"Kung malapit nga sila, bakit hindi ito dumalo sa pagsasalo sa bahay ng tagapagmanag prinsipe noong nakaraan?" tanong ni Fan Zhou na nakataas ang isang kilay.
Itinaas lamang ni Fei Yan ang kaniyang balikat bilang tugon na hindi niya alam.
"Ngunit sa kanilang apat na mga prinsipe, ang pinakapaborito ng emperador ay ang pang-apat na prinsipe. Ngunit siya ay napakabata pa, nasa labing apat na taong gulang pa lamang ito." Dagdag ni Fei Yan.
"Labing-apat." Muling naningkit ang mga mata ni Jun Wu Xie. Kumpara sa tatlo pang prinsipe, siya nga ay bata pa. Ngunit… ang edad ni Lei Fan ay binigyang pansin ni Jun Wu Xie. Nag-isip muna siya ng ilag saglit bago nagsalita, "Hindi importante kung sino ang kumukontra kay Lei Chen. Ngunit kung ang taong yan ay ginagamit ako para lamang pabagsakin si Lei Chen at para hindi madamay ang pangalan ng Zephyr Academy, kailangan nating ayusin ang ating mga plano."
Sumali sila sa Spirit Battle Tournament upang ibalik muli ang magandang reputasyon ng Zephyr Academy. Ngunit kung magpapatuloy na kumalat ang mga balitang pinapaboran sila ng tagapagmanang prinsipe, siguradong mas masisira pa nito ang pangalan ng Zephyr Academy.
"May naisip ka na bang paraan?" tanong ni Fan Zhu okay Jun Wu Xie habang nakataas ang isang kilay.
"Para hindi maapektohan ang pangalan Zephyr Academy, kailangan na nating linawin kay Lei Chen ang lahat. Kahit sino pa ang nasa likod nito, hindi dapat natin hahayaan na madamay ang pangalan ng Zephyr Academy dito. Kung kaya naman, kailangan na nating umaksyon habang maaga pa." sagot ni Jun Wu Xie.
Ang una niyang plano ay gamitin ang kaniyang koneksyon kay Lei Chen para makuha ang mapa pagkatapos ng Spirit Battle Tournament. Ngunit dahil sa mga nangyayari, mukhang ang kaniyang plano ay magbabago.
"Kung gumawa tayo ng gulo, pupunta kaya dito ang mga taga Middle realm?" tanong ni Rong Ruo.
Kung papapuntahin ni Lei Chen ang mga taga Middle Realm para makialam, ang kaniyang mga kasamahan ay hindi na makakasali sa Spirit Battle Tournament.
Umiling si Jun Wu Xie.
"Kailangan nating hanapin ang lokasyon ng mapa at makagawa ng kopya nito si Fei Yan." Mas maganda sanga kung ang orihinal na kopya ang nasa kanila, ngunit dahil sa mga naganap sa kasalukuyan, kailangan nilang kuhanin kung ano lang ang makakaya nila.
Gusto ni Jun Wu Xie na makuha ang mapa at maibalik ang dating reputasyon ng Zephyr Academy, hindi niya isusuko ang kahit isa sa dalawa.
"Kailan natin ito gagawin?" tanong ni Hua Yao at tiningnan si Jun Wu Xie.
"Ngayon gabi." Marahang sagot ni Jun Wu Xie. Habang mainit pa ang kumakalat na balita, kailangan nilang umaksyon agad.
Fan Jin, pumunta ka sa bahay ng tagapagmanang prinsipe ngayon at sabihin mo na bibisita tayo mamayang gabi.
Mabilis na tumayo si Fan Jin pagkarinig s autos ni jun Wu Xie at umalis na patungo sa Immortal's Loft.
Samantala sa bahay ng tagapagmanang prinsipe, salubong ang mga kilay ni Lei Yan habang nakaupos sa kaniyang upuan sa silid aklatan ng kaniyang bahay. Pinaalis niya na lahat ng mga guwardiya at nakaupong mag-isa sa silid, ang kaniyang mga mata ay puno ng poot habang nakatingin sa balitang natanggap.
"Gumawa na sila ng hakbang?" Kinuyom ni Lei Chen ang hawak na liham sa kaniyang mga kamay, humigpit ang hawak ng mga daliri niya dit at ang kaniyang mga mata ay napupuno ng poot.
"Hindi ko kayo hahayaan ang iyong mga pamamaraan. Ang buhay ko, ang aking sariling hininga ay hindi basta-basta na laman na mapupunta sa iba!" ang mga mata ni Lei Chen ay sumingkit na tili isang makamandag na ahas habang inilapit ang mga liham sa apoy na nagmumula sa kandila, nakamasid lamang sa nasusunog na papel.
Nauubosan na siya ng panahon. Kung hindi pa rin siya gagalaw, baka mawalan na siya ng tyansa…
Kung kinakailangan niya ipalit ang lahat sa kay satanas, hindi siya magdadalawang isip!
Habang dahan dahang nauupos ang liham na sinusunog, isang katok ang kaniyang narinig sa pintuan.
Mabilis na inalis ni Lei Chen ang galit na makikita sa kaniyang mga mata at marahang sumagot, "Ano iyon?"