下載應用程式
88.6% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1384: Ang Umpisa ng Pangangaso (6)

章節 1384: Ang Umpisa ng Pangangaso (6)

編輯: LiberReverieGroup

Tatlong buwan pa lang ang nakakalipas simula nang makuha nila ang pagpayag ni Jun Wu Yao. At ngayon ay nabigyan na nga sila ng pagkakataon na kunin sa kamay nina Ye Sha ang paglilinis ng mga taga-Middle Realm.

"Brother Hua, napakaseryoso mo naman. Ayaw mo bang subukan kung gaano na kalakas ang iyong kapangyarihan?" Tanong ni Qiao Chu.

"Nasubukan ko na." Kalmadong sagot ni Hua Yao.

Agad nanlaki ang mga mata ni Qiao Chu. "Kailan?"

Inilibot ni Hua Yao ang kaniyang paningin sa mga bangkay. "Hindi ba't ang laki ng pakinabang ng bone flute?"

"…" Walang masabi si Qiao Chu. Ang buong akala niya kay Hua Yao ay iisa lang ang nasa isip, ngunit nasa harapan niya nap ala mismo ang lahat.

"Anong gagawin natin ngayon sa mga bangkay? Isabit sila sa mga icicle?" Tumikhim si Qiao Chu habang nakatitig sa mga bangkay na nakasabit sa icicle. Marahil ay kagagawan iyon ni Fei Yan.

"Ang mga nasa taas na iyon ay sapat na para magbigay ng babala. Ang mga narito sa baba, susunugin na lang natin." Umiiling-iling na saad ni Hua Yao.

Ngayon ay mas dumami pa ang bilang ng mga namatay, kung isasabit pa nila ang mga iyon ay matatagalan sila.

"Yay!" Sabik na reaksyon ni Qiao Chu. Tinupi nito ang kaniyang manggas hanggang sa siko. Sa gitna ng napakalamig na klima ng Heaven's End Cliff, manipis ang damit nilang suot pero sa mga oras na iyon ay tila hindi sila tinatalaban ng ginaw.

Nang ilabas ni Qiao Chu ang kaniyang braso agad ring nagliwanag ang kaniyang Spirit Ring. Ang ilaw na iyon ay naghugis fire dragon na gumapang sa kaniyang braso!

Bumalot ang apoy sa kaniyang braso at nagsimulang mas umilaw ng matingkad ang apoy na iyon.

Ikinuyom ni Qiao Chu ang kaniyang mga kamao at pinagsalubong iyon. Isang scarlet fire dragon ang nabuo sa kaniyang mga kamao. Binalot noon ang lahat ng mga bangkay ng taga-Flamboyant Palace. Sunod ay isang apoy ang umabot hanggang kalangitan!

Dahil sa apoy na iyon ay naglaho ang makapal na hamog, sa gitna ng apoy ay sumasama ang mga bangkay na nakakalat sa lugar na iyon.

Sa isang kisapmata lang, ang mahigit isandaang bangkay ay nasunog.

Umupo si Qiao Chu sa lapag at itinigil na ang apoy. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga.

Ang mga abo ng bangkay ay sumama sa hangin kung saan nagkalat ito sa lupa aging sa mga putik na nasa paligid.

Dahil sa pagkasunog ng mga bangkay, walang makakaalam kung anong klase ng patayan ang naganap doon.

Nang masiguro nina Qiao Chu at Hua Yao na malinis na ang trabahong kanilang ginawa sa lugar na iyon, simbilis ng kidlat na nilisan nila ang lugar na iyon.

Sa Dark Emperor's tomb, sumilip si Little Jue sa bukas na pinto. Ang kaniyang mga mata ay puno ng kuryosidad habang pinapanuod niya ang "little girl" na si Ye Jie na kasalukuyang naglilinis.

Isang maliit na pigura ang nakasunod kay Ye Jie. Tila mayroon itong kakaibang nararamdaman kaya naman lumingon lingon ito sa paligid. Nang masalubong nito ang mga mata ni Little Jue agad na bumakas ang takot sa kaniyang mukha.

"Squeak!" Tumalon ang Hell Rodent sa balikat ni Ye Jie at nagtago sa buhok nito. Nanginig ito doon dahil sa sobrang takot.

Tumingin si Little Jue sa Hell Rodent pero wala naman siyang naramdamang kakaiba. Wala nga siyang nasabi kahit isang salita.

"Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na hindi dapat kainin ang Hell Rodent?!" Naiinis na sigaw ng isang boses mula sa likuran ni Little Jue.

Lilingunin sana iyon ni Little Jue nang pwersahan siyang paharapin dito. Napahawak siya sa kaniyang ulo at malungkot na tumingin sa galit na si Fei Yan.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C1384
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄