Nang makita ang bakas ng pagdaan ng panahon na lumalabas at mas nagiging halata sa
kaniyang balat, ay mas lalong nagngingitngit si Qu Xin Rui. Ang kahalagahan ng pagbabago na
pinagdadaanan ng isang tao sa paglipas ng panahon ay ang isang bagay na ayaw niyang
mapagdaanan muli.
Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Shen Chi at kaniyang sinabi: "Natapos ko na ang pag-aalay
at ang kapangyarihan ay nanumbalik na. Bakit pinagdudusahan mo pa rin ang kondisyon na
ito?"
Ayon sa dahilan, dapat ay mananatili na ang batang hitsura ni Qu Xin Rui at hindi na ito
mawawala. Ngunit sa hindi malaman na dahilan, matapos ang piging ng kaarawan, ang bilis ng
pagtanda ng kaniyang katawan ay mas naging mabilis, tila ang bata at kasariwaan ng balat sa
kaniyang katawan ay unti-unting binabalatan.
"Sigurado ka ba na ang ikulong ang malanding si Qu Ling Yue ay hindi makakaapekto sa akin sa
kahit anong paraan?" tanong ni Qu Xin Rui.
Umiling si Shen Chi.
"Ang piitan sa ilalim ng lupa at ang Heavenly Cloud Chambers ay hindi direktang konektado,
kaya hindi iyon makakaapekto sa iyo."
Sa nangangalit na ngipin ay sinabi ni Qu Xin Rui: "Sa oras na makumpirma na ang bagay sa Fire
Country ay maglalakbay ako pabalik at sasabihan ang Elder na tulungan akong makita kung
anon ang nangyayari. Matagal na rin akong hindi nagbabalik at marahil ang epekto nh bagay
na iyon ay nawawala na ang bisa sa akin…"
Sumagot si Shen Chi: "Siguro, ngunit ilang araw na din ang nagdaan at hanggang ngayon ay
hindi pa nagpapakita si Jun Xie. Tiwala ka ba na tatanggapin niya ang iyong mga ihahayag para
lamang sa kapakanan ng isang Spirit Beast?" nang sabihin iyon ay nalipat ang tingin ni Shen
Chi kay Lord Meh Meh na nasa sulok.
Simula nang dumating si Lord Meh Meh sa Heavenly Cloud Chambers ay tahimik itong nanatili
sa lugar na iyon. Hindi kumakain o umiinom at hindi gumagawa ng kahit anong ingay. Kung
hindi lamang dahil sa aura na lumalabas mula sa hayop ay iisipin mo na ito ay malalim na
natutulog.
Matinding naniniwala si Qu Xin Rui na habang nasa kamay nila si Lord Meh Meh ay magagawa
nilang mapasunod si Jun Xie. Ngunit ilang araw na rin silang naghihintay at hanggang ngayon
ay wala silang makita na kahit anong senyales ni Jun Xie, at hindi siya mapalagay dahil doon.
"Maghintay lang muna tayo… Kung hindi pa rin siya magpapakita ay gagawa ako ng bagong
plano.
Nagkibit-balikat na lamang si Shen Chi at hindi na nagsalita pa.
Maya-maya pa ay isang guwardiya ng Heavenly Cloud Chambers ang nagmamadaling
nagpunta doon.
Hindi na maganda ang pakiramdam ni Qu Xin Rui at nang makita niya ang natutulirong
guwardiya ay nakasimangot ang mukha na tinanong niya ito: "Bakit ka ba natutuliro? Huwag
mo sabihin sa akin na nakakita ka ng multo."
Utal na nagsalita ang guwardiya: "Balita para sa Great Aunt… Ang grupo ng mga tao ay
nakabalik na…"
Nanigas ang labi ni Qu Xin Rui at walang tiyaga na sinabi: "Ano ngayon kung sila ay nakabalik
na. Hayaan niyo ang mga hangal na iyon na magsaya ng ilang araw at pagdating ng katapusan
ng buwan na ito ay paalisin silang muli. Ano ang dapat ikatuliro doon?"
Ang buwanang pagpapalit ng mga bihag ay isang bagay na wala siyang pakialam.
Ngunit nagpatuloy ang guwardiya sa pautal-utal nito: "Ngunit… ngunit…"
…
Sa loob ng Fiery Blaze Clan Hall si Xiong Ba ay nagdurusa sa matinding sakit ng ulo. Sunod-
sunod siyang nagpapakalasing nitong mga nagdaang araw at hindi na niya masabi ang
kaibahan ng reyalidad sa panaginip. Lahat sa kaniyang paningin ay tila gumagalaw at iyon ay
nagdulot sa kaniya ng pagkahilo.
Ang disipulo na may dalang tsaa para sa kaniya ay inilapag iyon at walang anumang sinabi,
tinapunan niya ng nag-aalalang tingin si Xiong Ba bago lumabas ng silid.
Sa mga araw na ito, ang kapaligiran sa loob ng Fiery Blaze Clan Hall ay naging kakaiba at
bagama't walang nangahas na ungkatin ang pangyayari ng araw na iyon, ang insidenteng iyon
ay nakatatak na sa kanilang mga puso, hindi mapapawing alaala. Bagama't ang mga disipulo
ay hindi nalalaman ang lahat tungkol sa bagay na iyo, ngunit ayon sa pag-uusap ni Jun Xie at
Qu Wen Hao ng araw na iyon, ay naramdaman nilang mayroong kung anuman tungkol doon.
Sila, ang Thousand Beast City ay mayroong ginawa upang madismaya sa kanila ang Young
Master Jun na iyon…
"Clan Chief!" si Qing Yu ay gulilat at natutuliro na nagmamadaling pumasok sa silid ni Xiong
Ba.