Nang magising si Jun Wu Xie mula sa knaiyang panaginip, ang sinag ng araw ay sumilip sa
siwang ng bintana na bahagyang nakabukas patungo sa sahig.
Ang tulog na si Lord Meh Meh ay nakataas ang apat na paa sa ere habang ang Sacrificial Blood
Rabbit ay mahimbing na natutulog sa malambot na tiyan ni Lord Meh Meh. Ang isang paa ni
Lord Meh Meh ay napapakislot paminsan-minsan at wala sa loob na inuunat ng Sacrificial
Blood Rabbit ang kaniyang kamay upang ibaba ang paang iyon.
Ang isip ni Jun Wu Xie ay naliliyo pa dahil sa tulog at ang kaniyang ilong ay napuno ng
masangsang na amoy ng dugo. Minasahe niya ang kaniyang sentido habang bumabangon sa
higaan at hinubad isa-isa ang kaniyang baluti at hinagis iyon sa sahig, ang tanging iniwan niya
ay ang telang roba na nakasuot sa kaniya.
Nahulog ang baluti sa sahig at isang malakas at malinaw na kalansing ang narinig, ang ingay na
iyon ay nagdala ng bahagyang nginig sa katawan ng kawal mula sa Rui Ling Army na
nagbabantay sa may pintuan.
"Your Majesty mula sa Fire Country, inihanda na namin ang maligamgam na tubig para iyong
magamit. Nais mo na bang maligo?" Mula sa labas ng pintuan, ang matigas na boses ng kawal
mula sa Rui Lin Army ang pumailanlang.
Bahagyang sumimangot si Jun Wu Xie at sinabi: "Kung gayon ay ipadala mo na dito ngayon
din."
"Masusunod." Ang kawal mula sa Rui Lin Army na nasa labas ay pinigil ang pagkibot na
humatak sa sulok ng kaniyang bibig, sinikap na mapanatili ang kaniyang matigas na
kahinahunan at madaling tumakbo patungo sa kusina upang mag-utos na dalhin na ang
maligamgam na tubig.
[Sa wakas, nagising na ang Young Miss!]
Masaya ang kaniyang pakiramdam, ang mga hakbang niya ay biglang gumaan!
Nang madala ang maligamgam na tubig sa silid, si Jun Wu Xie ay nakamasid sa liwanag na nasa
kalangitan at tinanong ang kawal ng Rui Lin Army na nagdala ng tubig.
"Gaano ako katagal nakatulog?"
"Hindi ganoon katagal, isa't kalahating araw lamang." Saad ng Rui Lin Army, kinalma ang sarili,
at madali niyang ibinuhos ang tubig panligo ni Jun Wu Xie.
"..." [Isang araw at kalahati?]
Hindi naisip ni Jun Wu Xie na makakatulog siya ng ganoon katagal.
"Sa loob ng panahong iyon, may nangyari ba sa labas?" Naisip ni Jun Wu Xie na hindi na niya
kailangan pa itago ang kaniyang katauhan sa harap ng mga tauhan ng Rui Lin Army at siya ay
nagtanong sa paraan na walang pagkabahala at kaswal, hindi tulad ng "Emperor ng Fire
Country" nang una siyang tumapak sa Lin Palace, at sa halip ay kumilos na isang miyembro ng
Jun Family.
Ayos sa mga ipinakitang kinilos sa kaniya noon ng mga kawal mula sa Rui Lin Army, alam niya
na ang mga ito ay tila nahuhulaan na ang kaniyang katuhan kaya bakit pa niya ipagpapatuloy
na itago iyon sa kanila?
"Pag--uulat para sa Young… Erm, Your Majesty ng Fire Country, ang munting Lord ay nagbilin
na sa iyong paggising, kami ay maghahanda ng panligo at bagong mga kasuotan para sa iyo, at
pagkatapos mong kumain ay saka pa lang namin maaaring sabihin sa iyo ang mga bagay na
nangyayari sa labas."
Bahagyang nagulat si Jun Wu Xie, at ang ginaw na nasa kaniyang mga mata ay lumambong
kaunti.
"Sige, kung gayon makakaalis ka na."
Ang gumawa ng ganitong pag-aayos ay ang kaniyang tiyuhin, hinangad na siya ay huwag
munang mag-alala sa mga bagay-bagay at magpahinga nang mahaba.
Matapos ang matinding pagsisikap upang mahugasan ang dugo sa kaniyang katawan nang
paulit-ulit, sa wakas ay naalis na niya ang masangsang na amoy na dumikit sa kaniya. Ang mga
damit na inihanda ni Jun Qing para kay Jun Wu Xie ay isang hanay ng mga damit panlalaki sa
kaniyang sukat, ang kaniyang malambing at maalalahanin na tiyo ay inisip ang lahat para sa
kaniya.
At ngayon na ang mabahong amoy ng dugo ay nawawala na sa kaniyang katawan, iyon ay
unti-unting napapalitan ng pamilyar na amoy ng mabangong mga halaman.
Matapos niyang maligo, hindi katagalan ay dinala na sa silid ang mabango at masamyong mga
pagkain. Habang siya ay kumakain, si Jun Qing at Long Qi ay naglakad papasok, malapad ang
mga ngiti sa kanilang mukha.
"Kahit paano ay alam mo na dapat kang kumain pagkatapos mo gumising. Gaano ka na katagal
na walang sapat na pahinga na sa sandaling lumapat ang iyong ulo sa higaan ay agad
nakatulog nang malalim sa loob ng isa't kalahating araw, munting binibini? Hindi mo na
nagawang manatiling gising ng mas matagal upang makakain muna at ako ay nag-alala na ika'y
magutom." Pagalit na sabi ni Jun Qing habang naaawang napatingin kay Jun Wu Xie. Nang
makita ang eksena kung saan ang kaniyang pamangkin na napakaselan sa kalinisan ay
nakadamit pa rin ng baluti na puro dugo habang mahimbing na natutulog sa sandaling
dumantay ang kaniyang ulo sa unan, ay kakatwa kay Jun Qing at sa parehong sandali ay
nagdulot ng munting kirot sa kaniyang puso.