下載應用程式
75.86% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1185: Makitang Muli ang Soul Calming Jade (3)

章節 1185: Makitang Muli ang Soul Calming Jade (3)

編輯: LiberReverieGroup

Ang kalahating iyon ng Soul Jade ay maingat na itinago ni Jun Qing sa isang malambot na

supot at laging malapit sa kaniyang katawan. Ang bagay na iyon ay lubos na nakakaapekto

kung ang kaniyang nakatatandang kapatid, ang ama ni Jun Wu Xie, ay magagawang mabuhay

kaya hindi siya naglakas loob na maging pabaya.

Tinitigan ni Jun Wu Xie ang Soul Calming Jade. Hindi siya nagmamadali na damputin iyon at

inangat lamang ang kaniyang ulo upang tumingin kay Jun Qing.

"Uncle."

"Hmm?"

"Maya-maya… Kung magsimula akong magpakita ng kakaibang sintomas, ay hindi ka dapat

mataranta. Magiging ayos lamang ako." saad ni Jun Wu Xie, hindi sigurado kung

maaapektuhan pa rin siya ng anumang epekto ng Soul Calming Jade, hindi niya nais na mag-

alala si Jun Qing sa anumang magiging reaksyon niya sa Soul Calming Jade.

Natigilan si Jun Qing nang marinig ang mga salitang iyon.

"Magkakaroon ba ng masamang epekto sa iyo ang Soul Jade?"

Umiling si Jun Wu Xie.

"Hindi na iyon mahalaga."

Napakagaan lamang na tinuran iyon ni Jun Wu Xie, ngunit si Jun Qing ay nag-aalala pa rin, at

iniisip niya na ilayo na ang Soul Jade. Mabuti na lamang, at ilang ulit na siniguro ni Jun Wu Xie

sa kaniya na hindi siya gagawa ng kahit ano na masasaktan ang sarili at dahil doon ay nagbago

ang isip ni Jun Qing.

Huminga nang malalim si Jun Wu Xie bago dahan-dahan na inunat ang kamay upang ilagay sa

ibabaw ng Soul Calming Jade.

Ang pakiramdam kung saan ang kaniyang spirit ay nangangatal ay hindi nangyari!

Sa ilalim ng kaniyang palad, ang tanging naramdaman niya ay ang malamig na ibabaw ng Soul

Calming Jade.

[Walang reaksyon!]

Bahagyang napatalon ang puso ni Jun Wu Xie. Ibig ba nitong sabihin ay ang ginting binhi na

nasa loob ng kaniyang katawan ay hindi lamang inayos ang napinsala niyang soul at nagawa

rin nito na perpektong pagalingin ang kaniyang soul sa katawang ito?

Ang nadiskubreng iyon ay nagdulot ng bahid ng kagalakan sa madalas ay malamig at malayong

puso ni Jun Wu Xie.

Kapag ang soul ay hindi matatag, ay maraming problema ang maaaring lumitaw at ngayon na

nalutas na iyon, ay nakahinga na nang maluwag si Jun Wu Xie.

Ang kaba sa mata ni Jun wu Xie ay naglaho ngunit ang ekspresyon ni Jun Qing na nakaupo sa

isang tabi ay mukha pa ring nag-aalala dahil sa matinding takot na may mangyari kay Jun Wu

Xie.

"Ano?" maingat na tanong ni Jun Qing.

Itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang mata upang tingnan si Jun Qing at marahang sinabi:

"Wala…"

Subalit, nang sabihin iyon ni Jun Wu Xie isang kakaibang pakiramdam ang biglang kumalat

nang mabilis sa loob ng kaniyang katawan!

Ang kakaibang pakiramdam na iyon ay naglakabay mula sa pisikal na katawan niya at lumawak

upang maabot ang bawat isang ugat, tila may humahalo sa kaniyang soul. Ang uri ng

pakiramdam kung saan malalaking alon ang sumisipa sa soul ng isnag tao kaya nakuyom ni Jun

Wu Xie ang kaniyang kamao at ang mukha niya ay putlang-putla!

Nang makita ang mabilis na pagbabago sa kulay ng balat ni Jun Wu Xie, ay agad na napatayo

mula sa kinauupuan si Jun Qing. Nababahalang napatingin siya kay Jun Wu Xie ngunit dahil sa

maagang babala ni Jun Wu Xie, ay hindi nangahas si Jun Qing na walang ingat na hawakan ang

kaniyang pamangkin, sa halip ay nag-aalalang tumingin lamang siya sa mukha ni Jun Wu Xie na

ngayon ay paputi na nang paputi.

Ang kakaibang pakiramdam na iyon ay lalong lumalakas, at pakiramdam ni Jun Wu Xie ay

ginugutay-gutay ang kaniyang soul ng isang malakas na puwersa, ang pakiramdam ay ibang-

iba kaysa noong una niyang mahawakan ang Soul Calming Jade!

Malamig na pawis ang butil-butil na tumagaktak sa kaniyang noo, binasa ang sahig sa paligid

ng kaniyang paa. Mahigpit na nagtagis ang kaniyang bagang, pinaglabanan ang kakaibang

pakiramdam na hindi pa niya naramdaman noon.

Hindi iyon masakit, ngunit iyon ay nagdulot ng hindi komportableng pakiramdam, tulad ng

anumang munting alon na tumatakbo sa soul na isang tao, ay magdadala ng napakalaking

rekasyon!

Ano ang tunay na nangyayari?

Maiging si Jun Wu Xie ay hindi magawang ipaliwanag nang maayos ang nangyayari. Sa ilalim

ng mga alon na dumadaluyong sa kaniyang soul, ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo at

panghihina, walang tigil sa pag-ikot ang kaniyang tiyan! Nais niyang igalaw ang kaniyang

kamay palayo na nakatakip sa ibabaw ng Soul Calming Jade ngunit wala na siyang sapat na

lakas!


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C1185
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄