"Napatulog na namin ang dating Emperor." Saad ng Commander. Pinipilit nitong maging kalmado ang tinig. Pilit na binubura sa damdamin ang kalungkutang nararamdaman.
"Mabuti." Pagod na sagot ni Grand Tutor He.
"Grand Tutor He...kumpiyansa ka bang papayag ang Condor Country sating kahilingan?" Nag-aalalang tanong ng Commander.
Mapait na ngumiti ang matanda.
"Maging ako ay hindi rin sigurado. Naging ganito ang dati nating Emperor dahil sa kagagawan din mismo ng Condor Country hindi ba? Ang mga sinabi ko kanina ay para lang matahan na ang Kamahalan. Isa pa...sa kalagayan ng dating Emperor, tingin mo ay may pag-asa pa siyang gumaling?"
Napayuko ang Commander. Alam nila ang katotohanan. Ang mga sinabi ni grand Tutor He sa munting Emperor ay para lang pagaanin ang loob nito. Alam nilang baliw lang ang maniniwalang papayag ang Emperor ng Condor Country sa kanilang gustong mangyar pero nais pa rin nilang subukan.
"Kung gayon, mahihirapan tayong sabihin sa Kamahalan." Nag-aalangang sagot ng Commander.
Muling nagpakawala ng marahas na buntong hininga si Grand Tutor He. "Bukas na natin iyon pag-usapan. Iniisip ko kung ano kayang binabalak ng Emperor ng Condor Country at inimbitahan niya ang mga Emperor ng iba't-ibang bansa. Kailangan nating bantayang maigi ang munting Emperor."
Tumango naman ang Commander, malungkot pa rin ang mukha nito.
"Kung hindi kami niligtas ng dating Emperor, siguro ay… Haaay. Wala kaming silbi. Hindi namin nagawang protektahan ang dating Emperor."
"Kagustuhan iyon ng dating Emperor. Ginamit niya ang kaniyang buhay para iligtas kayong lahat. Maibabalik niyo sa kaniya ang kaniyang kabutihan sa pamamagitan ng pagbabantay ng maigi sa kaniyang pinakamamahal na kapatid. Ang ating munting Emperor na lang ang natitira sa Buckwheat Kingdom's Imperial Bloodline kaya dapat natin siyang protektahan."
"Makakaasa kayo Grand Tutor He! Kahit pa na buhay namin ang maging kapalit, hindi namin hahayaang may gawin sa Kamahalan ang Condor Country. Mayroon lang akong isang bagay na hindi naiintindihan." Saad ng Commander.
"Ano 'yon?"
"Alam niyo naman Grand Tutor na may masama laging intensyon ang Condor Country, bakit natin tinanggap ang kanilang imbitasyon?"
Muli nanamang nagpakawala ng marahas na buntong-hininga si Grand Tutor He: "Bakit hindi? Sa liit ng Buckwheat Kingdom, hindi natin makakayang lumaban sa Condor Country. Kung hindi tayo tutugon sa kanilang imbitasyon, magkakaroon sila ng dahilan para pasugurin ang kanilang mga sundalo. Tingin mo ba ay mananalo tayo sa kanila? Kapag nangyari 'yon, babagsak ang ating kaharian, ang lahat ay mamamatay…"
Hindi sa ayaw namang lumaban, wala lang talaga silang nakikitang paraan para manalo sa mga ito.
Ang Qi Kingdom ay mayroong Rui Lin Army. Pero ang Buckwheat Kingdom, anong meron sila? Ang bilang ng lahat ng sundalo ng kanilang kaharian ay higit kumulang isang-daang libo lang. Kapag nilusob sila, hindi man lang aabutin ng tatlong araw paniguradong bagsak na ang Buckwheat Kingdom!
Kaya naman wala silang magawa kundi ang sumabay na lang sa agos at sarilinin ang kanilang galit.
Natahimik ang Commander.
Kinabukasan ng hapon, lumabas ang Emperor ng Condor Country sa Imperial Palace at inimbitahan niya ang mga namumuno sa Condor Country's Imperial Capital para sa isang pagtitipon.
Ang munting Emperor ang pinakabata sa kanila. Nagpumilit si Grand Tutor He na makapasok kasama ang kaniyang Kamahalan ngunit matigas ang mga nsundalong nagbabantay. Tanging ang mga pinuno lang daw ang maaaring pumasok.
Paulit-ulit na nagpumilit si Grand Tutor He ngunit nauwi siyang sugatan at puro pasa gawa ng mga sundalo ng Condor Country. Gustong lumaban ng mga sundalo ng Buckwheat Kingdom ngunit wala silang binatbat sa mga ito. Walang nagawa ang munting Emperor kundi ang sumama na lang sa mga sundalo ng Condor Country papasok. Ilang beses pa itong lumingon bago tuluyang nawala sa kaniyang paningin si Grand Tutor He.
"Grand Tutor, kapag nakaharap ko na ang Emperor ng Condor Country, sasabihin ko sa kaniya ang sitwasyon ng aking Royal Brother. Huwag kang mag-alala at hintayin mo lang akong bumalik."