Ang pusang itim ay nararamdaman na may hindi tamang nangyayari kay Jun Wu Xie kaya agad
itong lumundag papunta sa lamesa at itinaas ang kaniyang paa at mabilis na pinatamaan ang
piraso ng Soul Jade na nasa ilalim ng kamay ni Jun Wu Xie upang mailayo iyon!
Sa sandaling humiwalay ang kamay ni Jun Wu Xie sa Soul Calming Jade, ang kaniyang katawan
ay hindi sinasadyang unti-unting natuma ng patalikod!
Mabuti na lamang at mabilis si Jun Qing at nasalo niya ito at nang makita niya ang pamumutla
ng mukha ni Jun Wu Xie, ay tilia bumikig ang puso niya sa kaniyang lalamunan!
"Long Qi! Sunduin mo ang manggagamot ngayon din!" natatarantang sigaw ni Jun Qing.
Tumalikod na si Long Qi at tatakbo na sana palabas ng pintuan ng isang boses ang
umalingawngaw.
"Walang silbi ang manggagamot!"
Madaling hinanap iyon ni Long Qi at Jun Qing at ng kanilang madiskubre na ang boses na iyon
ay nagmula sa bibig ng pusang itim, ay hindi maipinta ang kanilang mukha dahil sa hindi nila
iyon mapaniwalaan at para bang naumid ang kanilang dila.
Lumundag pababa ng lamesa ang pusang itim at pumasok sa loob ng katawan ni Jun Wu Xie,
ang munting ulo niya ay kaniyang idiniin sa noo ni Jun Wu Xie.
Ang kondisyon ni Jun Wu Xie ay isang problema na nagpapahirap sa kaniyang soul at ang
pagdadala doon ng manggagamot doon ay hindi makakatulong sa kaniya sa anumang paraan,
at sa halip ay mabubunyag lamang ang tunay na katauhan ni Jun Wu Xie. Si Jun Qing ay
pamilya ni Jun Wu Xie at pinagkakatiwalaan siya ng pusang itim kaya naman hindi siya
nabahala na makipag-usap dito.
Ang kamalayan ni Jun Wu Xie unti-unting lumubog sa kadiliman. Pakiramdam niya ang
kaniyang spirit ay patuloy na tinitira ng isang pwersa, ang pakiramdam ay hindi mapigilan
habang ang kaniyang spirit ay mabagal na bumubuka sa paulit-ulit na pagtama, tila may isang
bagay na dahan-dahang lumalabas mula sa bitak!
Bigla! Iminulat niya ng pagkalaki-laki ang kaniyang mga mata!
"Wu Xie!" mabilis na tawag mi Jun Qing nang makita niya na nagbalik na ang kamalayan ni Jun
Wu Xie.
Subalit ang mukha ni Jun Wu Xie ay napasimangot, isang naglalagablab na silakbo ang mabilis
na umaagos sa kaniyang kamay ng mga sandaling iyon!
Sa kaniyang daliri, isang pulang liwanag ang patuloy na nagbabaga, ang lokasyon ng liwanag
kung saan nagbabaga ay sa eksaktong lugar kung nasaan ang Spirit Ring ni Jun Wu Xie!
Tila ang buong daliri niya ay inilagay sa ibabaw ng apoy upang ihawin, ang napakatindi ng sakit
na halos mabaliw ang isang tao!
Mahigpit na hinawakan ni Jun Wu Xie ang kaniyang daliri, ang buong katawan niya ay hindi
mapigilan ang panginginig.
Si Jun Qing at Long Qi na nasa tabi ay matindi ang pag-aalala na para silang mga langgam na
nasa mainit na kawali, ngunit wala silang kaalam-alam kung paano makakatulong, wala silang
magawa kundi ang ituon ang kanilang tingin sa munting namumutlang mukha ni Jun Wu Xie,
ang kanilang mga kamao ay nakakuyom.
Nang bigla!
Ang nagbabagang pulang liwanag ay biglang sumabog sa loob ng silid!
Sa nagniningning na pagsabog ng liwanag na iyon, isang kakaibang amoy ang mabilis na
kumalat sa buong silid, at sa pulang liwanag na iyon, isang balingkinitang anyo ang unti-unting
lumantad!
Sa sandaling iyon, ang kakaibangpakiramdam na halos nagwasak sa loob ng katawan ni Jun
Wu Xie ay biglang naglaho. Bahagya siyang humingal at naninigkit ang mata, tinitigan niya ang
anyong nalantad, matapos maglaho ng pulang liwanag.
"Hmm? Ilang taon na rin, na mayroong isang tao na tumugma sa akin?" isang tamad at walang
siglang boses ng lalaki ang umalingawngaw malapit sa tainga ni Jun Wu Xie, at kasabay ng
boses na iyon, isang nagninigas na pulang anyo ang biglang nagpakita sa harapan ni Jun Wu
Xie!
Isang kaakit-akit na lalaki na nakadamit ng isang pulang seda na roba ang tamad na nakatayo
sa loob ng silid, ang kaniyang ulo ay may mahabang itim na buhok na nakatali sa likod, ang
itim na itim na buhok ay naiiba sa kaniyang pulang damit, napakaganda at nakakabighani.
Mayroong kaakit-akit na mukha ang lalaki, ang mahaba at nakatagilid na phoenix na mga mata
ay bahagyang naningkit, tila naglalaman ng walang katapusan na tagsibol, may bahid ng pula
sa pares ng mga matang iyon.
Dahil sa biglang pagpapakita ng mahiwagang lalaki na iyon sa loob ng silid ay naging dahilan
upang biglang itaas ni Jun Qing at Long Qi ang kanilang depensa. Nais nilang protektahan si
Jun Wu Xie, ngunit sa hindi nila malaman na dahilan, tila hindi nila matawag kahit kaunti ng
kanilang lakas, pakiramdam nila ay makirot at nanghihina ang kanilang mga paa, para bang
lahat ng lakas sa kanilang katawan ay kinuha lahat sa kanila, kung saan napagtanto nila na ang
panatilihin ang kasalukuyang tindig nila ay tila napakahirap sa kanila.