下載應用程式
64.14% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1002: Sinong Lulunok Sa Sino (4)

章節 1002: Sinong Lulunok Sa Sino (4)

編輯: LiberReverieGroup

Ang Devious Wyvern ay wala na at si Lin Feng ay biglang nataranta, nag-iisip ng paraan upang

malinis ang pangalan niya sa sitwasyon na ito. At sa kaniyang pagkabalisa, ay naisip niyang

kunin palayo kay Jun Xie ang Spirit Beast niya!

Bagama't ang Devious Wyvern ay katangi-tangi, ngunit ang isang Guardian Grade Spirit Beast

ay sapat na para doon!

Walang tigil sa pagpalahaw si Lin Feng ngunit wala ni isa man sa Spirit Beast Arena ang

nangahas na sumang-ayon kay Lin Feng ng mga sandaling iyon. Bagama't nakilala nila si Lin

Feng sa kung sino siya ngunit wala pa sila sa puntong nasisiraan sila ng ulo dahil alm nila ang

katotohanan na si Jun Xie ay mayroong isang ganap na Guardian Grade Spirit Beast sa

kaniyang kamay!

Nang ang Spirit Beast ay nagpakita sa tunay na anyo nito kanina, doon pa lang ay nadurog na

nito ang buhay ng isang grupo ng mga tao at hindi pa sila handa na mangyari ang ganoon sa

kanila.

Malamig na tiningnan ni Jun Wu Xie si Lin Feng na malakas na pumapalahaw. Kahit na

napapaos na si Lin Feng sa kakasigaw ay wala ni isa mang tao sa Spirit Beast Arena ang

nangahas na sumang-ayon sa kaawa-awa nitong pag-iyak.

"Tapos ka na sa pagsisigaw mo?" walang ekspresyon na tanong ni Jun Wu Xie.

Ang noo'y namumutlang mukha ni Lin Feng ay biglang namula habang tinitigan si Jun Xie,

hinihingal at lihim na hinihiling na sana sa pagtitig niyang iyon ay mabutas niya ang katawan

ng bata.

"Ikaw na Young Master ng Icy Frost Clan ay napakaisip-bata na kailangan pa na ang isang

tagalabas na tulad ko ang magsasabi pa sa iyo ng mga patakaran ng Spirit Beast Arena?"

malamig ang boses na sabi ni Jun Wu Xie.

Natigagal si Lin Feng, habang ang takot niyang tingin ay nilingin ang paligid niya. Lahat ng mga

tao na tinitingnan niya ay mabilis na niyuyuko ang kanilang mga ulo, hindi siya tinitingnan sa

mata.

Ang patakaran ng Spirit Beast Arena ay laging ginagawa sa taong nagmamay-ari kaysa mga

Spirit Beasts. Hangga't ang kalahok ay hindi nagmamay-ari ng Beast Tamer Bracelet ay hindi

mahalag kung anong antas iyon ng Spirit Beasts, at lahat ng tao ng Spirit Beast Arena ay hindi

makikialam sa aspeto na iyon. Kahit pa na ang Spirit Beast ni Jun Xie ay isang ganap na

Guardian Grade Spirit Beast, ay wala siyang nalabag na anumang patakarn ng Spirit Beast

Arena.

"Kung sasabihin mo na lumabag ako ng patakaran, kung gayon, nang lihim mong dalhin ang

Devious Wyvern Dito, ano ang katumbas niyon? Kailangan ko ba talagang ipaalala sa iyo kung

ano ang antas ng Spirit Beast ang Devious Wyvern?" ngisi ni Jun Wu Xie, uyam na nakatingin

kay Lin Feng. Wala siyang balak na makipagtalo sa isang laki sa layaw na bata ngunit dahil

inihain nito ang kaniyang mukha upang sampalin niya, sino siya upang tanggihan ang

"mabuting handog"?

Si Lin Feng ay nawalan na sasabihin dahil sa mga sinabi ni Jun Xie at nagpasuray-suray na

humakbang patalikod. Hindi niya akalain na alam ni Jun Xie ang tungkol sa Devious Wyvern.

"Imbis na makipagtalo ka sa akin tungkol doon, ang Young Master ng Icy Frost Clan dapat ay

pinag-iisipan na kung ano ang isasagot sa kaniyang ama tungkol dito." yumuko si Jun Wu Xie

upang kunin si Lord Meh Meh at buhatin sa kaniyang braso. Nang nilunok ni Lord Meh Meh

ang Devious Wyvern ay lampas sa kaniyang inaasahan, ngunit dahil nangyari na iyon, kahit na

iluwa pa ni Lord Meh Meh ito, ang Devious Wyvern ay hindi na mabubuhay pang muli.

Higit pa roon…

Wala siyang balak na ibalik ang patay na katawan ng Devious Wyvern kay Lin Feng.

"Ikaw… Ikaw ay natalo… Ikaw ay natalo pa rin!" walang mahanap na makatuwirang pakli si Lin

Feng, hindi niya mapapayagan na si jun Xie ang may huling salita bago siya umalis, dahil kung

sakali ang ibig ba sabihin noon ay wala ng natira sa kaniya? At nawala na lahat ng itinaya niya

dahil dito?

Itinaas ni Lin Feng ang kaniyang mata at tumingin kay Lin Feng.

"Ang Spirit Beast mo ay tumapak sa labas ng battle arena platform! Ang paa niya ay lumampas

sa hangganan, kaya ibig sabihin ay natalo ito! Nanalo ang Devious Wyvern!" tila nababaliw na

sigaw ni Lin Feng, desperadong sumusuray sa dulo ng kaniyang katinuan.

"Oh? Ayos lang iyon. Maaari akong humarap muli sa laban." madaling sagot ni Jun Wu Xie.

Dalawang araw lamang iyon. Makakapaghintay siya.

Gayon pa man, wala pa siyang plano na lisanin ang Thousand Beast City.

Ang kalmadong si Jun Wu Xie ay malinaw na ipinakita ang pagkataranta ni Lin Feng sa lahat at

ang pagkakaiba sa pagitan nilang dalawa.

Kahit ano pang uri ng wala sa katwiran na pagmamaktol ang ibato ni Lin Feng o gaano man

siya mambuwisit dahil sa desprerasyon, si jun Xie ay hindi pa rin apektado sa simula hanggang

sa huli.

Ang walang pakialam na reaksyon ay parang isang hindi direktang sampal na pumahid sa

mukha ni Lin Feng. Bagama't hindi iyon masakit, ngunit ang pagpapahiya ay talagang matindi!

Tama, ang magkaroon ng Guardian Grade Spirit Beast sa kamay, bakit nga naman mag-aalala

na magsimulang muli sa Spirit Beast Arena?

Ang Spirit Beast na nasa kaniyang kamay ay sapat ng pruweba na hindi siya isang talunan!


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C1002
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄