下載應用程式
66.19% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1034: Piging ng Kaarawan (9)

章節 1034: Piging ng Kaarawan (9)

編輯: LiberReverieGroup

"May nagsabi na kung ang isang tao ay nagawang kainin ang spirit ng Devious Wyvern, ito ay

malalampasan ang mga nakaharang at magtataglay ng dagdag na ring spirit." Sabi ni Qu Xin Rui, ang

kaniyang mata ay sumingkit ng kaunti. Ang Devious Wyvern ay matatagpuan lamang sa Lower Real at

nalaman niya ang tungkol dito dahil sa minsang narinig niyang banggitin ito ng isang nakakatanda sa

Soul Return Palace, kung kaya inutusan niya si Lin Que na hanapin ang Deviuos Wyvern dito sa Lower

Realm.

Makapangyarihang ring spirit, kahit sa anong oras, ay isang tentasyon na mahirap tanggihan.

Ang panginoon ng Soul Return Palace ay tinangka ring hanapin ang Devious Wyvern sa Lower Realm

ngunit hindi ito nagtagumpay. Ireregalo dapat ni Qu Xin Rui ang Devious Wyvern na natagpuan ni Lin

Que sa panginoon ng palasyo upang makakuha ng mas malking pabuya.

Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, ang Devious Wyvern ay nakain ng buo ng isang Guardian

Grade Spirit Beast!

Sa kabutihang palad, ang Devious Wyvern ay hindi ang pangunahing layunin ni Qu Xin Rui dahil ang

gusto niya talagang gawin ay ang hanapin ang libingan ng Dark Emperor. Kung hindi niya alam na si Jun

Xie ay ang Emperador ng Fire Country, sa simula pa lang ay pinagpirapiraso niya na ito!

Tunay na nagukat si Jun Wu Xie sa nalamang impormasyon ngunit hindi nanatiling kalmado ang kaniyang

mukha.

[Ang pagkain sa Devious Wyvern ay makapagbigay daan tungo sa Spirit World? At makakakuha ng

dagdag na ring spirit?]

Ang impormasyong ito ay ikinagulat ni Jun Wu Xie ngunit dahil dito naunawaan niya na kung bakit balisa

ang Soaring Seprent na makuha ang Devious Wyvern. Maaring alam ng Soaring Serpent ang tungkol sa

sikreto ng Devious Wyvern kung kaya gusto nitong makuha ang Devious Wyvern, hindi upang pagalingin

ang kaniyang sarili kung hindi ay upang makahanap ng daan para makalabas sa katawan ni Jun Wu Xie!

[Tunay na tuso nga ang halimaw na ito.]

Malamig na tumawa si Jun Wu Xie.

"Ngunit saying naman at ang Devious Wyvern ay kinain ng iyong Spirit Beast. Kung ikaw ang nakakain

nito, maaring makakuha ka ng panibagong ring spirit!" hayag ni Qu Xin Rui habang nakangiti. Subalit

kahit iyon ang lumalabas sa kaniyang bibig, hindi iyon ang iniisip niya sa mga sandaling iyon.

Ang pagkain sa espirito ng Spirit Beast ay hindi madaling gawin. Ang maliit na Emperor ay mula lamang

sa Lower Realm at kahit pa nakuha nga niya ang Devious Wyvern at nalaman ang tugkol sa sikreto nito,

siguradong hindi rin ito magtatagumpay na kainin ang espirito ng Devious Wyvern.

"Ginang Qu, nagbibiro ka yata. Papaanong ang isang tao ay makakayang kainin ang espirito ng isang

Spirit Beast?" tugon ni Jun Wu Xi eng walang ekspresyon ngunit ang kaniyang puso ay tila hinahalukay.

[Ang isang karaniwang tao ay hindi kakayaning kainin ang mga katawan ng espirito.]

[Ngunit siya…]

[Ibang usapan na pagdating sa kaniya!]

[Sa bawat pagkakataon na umaangat ang antas ng kaniyang kapangyarihan, hindi ba't ito ay sa

pamamagitan ng pagkain ng ring spirit?]

[Ang ring spirit ay katulad lang din ng katawan ng mga espirito!]

May mga pag-aalinlangan pa din sa puso ni Jun Wu Xie at hindi pa rin siya sigurado. Kung mamarapatin,

ang spirit stone ng Devious Wyvern ang umanib sa kaniyang katawan at hindi ang katawan ng espirito sa

spiritual na anyo nito. Ang Spirit Beast ay iba sa ring spirit at ang mga spirit ay panandaliang katawan

lamang na walang hubog. Kung gagamit ng espesyal na pamamaraan, maaring makain ito.

At kahit hindi pa alam ni Jun Wu Xie ang tungkol dito, matapos makain ang spirit stone ng Devious

Wyvern, magkakaroon pa rin ito ng epekto sa kaniya.

Si Lin Feng ay nanatili sa kaniyang puwesto at nakatungo lamang ang ulo ngunit sa puso nito, isang

marubdob nag alit ang nagsisimulang umapoy. Ang marinig ang marinig ang kaswl na pakikipag-usap ni

Jun Wu Xie kay Qu Xin Rui, sumasakit ang kaniyang tenga sa boses ni Jun Wu Xie at dahil dito hindi niya

na kaya pang umupo na lamang dito.

[Bakit?]

[Bakit iniisip ng lahat ng dakila si Jun Xie?]

[Isa lamang itong kabaataan na nagmula kung saan! Bakit ang lahat iniisip na dakila ito?]

[Ginawa rin ito ni Qu Ling Yue, at ngayon maging si Qu Xin Rui!]

Nagtagis ang mga bagang ni Lin Feng ngunit ayaw niyang gumawa ng gulo sa piging ng kaarawan ni Qu

Xin Rui. Wala siyang ibang magawa kung hindi ay ang isantabi ang nararamdamang galit at selos.

[Ngunit hindi niya matanggap ang katotohanan. Ang bataang iyon na bigla lamang sumulpot ay kinuha

ang atensiyon sa kaniya ng lahat at hindi niya maatim na manood na si Jun Xie ay napapalapit sa kay Qu

Xin Rui!]


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C1034
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄