下載應用程式
63.44% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 991: Kahit Bago Pa Man Kumalma Ang Tubig (2)

章節 991: Kahit Bago Pa Man Kumalma Ang Tubig (2)

編輯: LiberReverieGroup

Si Xiong Ba na okupado sa kaniyang mga resposibilidad ay nakaalis na nang mabalik si Jun Wu

Xie sa Fiery Blaze Clan Hall. Bilang Clan Chief ng Fiery Blaze Clan Hall ay hindi niya magawa na

maging hayahay tulad ng ibang mga tao. Nang mga oras na iyon, tanging si Qing Yu lamang

ang nagawang samahan si Jun Wu Xie upang ilibot sa buong Thousand Beast City ngunit

madaling nadiskubre ni Qing Yu na bukod sa Spirit Beast Arena tila wala ng ibang lugar na

magbibigay ng interes kay Jun Xie.

Sa kanilang pagbabalik ay madali ng nagtungo si Jun Xie sa kaniyan silid at hindi na ito inabala

pa ni Qing Yu.

"Deputy Chief, sino ba talaga iyong Young Master Jun?" ilan sa mga kapatid mula sa Fiery

Blaze Clan ang nagtanong, umusbong ang usisa tungkol kay Jun Xie na namalagi na ng

dalawang araw doon.

Palagi nilang nakikita na sinasamahan ito ni Qing Yu at bagama't si Qing Yu ay Deputy Chief

lamang, masasabi pa rin na marami pa rin siyang responsibilidad. Ngunit sa pagkakataon na

iyon ay sinasamahan lamang niya ang bata at isinasantabi ang iba niyang dapat gawin kaya

iyon ay nakatawag pansin sa ibang tao.

Ang bata ay tila karaniwan lamang at bukod doon, ang personalidad nito ay sadyang malamig,

hindi nila naisip na may natatangi tungkol kay Jun Xie na kailangan pa na paglaanan ito ni Qing

Yu ng higit na atensiyon.

Sabi ni Qing yu sa kanila: "Si Young Master Jun ang nagligtas sa Young Miss kaya kayong lahat

ay dapat na magbigay galang sa kaniya sa hinaharap. Dahil kung hindi, pagbalik ng Chief ay

babalatan niya kayong lahat ng buhay."

Nang marinig iyong mga clan members ay ikinagulat nila iyon at nainitindihan nilang lahat

kung ano ang nangyayari.

Kunsabagay, ang tungkol sa pinsala ni Qu Ling Yue sa Fire Country ay hindi lihim mula sa mga

tao ng Thousand Beast City at nang ipaliwanag sa kanila ni Qing Yu iyon ay naintindihan agad

nila ito.

"Dahil siya ang nagligtas sa Young Miss natural lamang na pakikitunguhan namin siya ng

maayos. Makakasiguro ka sa bagay na iyan Deputy Chief."

Nasiyahan na ngumiti si Qing Yu sa kanila.

Subalit, bago pa man ipanatag ni Qing Yu ang kaniyang sarili, isang malakas na sigawan ang

biglang narinig sa labas ng Fiery Blaze Clan Hall at maya-maya pa ay ilang miyembro ng Fiery

Blaze Clan Hall ang mabilis na nagtakbuhan sa loob.

"Deputy Chief! Isang masamang balita! Ang Deputy Chief ng Icy frost Clan, si Shagguan Yan ay

patungo dito at may kasamang grupo ng mga kalalakihan!"

"Ano ang dahilan ng pagpunta niya dito?" tumaas ang kilay ni Qing Yu. Matapos ibigay ng

Clan Chief ng Icy Frost Clan na si Lin Que ang katapatan sa kalaban, ang relasyon sa pagitan ng

Fiery Blaze Clan at Icy Frost Clan ay naging pilit na lamang at dahil sa mga personalidad ng

dalawang Clan Chief ay magkaibang-magkaiba tulad ng dalawang magkaibang dulo, ang

kanilang mga miyembro ay sumunod sa kaniya-kaniya nilang Chiefs at ang mga miyembro ng

dalawang clan ay hindi na nagkikita ng mata sa mata.

Sa mga saandaling iyon, ang Deputy Chief ng Icy Frost Clan ay biglang sumugod at naisip ni

Qing Yu na wala iyong magandang dulot.

"Sabi nila ay narito sila at hinahanap si Young Master Jun." saad ng isa nilang miyembro.

Ikinagulat iyon ni Qing Yu, "Hinahanap nila si Young Master Jun dahil?"

Katatapos pa lamang magsalita ni Qing Yu nang marinig ang mga argumento sa loob ng

bulwagan. Si Shangguan Yan na lagpas kuwarenta anyos na puwersahang pumasok sa loob

kasama ang grupo ng mga kalalakihan mula sa Icy Frost Clan at ngayon ay nakatayo sa

harapan ni Qing Yu.

Nagdilim ang ekspresyon ni Qing Yu.

"Shangguan Yan! Ano ang ibig sabihin nito!? Kahit na ikaw ang Deputy Chief ng Icy Frost Clan

ay huwag mong kalimutan na ito ang Clan Hall ng Fiery Blaze Clan! Hindi ito ang lugar na

maaari kang magpunta at umalis kung kailan mo naisin!"

Pinandilatan ni Shangguan Yan si Qing Yu, bakas sa buong mukha nito ang poot.

"Qing Yu, mabuti at nandito ka, dahil ang dahilan nang pagparito ay mayroon ding koneksyon

sa iyo. Nasaan ang bata na mula sa ibang bayan na dinala mo dito noon? Dali at ibigay mo siya

sa amin ngayon!"

"Si Young Master Jun ay bisita ng aming Fiery Blaze Clan. Hindi namin siya ibibigay dahil

lamang sinabi mo! Shangguan Yan tila minamaliit mo yata ang aming Fiery Blaze Clan!?"

singdilim ng kulog kulog ang mukha ni Qing Yu. Ang katotohanan na sumugod doon si

Shangguan Yan kasama ang isang napakalaking grupo ng mga kalalakihan ay masasabing hindi

lamang walang kwenta ang ipinunta nito doon. At matapos niyang banggitin si Jun Xie na

dahilan kung bakit siya nagpunta doon, bakit pahihintulutan ni Qing Yu ito na mangyari ang

nais niya?

"Oh? Kayo ang tunay na nakakaalam kung anong uri ng lugar ang Fiery Blaze Clan Hall! Ang

inyong Clan Chief ay biglang nagdala dito ng munting bata na hindi kilala ang pinagmulan

upang gumawa ng gulo at ang bata ay nagawa pa magpunta sa Spirit Beast Arena at binali ang

mga patakaran upang mapanalunan ang pinakamataas na ranggo! Bilang isa sa apat na clan ng

Thousand Beast City, kung intensyon ng Fiery Blaze Clan na pagtakpan siya, kaming Icy Frost

Clan ay hindi pahihintulutan ang salot na magpatuloy na maghatid ng panganib sa atin!" saad

ni Shangguan Yan na may mapanlait na ngisi.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C991
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄