun Wu Yao sa kaniya: "Walang gagawa ng bagay na hindi magbebenipisyo
sa kanila. Ang mandadangkal ay minamanmanan ang kuliglig, walang kaalam-alam na
mayroong kulyawan sa likuran. Walang nais makipaglaro sa mandadangkal at hayaan ang
ibang tao mula sa ibang lugar na anihin ang benepisyo. Ngunit kung sakali, kung mangaahas
silang ipakita ang kanilang mga mukha, kung gayon ay hayaan ninyo si Ye Gu na magpainit ng
bahagya."