下載應用程式
79.25% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1238: Scarlet Blood (3)

章節 1238: Scarlet Blood (3)

編輯: LiberReverieGroup

Tahimik na pinanood ni Jun Wu Xie si Grand Tutor He.

"Young Master…" Napansin ni Grand Tutor He ang pagdating ni Jun Wu Xie. Hinding-hindi niya makakalimutan ang pagsagip ni Jun Wu Xie sa kaniyang buhay. Humarap siya dito at yumuko.

"Maraming salamat Young Master sa pagliligtas samin! Maraming salamat Young Master…"

Ilang beses nang nangyari iyon kay Jun Wu Xie sa nakaraan mang buhay o sa kasalukuyan. Akala niya ay sanay na siya sa ganoon subalit ngayon, parang naninikip ang kaniyang dibdib.

Sa sitwasyon ngayon ng munting Emperor, paano matatawag na 'pagligtas' iyon?

"Tumayo ka. Ang kalagayan ng inyong Kamahalan ay hindi maganda at may ilang bagay akong kailangang malaman." Saad ni Jun Wu Xie matapos humugot ng malalim na hininga.

Bilang duktor, kung hindi niya maikakalma ang kaniyang sarili at magpapadala siya sa emosyon, walang mangyayaring maganda.

Nabigla si Grand Tutor He at tumingala kay Jun Wu Xie.

"Ibig...mong...sabihin...Maililigtas mo...pa ang mahal na Emperor?"

"Hindi ako sigurado, pero gagawin ko ang aking makakaya." Sagot ni Jun Wu Xie.

Ang malungkot na mukha ni Grand Tutor He ay bahagyang nagliwanag.

"Young Master, iligtas mo ang mahal na Emperor! Kung maililigtas mo siya, magiging benefactor ka ng Buckwheat Kingdom. At ako, gagawin ko ang lahat para mapagbayaran ang iyong kabutihan!"

Pinatayo ni Jun Wu Xie si Grand Tutor He.

"Anong gusto...mong malaman? Sasabihin ko ang...lahat ng aking nalalaman…" Nawalan na ng pag-asa si Grand Tutor He ngunit hindi niya akalaing may magagawa pa kahit papaano si Jun Wu Xie

Sumagot naman si Jun Wu Xie: "Ano ang katotohanan sa kaniyang ring spirit?"

Bahagyang ikinagulat iyon ni Grand Tutor He. Hindi niya inaasahan ang tanong na iyon ni Jun Wu Xie.

"Paanong ang isang batang halos nasa walo o siyam na taong gulang pa lang ay mayroon nang ring spirit?" Tanong ni Jun Wu Xie habag diretsong nakatingin kay Grand Tutor He.

Bumakas ang lungkot sa mga mata ni Grand Tutor He. Yumuko at sa nanginginig na boses ito ay sumagot: "Ang buntot ng kuneho sa likod ng Kamahalan...ay isa ngang ring spirit…"

Kumunot ang noo ni Jun Wu Xie.

Nagpatuloy naman sa pagsasalita si Grand Tutor He: "Pero...ang ring spirit na iyon...ay hindi sa Kamahalan, sa halip ay sa kaniyang nakatatandang kapatid na dating Emperor ng Buckwheat Kingdom."

Ilipat ang ring spirit sa isang tao? Iyon ang unang beses na narinig iyon ni Jun Wu Xie. Hindi naman niya pinagdudahan ang sinabi ni Grand Tutor He dahil naramdaman niya kanina sa bata na iyon ay isa ngang ring spirit. Pero nakakapagtaka ang presensiya nito doon.

"Noong nakaraang taon, ang pagiging Emperor ng Buckwheat Kingdom ay nasa kamay pa ng nakakatandang kapatid ng Kamahalan…:

Maganda ang pagpapatakbo nito sa Buckwheat Kingdom, mabuti ang kaniyang mga intensyon. Personal din siyang pumili ng kaniyang Imperial Guards. Hindi ito nagpakita ng pag-abuso sa kapangyarihan.

Minahal siya ng mga taga-Buckwheat Kingdom. Subalit pausbong pa lang ang Emperor ay nakatagpo ito ng kamalasan!

Ilang delegado ng Condor Country ang bumisita sa Buckwheat Kingdom kasama ang Emperor doon. Personal na nagtungo doon ang Emperor ng Condor Country at labis iyong pinagtaka ng mga taga-Buckwheat Kingdom. Maingat naman ang dating Emperor ng Buckwheat Kingdom sa kaniyang mga salita at pinakitunguhan ang mga bisita ng maayos. At doon, binanggit ng Emperor ng Condor Country ang tungkol sa method ng pagpapalakas ng isang tao at gusto nitong gamitin ang mga Imperial Guards ng Buckwheat Kingdom para pag-eksperimentuhan.

Dahil sa ayaw nitong mapahamak ang mga Imperial Guards, ibinoluntaryo ng dating Emperor ng Buckwheat Kingdom ang kaniyang sarili. 

Masasabing hindi nga namatay ang katawan nito, pero ang spirit nito ay nasira. Hindi nawala ang ring spirit ng dating Emperor bagkus ay nalipat ito sa kaniyang nakababatang kapatid.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C1238
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄