Gusto na lang nilang magpahinga at matulog ng mahimbing.
Sunod-sunod na sumuko ang mga lalaki na labanan ang kanilang nararamdaman at umupo sa malamig na lupa. Tila nakalimutan nila kung gaano ka-mapanganib ang lugar na kanilang kinaroroonan at humiga nalang upang matulog.
Nanlalaki ang mga mata ng lider ng grupo ng Flamboyant Palace habang pinapanuod ang kaniyang mga kasamahang isa-isang humihiga sa lupa at matutulog. Ngunit maging siya ay hindi magawang labanan ang pagal at antok na kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon.
Marahas na umiling-iling ang lider subalit hindi niya na kayang labanan ang kakaiba niyang nararamdaman.
Maya-maya isang matangkad na lalaki ang lumitaw sa harapan ng lider ng Flamboyant Palace.
Iyon ay isang gwapong binata at puno ang katawan nito ng mga talsik ng dugo.
"Hoy, mukhang maayos pa ito. Nakatayo ka pa rin?" Nakangising saad ng binata.
Gustong tumakbo ng lider ngunit parang natuod na siya sa kaniyang kinatatayuan at hindi niya makuhang gumalaw.
"Hindi mo pa rin naliligpit ang lahat?" Malamig na saad ng binata saka lumabas ang isa pang binata na nakasuot ng dark purple na damit. Mala-demonyo itong nakangiti. Ang nunal sa ilalim ng mata nito ay tila isang luha.
"Bilis! Bilis!" Ang unang binatang nagpakita ay lumapit sa lider at hinawakan ang ulo nito.
"Sino…sino…sino kayo…" Utal-utal na saad ng lider ng Flamboyant Palace.
"Huh? Kami? Kung gusto mo, pwede mong tawagin ang mga mangangaso ng Twelve Palaces." Nangtutuyang nakangiti ang binata habang mahigpit na pinihit ang ulo ng lider.
'Crack!'
Agad na tumunog at nabali ang leeg ng lider.
"Tapusin mo na!" Binatawan na ni Hua Yao ang ulo ng lider ng Flamboyant Palace.
"Brother Hua…Pwede namang mamaya ka na kumilos. Hindi pa ako nag-eenjoy at halos pinatahimik mo na silang lahat. Paano ko malalaman kung gaano na kalakas ang aking kapangyarihan laban sa Twelve Palaces?" Ang binatang nababalot ng mga talsik ng dugo sa katawan ay walang iba kundi si Qiao Chu na nagpunta sa puntod ng Dark Emperor may isang taon na ang nakakalipas!
Ang nakatayo naman sa harap nito ay si Hua Yao.
Sa isang taon na nanatili sila sa Dark Emperor's tomb, hindi sila lumabas doon kahit isang beses man lang. Walang katapusan ang ginawa nilang pagpapalakas sa kanilang mga kapangyarihan. Tatlong buwan pa lang ang nakakalipas simula nang sila ay lumabas sa Dark Emperor's tomb.
Malamig na tinignan ni Hua Yao si Qiao Chu habang pinaikot niya sa kaniyang kamay ang bone flute. Nagpalit iyon ng anyo at bumalik sa Ring Spirit form sa kaniyang daliri.
"Inutusan tayo ni Little Xie na magpunta dito at patayin ang kahit na sinong tatapak na mula sa Twelve Palaces. Hindi para subukin kung gaano na kalakas ang iyong kapangyarihan." Walang ganang saad ni Hua Yao.
Kung kakalat ang balitang nabuksan na ang Dark Emperor's tomb, paniguradong pagkakaguluhan iyon ng mga taga-Middle Realm. Sa kanilang pagku-cultivate ng kapangyarihan sa Dark Emperor's tomb, si Ye Sha, Ye Mei at Ye Gu ang tumulong sa kanilang huwag malapitan ng mga taong sumusubok na makarating sa ilalim ng Heaven's End Cliff.