下載應用程式
51.6% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 806: Ang Tagapagmanang Prinsipe ng Yan Country (3)

章節 806: Ang Tagapagmanang Prinsipe ng Yan Country (3)

編輯: LiberReverieGroup

"Inumin mo yan at mawawala ang iyong sala." Malamig ngunit marahan na turan ni Jun Wu Xie.

Nagulat si Lei Chen dahil hindi niya ito inaasahan na sabihin ni Jun Wu Xie at hindi binigyang pansin ang kaniyang posisyon bilang prinsipe. Ngunit ang pagkabigla ni Lei Chen ay mabilis lamang na dumaan at ito ay ngumiti at inabot ang kupita na ibinigay ni Jun Wu Xie at mabilis itong ininom at ibinaliktad ang kupita para ipakita na walang natira rito kahit kaunti.

"Panghahawakan ko ang iyon salita little brother Jun. At dahil naubos ko ang alak na laman ng kupita, nangangahulugan na hindi na ako sisisihin sa bagay na ito."

"Marapat lamang." Sagot ni Jun Wu Xie at inilayo ang tingin dahil sa naramdamang kakaiba ni Jun Wu Xie.

Pagkarinig sa mga sinabi ni Jun Wu Xie, si Lei Chen ay maluwag na nakahinga at ang kaniyang sigla ay bumalik. Nakipagkwentuhan siya at masayang uminom kasama si Jun Xie at ang mga kasamahan nito, mabilis na napapalitan ang mga bote ng alak sa kanilang mesa. Pagkatapos ng ikatlong bote, lumalim na ang gabi at bahagyang nalasing na si Lei Chen.

Si Jun Wu Xie at ang iba pa ay lasing na din at karamihan sa kanila ay nakasalampak na sa mesa at walang malay dahil sa kalasingan.

Mabuway na tumayo si Lei Chen at bahagyang inilin g ang ulo upang mawala ng kaunti ang kalasingan.

"Mga guwardiya! Samahan niyo ang aking mga bisita…" inisipi ni Lei Chen na ipahatid ang kaniyang mga bisita sa Immortal's Loft ngunit pagtapos niyang mag-isip, napalitan ang kaniyang desisyon, " Iayos ang mga silid para sa panauhin sa West Mansion."

Kahit sa kalasingan, hindi pa rin pinalampas ni Lei Chen ang pagkakataon na makuha ang loob ni Jun Wu Xie.

Ang mga guwardiya ng bahay ng tagapgmanag prinsipe ay tinulongan ang mga disipulo ng Zephyr Academy at iginiya sa kanilang silid na gagamitin habang si Lei Chen ay iginugupo na ng alak at tinulongan na rin ng kaniyang mga tagapagsilbi na makarating sa sariling silid.

Ang bahay ng tagapagmanang prinsipe ay tahimik na. Sa ilalim ng mapayapang gabi, si Jun Wu Xie na dapat ay natutulog na ay biglang nagbukas ng mga mata. Sa ilalim ng kadiliman, ang kaniyang malamig na mga mata at malinaw na nakakakita at walang bakas ng kalasingan.

Bumangon sa pagkakahiga si Jun Wu Xie at bumaba ng higaan. Ang maliit at itim na pusa ay walang ingay na umakyat sa balikat niya at dahan-dahang pinihit ni Jun Wu Xie pabukas ang pintuan at tahimik na naglakad palaba.

Ang West Mansion sa bahay ng tagapagmanang prinsipe ay bukod tangi lamang sa mga panauhin na magpapalipas ng gabi dito at para hindi maistorbo ang ibang panauhin na nagpapahinga, ang mga guwardiya na nagbabantay ay nanddoon lamang sa may bukana.

Sa kakaliman ng gabi sa tahimik na bakuran, iilang pigura ang biglang lumabas.

"Ang tinimpla ni Little Xie ay totoong epektibo. Sa dami ng nainom ko, wala akong maramdamang kalasingan." Saad ni Qiao Chu habang lumapit sa tabi ni Jun WU Xie. Kahit sa malakas amoy ng alak na lumalabas sa katawan niyo, ang kaniyang mukha ay walang bakas ng kalasingan.

Si Hua Yao at ang iba pa ay nakapalibot na kay Jun Wu Xie. Bago magsimula ang salu-salo, uminom sila ng tinimpla ni Jun Wu Xie para hindi sila malasing kahit gaano pa karaming alak ang kanilang inumin at wala kahit isa sa kanila ang nakaramdam ng kalasingan galing sa magandang klase ng alak na ininum nila kasama si Lei Chen. Kahit pa nagpatuloy ang inuman ng ilang bote, siguradong hindi sila malalasing.

"Ang lokasyon ng silid ni Lei Chen ay malinaw sa lahat?" tanong ni Fan Zhuo habang inaayos ang kaniyang suot na damit. Dahil sa maraming gamut na iniinom niya ng mga nakaraang taon, si Fan Zhuo ay hindi ni minsan uminom ng alak. Hindi man siya nalasing sa ininom nilang alak kanina, hindi pa rin siya kumportable sa amoy ng alak na lumalabas sa kaniyang katawan.

Tumango si Jun Wu Xie at ibinaba ang maliit at itim na pusa. Nag-inat ang pusa ng mailapag ni Jun Xie ito sa sahig, at pagkatapos ay tahimik na tumalon palabas.

Ang gabi ay malalim na, ito iyong oras kung saan ang lahat ay mahimbing nang natutulog sa kani-kaniyang higaan. Ang dalawang guwardiya ng West Mansion ay nilalabanan na rin ang antok at hirap na manatiling gising. 


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C806
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄