Habang nagpapatuloy ang kasiyahan sa loob ng Thousand Beast City, tahimik na pumasok sa siyudad ang grupo.
Ang mga guwardiya sa gate ay agad na nagtungo sa Heavenly Cloud Chambers upang ipaalam ito sa mga Clan Chief. Ngunit dahil nasa kalagitnaan ng selebrasyon ang mga Clan Chief, sila ay lasing na at wala na sa tamang huwisyo. Kaya naman wala na silang nagawa kundi kay Qu Ling Yue na lang ipaalam ang balita.
Ngayong si Qu Ling Yue ay asawa na ni Jun Wu Xie, walang nangangahas na hindi ito respetuhin.
Agad na tinanggal ni Qu Ling Yue ang kaniyang pulang belo nang marinig ang balitang dala ng mga guwardiya. Agad itong nagtungo sa silid ni Jun Wu Xie.
"Jun Xie! Ang mga taga-Fire Country ay naririto!" Hindi mapakali ng sigaw ni Qu Ling Yue na nasa labas ng pintuan ng silid ni Jun Wu Xie.
Bumukas ang pinto at iniluwa noon si Jun Wu Xie. "Fire Country?" Bahagyang nagulat si Jun Wu Xie sa narinig niyang iyon.
Tumango naman si Qu Ling Yue. "Mukhang si Lei Chen at Lei Xi iyon kasama ang kanilang mga tauhan. Ang sabi nila, kailangan ka daw nilang makausap para sa isang napakahalagang bagay."
Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie, saglit itong natahimik bago sumagot: "Sige. Pupuntahan ko na sila ngayon."
Ngayon ay araw upang magsaya sa Thousand Beast City at ayaw niyang pumasok sa militar ng Fire Country sa Thousand Beast City. Agad siyang nagtungo sa gate kasama ni Jun Wu Yao.
Sa labas ng gate, naroon si Lei Chen sakay ng kaniyang kabay. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Pasilip-silip ito sa gate at hindi mapakali. Ilang sandali pa ang lumipas ay sa wakas nakita na nito si Jun Wu Xie!
"Royal Brother! Andito na ang Kamahalan!" Sabik na sigaw ni Lei Xi. Hindi na nakapag hintay si Lei Chen na makalapit si Jun Xie. Tumalon ito sa kaniyang kabay at agad na lumapit kay Jun Xie!
"Magandang umaga, Kamahalan!" Agad na lumuhod si Lei Chen sa harapan ni Jun Xie.
Hindi lingid sa kaalaman ni Jun Wu Xie na bago siya umalis, siya ay kinoronahan bilang Emperor ng Fire Country. Ngunit hindi naman siya gaanong interesado doon.
"Hindi ako ang inyong Kamahalan." Malamig na saad ni Jun Wu Xie.
Tumayo naman si Lei Chen at hindi pinansin ang sinabing iyon ni Jun Xie.
"Bago niyo kami tanggihan Kamahalan, mayroon kaming ipagpapaalam sa inyo bago kayo magdesisyon na tanggihan ang pagiging Emperor ng Fire Country."
"Ano iyon?" Tanong ni Jun Wu Xie na Diretsong nakatingin kay Lei Chen.
"Ilang araw na ang nakararaan mula ngayon, nakatanggap kami ng balita na ang apat na bansang pinamumunuan ng Condor Country ay nanghimasok sa Qi Kingdom!"
Agad na nanlaki ang mga mata ni Jun Wu Xie nang marinig ang sinabing iyon ni Lei Chen.
Sumusunod sa Fire Country ang Condor Country bilang isa sa mga pinakamalakas na bansa sa Lower Realm. Ngunit ang Condor Country ay may ibang pamamaraan. Ang bansang ito ay sinasakop ang karatig bansa nito upang mas lumaki at lumakas ang kanilang pwersa. Kung hindi dahil sa lakas ng Fire Country, malamang ay nag-umpisa na rin ito ng giyera sa Fire Country.
Nitong mga nakaraan lang, nagtawag ng tatlo pang kakampi ang Condor Country upang pumasok sa Qi Kingdom!
Agad na uminit ang ulo ni Jun Wu Xie. Hindi maipagkakailang malakas ang Rui Lin Army ngunit para sila ay atakehin ng apat pang pangkat ng mga militar, imposibleng makakalaban sila sa mga ito!
"Naalala kong ang Young Miss na iyong inimbitahan noon ay galing sa Lin Palace ng Qi Kingdom. Ang pangunahing pwersa ng Qi Kingdom ay ang Rui Lin Army na nasa pamumuno ng Lin Palace. Kaya naman naisip ko na dapat mo itong malaman." Paliwanag ni Lei Chen. Naglakbay siya araw gabi at walang pahinga kasama ni Lei Xi para lang ihatid ang balitang ito kay Jun Xie. Naniniwala siyang may mas malalim pang relasyon si Jun Xie at Jun Wu Xie bukod sa pagiging magkakilala.
Ngayong alam niyang nasa panganib ang Lin Palace, siguradong hindi lang uupo at manunuod si Jun Xie.