下載應用程式
89.62% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1400: The Face of Sylvan (4)

章節 1400: The Face of Sylvan (4)

編輯: LiberReverieGroup

Matapos maubos ang mga Poison Men, ang mga sundalo ng Qu Country ay nagdiwang.

Sina Qiao Chu naman at ang buong grupo ay nasaksihan ang taglay na kapangyarihan ng Face of Sylvan. Nabuhay ang pagkasabik sa kanilang mga puso. Hindi sila makakapayag na matalo ng sinuman.

Halos hindi na kinailangan ang tulong ng kahit na sinuman sa kanila nang magsimula ang gurpo ni Jun Wu Xie na umatake.

Sadyang nakakatakot at makapangyarihan ang grupo ng mga kabataang may taglay na Purple Spirit. Gayong hindi naman sila nagpakita ng kapangyarihan at lakas na tulad ng sa Rage of Sylvan, ang mga galaw ng grupo nina Qiao Chu ay naging dahilan pa rin para mapatunganga ang mga sundalo.

Matapos makita ang Poison Men na halos katayin sila ng buhay pagkatapos ay ganon na lang kadaling uubusin ng grupo ng kabataang bigla na lang sumulpot mula sa kung saan, hindi alam ng mga sundalo kung matatawa ba sila o maiiyak.

Ang pinagsama-samang kapangyarihan ng mga kabataang ito ay mas malakas pa kaysa sa pinagsama-samang pwersa ng sundalong nasa mahigit pitong daang libo ang bilang!

Sa isang iglap lang ay naresolba ang krisis sa Qu Country, nasaksihan iyon lahat ng Emperor ng Qu Country hanggang sa ang huling grupo ng Poison Men ay namatay. Nagawa niya nang makahinga ng maluwag nang sa wakas ay matapos ang bangungot na ilang araw na nilang nilalabanan. Halos matumba siya sa kaniyang kinatatayuan sa sobrang panghihina.

Agad na lumapit sa kaniya ang Commander in Chief para alalayan siya. Agad na nagsalita ang Emperor ng Qu Country: "Bilis! Samahan mo akong magpasalamat sa Emperor ng Fire Country!"

Isang matinding laban ang sinuong nina Qiao Chu kanina at ngayon pa lang nila nararamdaman ang pagod.

Nakakahindik-balahibong tignan ang nagpatong-patong na laman ng mga Poison Men.

"Sunugin niyo 'yan." Utos ni Jun Wu Xie nang kaniyang madaanan ng tingin ang tanawing iyon.

Agad na tumalima si Qiao Chu habang ang mga fire dragons ay nagsitalon mula sa kaniyang palad patungo sa lasog-lasog na katawan ng Poison Men.

Ang tunog na dulot ng pagkasunog ng mga katawan ay tila hudyat ng simula ng selebrasyon para sa tagumpay. Nilamon ng apoy ang katawan ng mga halimaw.

Dahan-dahan namang bumaba si Jun Wu Yao mula sa kalangitan at tumayo sa tabi ni Jun Wu Xie.

Sa labang ito, hindi siya kumilos. Nanatili lang siya sa itaas at pinupuri ang galaw at pakikipaglaban ng mga kabataang ito. Ito ang unang beses na sila ay nakipaglaban simula nang sila ay lumabas sa Heaven's End Cliff.

Nang makita niya ang eleganteng galaw ni Jun Wu Xie sa gitna ng gulo, pakiramdam ni Jun Wu Yao ay napakaperpekto nito. Maging ang pinakamahusay na mananayaw ay hindi papantay dito.

"Kumusta?" Nakaangat ang isang kilay na tanong niya.

Sinapo ni Jun Wu Xie ang Face of Sylvan bago sumagot: "Napakalaking tulong."

Noong una, ang buong akala niya ang Face of Sylvan ay isang magical artifact na makakatulong para palakasin ang sipirit power ng isang tao. Hindi niya akalaing ganito nga ito kalakas katulad ng binanggit noon ni Jun Wu Yao.

Hindi sumuko si Jun Wu Yao sa paghahanap dahil ang gusto nitong makuha ni Jun Wu Xie ay ang pinaka-namumukod tangi sa lahat.

At totoo nga.

Wala nang mas hihigit pang magical artifact sa Face of Sylvan.

"Hangga't gusto mo." Mahinang tumawa si Jun Wu Yao. Sapat na para sa kaniya ang sagot ni Jun Wu Xie na "napakalaking tulong".

Habang sila ay nag-uusap, Dumating ang Emperor ng Qu Country kasama ang Commander in Chief. Binigyang daan ng mga sundalo ang dalawa para makalapit kay Jun Wu Xie.

"Maraming salamat, Kamahalan ng Fire Country! Napakalaking tulong sa Qu Country ang ginawa ninyong pagligtas, Kamahalan! Tanggapin niyo ang aking pagyukod bilang taos-pusong pasasalamat! Maraming maraming salamat sa pagligtas sa Qu Country!" Hindi na nagdalawang-isip pa ang Emperor ng Qu Country at agad itong lumhod sa lupa at yumukod sa harap ni Jun Wu Xie at sa lahat ng naroon!


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C1400
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄