Ngunit sa sandaling iyon, walang kahit anong saya na maramdaman si Jun Wu Xie sa kaniyang
puso. Ang napakalakas na amoy ng masangsang na dugo ay nagsisimula nang tumama sa
kaniya. Hindi siya makaramdam ng pagdidiwang. Sa battlefield tulad nito, ang manalo o
matalo ay hindi umiiral sa kaniya. Mas hinihiling pa niyang wala na lamang sanang nangyaring
ganito at sapat na sa kaniya kung lahat ng napaslang na kawal ng Rui Lin Army ay maibalik sa
kakniya!
"Little Xie…" nanginginig ang kamay ni Qiao Chu habang naglalakad ito palapit kay Jun Wu Xie.
Ito ang unang pagkakataon na nakaranas siya ng isang malaking labanan, ang kaniyang dugo
ay napukaw ng matinding kasidhian sa battlefield. Hangad ng lahat ng binata na lumaki bilang
isang tunay na lalaki, maging isang bayani na magagawang protektahan at ipagtanggol ang
kanilang bansa.
Subalit si Qiao Chu at ang mga kasama nito ay nasa kakaibang sitwasyon. Ang mga lugar kung
saan sila nagmula ay matagal na silang inabandona at hindi nila alam kung anong uri ng lugar
ang pinanganakan, kaya paano nila magagawang protektahan at ipagtanggol ang isang lugar
na nagkait sa kanila ng tahanan at naging ulila.
Ngunit si Jun Wu Xie ay nagbigay sa kanilang lahat ng isang pagkakataon. Mula sa sandaling
sumang-ayon si Jun Wu Xie na maging Emperor ng Fire Country, si Qiao Chu at ang kaniyang
mga kasama ay nagdesisyon na sasama sa kaniya.
Maging ito man ay ang Qi Kingdom o ang Fire Country, para sa kanila, pareho ay ang lugar na
kanilang sisikaping protektahan at ipagtanggol.
"Gaano karami ang nawala sa hukbo ng Fire Country?" ibinalik ni Jun Wu Xie ang kaniyang
tingin, ang mga mata nito ay hindi na namumula.
"Kahit paano ay katanggap-tanggap pa rin. Ang kalaban ay nawalan na ng hangaring lumaban
nang makita nila ang hukbo ng Fire Country at hindi na ganoon kahirap harapin." saad ni Qiao
Chu habang kinakamot ang kaniyang ulo, mahirap sa kaniyang isipin na matapos ang dalawang
matinding labanan, ang nawala sa kanilang hanay ay nanatiling mas mababa pa sa isang
ikasampu ng kabuuan nilang bilang, kaya naman masasabing ang resulta ay katanggap-
tanggap pa rin.
At lahat ng iyon ay kundi dahil sa lakas ng hukbo ng Fire Country.
Kung tungkol sa lakas, mas mataas ang Rui Lin Army sa hukbo ng Fire Country, ngunit ang
bilang ng hukbo ng Fire Country ay nagbigay sa kanila ng kalamangan, at suot nila ang korona
bilang ang pinakalamalaki at pinakamalakas na bansa sa buong kalupaan, at nagdulot iyon sa
mga hukbo ng likas na takot tungo sa kanila.
Naalala ang huling ginawang patama, hindi maiwasan ni Qiao Chu na ibaon ang kaniyang ulo
sa balikat.
[Si Big Brother Wu Yao ay talaga namang malupit higit sa kaninuman na kilala niya!]
Tumango si Jun Wu Xie. Ang pagpapakilos niya sa hukbo ng Fire Country unang-una dahil sa
napilitan siya sa mga nangyayari at pangalawa upang sumang-ayon sa kahiligan ni Lei Chen,
ngunit hindi niya hinangad na ubusin ang sundalo ng Fire Country para sagipin ang Qi
Kingdom. Pagkatapos ng lahat, siya na ang Emperor ng Fire Country at isang bagay iyon na
hindi niya nais makita.
"Your Majesty!" nababalot sa mga nagtalsikang dugo, pinunasan ni Lei Chen ang dugo sa
kaniyang mukha bago humarap kay Jun Xie at sinabi: "Ang mga Commanders in Chiefs ng
tatlong bansa ay nahuli na at narito ako upang hingiin ang iyong utos Your Majesty. Papatayin
o hindi?"
Ito ay pinagtatakhan kung intensyon bang gawin ni Jun Wu Yao iyon. Sa isang patama sa
huling sandali, tanging ang tatlong Commanders ng tatlong bansa ang naiwan, pinilit na
masaksihan ang buong hukbo nila na milyon ang lakas ay biglang naging isang lawa ng dugo.
Nang nililinis ni Lei Chen ang buong battlefield, nadiskubre niya ang tatlong Commanders na
nawala sa kanilang mga pag-iisip at inutusan ang mga kawal na bihagin at ngayon ay hintayin
ang desisyon ni Jun Xie sa kanila.
Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie at sa malamig naboses kaniyang sinambit: "Ikulong sila.
Dalhin sila sa Imperial City ng Qi Kingdom at tanungin sila."
Nang makuha ang utos sa kaniya, nagmadali nang umalis si Lei Chen upang mag-asikaso.
Dahil naging isang lawa ng dugo ang battlefield, ay wala na silang gaanong dapat linisin.
Matapos magtipon muli ng hukbo ng Fire Country, ay nagsimula na silang kumilos patungo sa
imperial City ng Qi Kingdom.
Kakakuha pa lamang nilang huminga saglit matapos ang pinagsamang paglusob ng tatlong
magkakaanib na bansa, nang matanaw ng mga mamamayan ng Qi Kingdom ang madilim na
masa ng isa na namang hukbo na paparating sa di-kalayuan, ay tila ginapos muli ang kanilang
mga puso.