下載應用程式
77.78% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1215: Little Big Brother

章節 1215: Little Big Brother

編輯: LiberReverieGroup

Tahimik namang pinanood ng munting Emperor sina Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit na kumakain ng damo. Dahil sa katahimikan at pagiging masunurin nito ay hindi ito mahirap na mahalin. Maging si Jun Wu Xie na likas na malamig ang pagkatao ay hindi naiwasang humanga sa munting Emperor.

[Napakadaling pakisamahan ng batang ito. Ngunit ang personalidad na iyon ay hindi bagay na maging Emperor.]

"Little Big Brother, alaga mo ba ang dalawang Spirit Beast na ito?" Tanong ng munting Emperor. Noong una ay takot ito kay Jun Wu Xie, ngunit makalipas ang ilang araw na kasama niya ito ay hindi na ito nahirapan na makisama kay Jun Wu Xie.

"Pwede." Marahang saad ni Jun Wu Xie.

"Lalaki pa ba sila?" Inosenteng tanong ng Emperor.

"Tingin ko, oo." Hindi niya rin alam kung lalaki pa ba si Lord Meh Meh, kay Sacrificial Blood Rabbit naman, Guardian Grade Spirit Beast na ito kahit pa bata pa lang ito.

"Nakakatuwa. Gusto ko ring magkaroon ng ganiyan pero ayaw akong payagan ni Grand Tutor He. Sabi niya, ako daw ang Emperor ng Buckwheat Kingdom at kailangan kong panatilihin ang imahe ng Emperor. Pero tingin ko, ayaw kong maging Emperor. Dati, nangangarap akong makapunta sa Thousand Beast City! Narinig kong doon, marami ang nagkalat na Spirit Beast! Ang saya lang sigurong maging Spirit Beast Tamer…" Saad ng munting Emperor habang nakatingin sa dalawang hayop. "Kayo ba Little Big Brother, Spirit Beast Tamer ba kayo?"

Umiling si Jun Wu Xie.

"Tingin ko ay mas mahusay ka Little Big Brother kaysa sa mga Spirit Beast Tamer. Narinig kong ang mga Spirit Beast Tamer sa Thousand Beast City ay isang beast lang ang kayang paamuhin. Pero ikaw Little Big Brother mayroon kang dalawa dito. Napakamasunurin ni Little One at Little Two, mukhang nasanay mo nga sila ng maayos." Natatawang saad ng munting Emperor. Lumabas ang biloy nito dahil sa pag-ngiti.

[Little One...Little Two…]

Hindi mapigiling mapangiti ni Jun Wu Xie sa mga pangalang binigay ng munting Emperor sa dalawang Spirit Beast.

"Little Big Brother, kung may pagkakataong mapunta ka sa Buckwheat Kingdom, pwede bang hanapin mo ako? Turuan mo akong magpaamo ng mga Spirit Beasts...ay hindi...turuan mo akong paano makipag-kaibigan sa mga Spirit Beast, pwede ba yon?" Nangungusap ang bilugang mata ng Emperor na nakatingin kay Jun Wu Xie. Samantalang sina Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit ay abala sa pag-nguya ng mga damo sa lupa.

Hindi sumagot si Jun Wu Xie. Wala siyang alam sa Spirit Beast Taming dahil sina Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit ay kusang lumapit sa kaniya.

Habang nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay, mas lalo pang gumaan ang loob sa kaniya ng munting Emperor. Sa kabila ng malamig nitong personalidad, tinawag pa rin siya ng munting Emperor na Little Big Brother.

At sa wakas nga ay nakarating na ang kumboy sa Imperial Capital ng Condor Country. Sa oras na makapasok sila sa lungsod ay magpapaalam na si Jun Wu Xie sa munting Emperor at mga kasama nito. Kailangan niya munang hanapin sina Qiao Chu.

Nang sila ay namaalam na sa isa't-isa, halos ayaw pang bumitaw ng munting Emperor. Paulit-ulit itong lumilingon sa direksyon ni Jun Wu Xie. Hirap itong malayo sa dalawang Spirit Beast at sa kaniyang "Little Big Brother".

Maya-maya lang ay tumalon ito mula sa karwahe at hinabol si Jun Wu Xie.

Natigil naman sa paglalakad si Jun Wu Xie at humarap mula sa kaniyang pinanggalingan, doon ay nakita niya ang munting Emperor na tumatakbo palapit sa kaniya.

"Little Big Brother, gusto kong ibigay muna sa'yo ang jade pendant na ito." Saad ng munting Emperor sabay dinukot sa bulsa nito ang jade pendant sa bulsa nito at inabot kay Jun Wu Xie. Sa pendant ay mayroong nakaukit doon na ang basa ay "Jue".

(Translator Note: Ang bkarakter na nakaukit sa jade pendant ay "珏" na ang basa ay jue2 - kung isasalin sa tagalog ay dalawang piraso ng jade o gem na pinagsama. Huwag malito sa katunog o kapangalan nito na Lord Jue o , na ang ibig sabihin ay isang Duke atbp.)

"Little Big Brother, kapag may pagkakataon kang magpunta sa Buckwheat Kingdom, hanapin mo ako ha?!" Matapos niyang sabihin iyon ay agad na itong tumakbo pabalik sa karwahe.

Pinanood ni Jun Wu Xie ang papalayong likod ng muntin Emperor, sa kamay niya ay ang mainit-init pang jade piece.

Subalit sa paghihiwalay nilang iyon…

Poppy: "Saan mo nanaman ako dinala?"

Author Bei: "Mayroon nakapagsabing gusto ka nilang makitang "maghubad" bago sila magbibigay ng kanilang boto gamit ang kanilang mga ticket. Bilis...maghu...Lintik! Sabi ko sa'yo hubarin mo ang pang-itaas mo, bakit ang pantalon mo ang tinanggal mo?! Itigil mo iyan! Manyak ka! Itigil mo na 'yang paghuhubad mo!!!"

[Isa pang ulit ng larong fa la la~si Brother Hua, kapag nasa labas ng Zephyr Academy, sino ang kaniyang ginagaya para makabenta ng elixir?]


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C1215
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄