下載應用程式
83.99% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1312: Muling Paglakad sa Panganib (6)

章節 1312: Muling Paglakad sa Panganib (6)

編輯: LiberReverieGroup

"Ehem… Little Xie, ikaw talaga ay… napakatalino!" Saad ni Qiao Chu habang inusli ang

kaniyang hinlalaki kay Jun Wu Xie. Kahit na ang kabuktutan ng Dark Regions ay nakabitin sa

ituktok ng kanilang ulo, ay nanatili pa rin siyang mabilis sa pag-iisip, isang katapangan na

naging dahilan upang sumaludo siya sa dalaga.

Sinong hindi nakakaalam na ang mga tao mula sa Dark Regions ay nakakatakot? Sino ang

maniniwala na mayroon pang mas nakakatakot na nakatago sa ilalim? Para sa kanilang lahat,

hindi sila maglalakas loob na gumawa ng ganoong pinsala na walang pag-aalinlangan dahil

sinong nakakaalam kung ano ang nasa likod ng icicles!?

Ang direkta at epektibong paraan ni Jun Wu Xie, ay biglang nabatid ni Qiao Chu at ng iba pa…

na masyado nilang inaalala ang mga bagay!

Minasdan ni Jun Wu Yao ang magandang mukha ni Jun Wu Xie at bahagyang tumawa. Minsan

ang mga tao ay nabubulag hindi lamang ng mga sitwasyon na nasa kanilang harapan, ngunit

pati ng takot at pakiramdam ng pagkabalisa sa kanilang puso. Lahat ng mga negatibong

emosyon na iyon gayunman ay bihirang makita na mayroong epekto kay Jun Wu Xie.

Kahit paano hanggang nagyon ay hindi niya nakita ang mga negatibong aspetong iyon ay

ipinakita ni Jun Wu Xie.

"Nagtataka ako kung gaano nga ba talaga kalaki ang lugar na ito na puno ng icicles. Naisip ko,

bakit kaya hindi tayo maghalinhinan sa pagdurog ng apoy, habang ang iba ay may

pagkakataon na bawiin ang kanilang lakas. Sa pamamagitan ng pagsasalit-salitan, ay hindi rin

tayo gagamit ng malakas na spirit power." Suhestiyon ni Rong Ruo habang nakatitig sa

makapal na tumpok ng icicles.

Kung hahayaan nila na isang tao lamang ang tuluy-tuloy na dudurog sa yelo, at bagaman hindi

iyon kukuha ng malaking spirit power sa bawat pagdurog, sa ilalim ng kasalukuyang sitwasyon

kung saan hindi nila alam kung gaano kalayo ang lawak ng icicles, ang lubos na pagkaubos ng

spirit powers ay lubhang mapanganib. Mas makakabuti kung magsalitan sila dahil mas

nakaksiguro sila na wala sa kanila ang magdadanas ng matinding pagkaubos ng spirit powers,

at mabibigyan sila ng sapat na oras upang mabawing muli ang kanilang lakas habang

ginagaratiya ang bilis nila.

Tumango si Jun Wu Xie. Ganoon din ang kaniyang intensyon at sinubukan lamang niya ang

kaniyang teorya kanina sa paggamit ng kaunting spirit power niya. Kung gumamit siya ng

buong lakas, ang epekto ay hindi lamang ganoon kaliit.

Maya-maya pa'y humayo na ang grupo at tumapak sila sa suson ng yelo na tinibag ni Jun Wu

Xie. Kinuha ni Qiao Chu ang balabal at nagdesisyon na gawin ang unang tira!

Tinipon niya lahat ng spirit power sa kaniyang katawan at agad pinataas ang kaniyang blue

spirit power sa antas ng Purple Spirit, at naglabas ng maliwanag na Purple Spirit energy sa mga

icicles na nasa harapan niya!

'BOOM!'

Isang matinding pagsabog ang umalingawngaw sa kanilang mga tao at malaking bahagi ng

espasyo ang agad lumitaw sa kanilang harapan na binuksan ni Qiao Chu. Di-mabilang na icicles

ang naturog sa pagsabog na iyon at isang espasyo na halos sampung metro ang lapad ang

nalinis sa harapan.

Agad binawi ni Qiao Chu ang kaniyang spirit power matapos ang pagtira at lumingon sa likod

na may ngisi sa kaniyang mukha habang mayabang na tumingin sa kaniyang mga kasama,

hinawi ang buhok sa pagsubok na magmukhang sikat, ang mukha niya ay puno ng palalo "Ako

ang numero uno sa ilalim ng Heavens" na hitsura.

Subalit, hindi siya nakatanggap maski isang salita ng papuri sa kahit sino sa kanila, maging

pagpapahalagang tingin man lang.

"Tanga." Saad ni Fei Yan habang tnitingnan ang palalong si Qiao Chu ng sulyap na puno ng

paghamak.

"Bakit? Inggit ka?" Pinandilatan ni Qiao Chu si Fei Yan. Naisip niya na nagawa niya ang tira na

iyon na walang kaparis na istilo alam mo iyon?

"Bobo ka ba!? Hindi kami nakatayo dito para panoorin ka lang na durugin ang yelo! Ang

paggamit ng maraming spirit energy at talagang itinaas pa sa Purple Spirit! Nag-uumpaw ka ba

ng sobrang spirit energy at walang mapaggamitan?" Pinagalitan ni Fei Yan si Qiao Chu habang

pinaikot ang mata. Ang sabi nila ay magbukas ng daan upang mayroon silang madaanan at ang

lapad na tatlong metro ay magiging sapat na, ngunit itong si Qiao Chu ay hindi nag-iisip na

pinasabog ang isang napakalapad na butas na sampung metro ang lapad na hindi naman

magagamit. Walang duda na napakalaki nga noon, ngunit ang epektibong distansiya na

magagamit doon upang makasulong sila, ay sampung metro lamang…

Dapat malaman na ang ginawa ni Jun Wu Xie na walang-bahala na ihip ng spirit energy na

pinakawalan kanina, ay nagawa nang humawan ng tatlong metro.

Ang puspusan at walang saysay na ginawa ni Qiao Chu sa kanilang tingin… ay talagang

katangahan!!!


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C1312
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄