下載應用程式
51.15% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 799: Ang Muling Pagningning ng Zephyr (8)

章節 799: Ang Muling Pagningning ng Zephyr (8)

編輯: LiberReverieGroup

Nakakuha ng hindi mapantayan na katanyagan ang Zephyr Academy matapos ang unang araw ng Spirit Battle Tournament! Madali nilang nakuha ang atensyon ng lahat. Kababagsak lamang nila mula sa mataas na kinalalagyan at lahat ay hinamak sila, ngunit ng magsimula ang Spirit Battle Tournament, nagbigay sila ng isang madiin na sampal sa mukha ng lahat!

Matatapos pa lamang ang unang labanan, si Hua Yao at ang iba pa ay may libreng oras kinabukasan. Bago magsimula ang ikalawang laban, ay pinayagan silang gamitin ang libreng oras nila anuman ang gusto nila gawin.

Nang sumunod na araw, ay ang laban na dapat ni Jun Wu Xie. Kaya lamang, may hindi inaasahan na pangyayari sa battle arena ng first district.

Karaniwan, ang unang labanan ay natatapos ng dalawang araw. Ngunit may hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa first district. Hindi malaman kung ang problema ay dahil sa bunutan ngunit marami sa mga kabataan ang nakabunot ng kaparehong antas ng kapangyarihan gaya ng sa kanila at ang dapat na maiksing labanan lamang ay naging matagal. Labing dalawang laban lamang ang naganap ng araw na iyon at dahil doon si Jun Wu Xie na may numero na nasa pinaka huli ay hindi magkakaroon ng pagkakataon na makalaban sa ikalawang araw.

At dahil hindi pa siya ang makakalaban, minabuti ni Jun Wu Xie na maglagi sa Immortal's Loft upang maglinang ng mga elixir dahil wala siyang interes na mag-ikot sa siyudad, ngunit sa hindi inaasahan, si Lei Chen ay muling nag-imbita sa miyembro ng Zephyr Academy. Hindi iyon imbitasyon ng pagkain, ngunit imbitasyon upang mamasyal sa lawa.

Matapos ang hapunan kagabi, naramdaman ni Lei Chen na saw akas ay "lumambot" na si Jun Xie. Nakita niya na ang iba sa Zephyr Academy ay naging magalang sa kaniya, pinagpatuloy niya na ilapit pa ang relsyon, determinado na makuha ang puntirya bago makuha ng ibang tao.

Natural lamang na hindi tanggihan ni Jun Wu Xie si Lei Chen sa "pagpapadala ng kalakal" sa kanila, kaya sumama siya kina Qiao Chu at sa iba pa na paunlakan ang imbitasyon.

Sa lalong madaling panahon, isang balita ang mabilis na kumalat sa buong Imperial Capital. Ang mga kabataan mula sa Zephyr Academy na biglang naging tanyag ngayon ay nakatlai na sa ilalim ng Crown Prince, ang sagisag ni Lei Chen.

Nang kumalat ang balita, lahat ng tao mula sa iba't ibang kapangyarihan na nakatuon ang tingin sa Zephyr Academy ay biglang napahiya. Hindi mahalaga kung gaano kalakas o makapangyarihan ang kanilang pinagsisilbihan, walang mangaahas na lumaban sa Yan Country at ipaglaban ang talento mula sa Crown Prince ng Yan Country!

Bigla, ang mga tao na nagtipon sa Immortal's Loft ay unti-unting humawan, at ang pagod na si Fan Jin na pagod na pagod na makipag-usap ngayon ay nakahinga nang maluwag.

Nang magbalik si Jun Wu Xie at ang iba mula sa kanilang pamamasyal, ay wala ng snuman ang nasa pintuan ng Immortal's Loft.

"Mukhang umeepekto na." nakangiting saad ni Fan Zhuo habang tinitingnan ang paligid ng Immortal's Loft na ngayon ay nagbalik na sa dating kalagayan nito. Ang mga taong iyon ay isang malaking abala at dahil nagtungo si Lei Chen doon at inaalay ang kaniyang sarili upang matapos na ang sakit ng kanilang ulo, ay malaki ang pasasalamat nila sa pagiging "maalalahanin" nito.

"Pffft… Mas nais ko na malaman kung alam ba ni Lei Chen ang tunay na dahilan kung bakit sumasagot na si Little Xie sa kaniya ay dahil nais niya na gamitin iyon upang matapos na ang pang-aabala ng mga taong iyon at upang makuha ang mapa sa kaniya, ano kaya ang magiging reaksyon niya?" hindi mapigilan ni Qiao Chu ang ngumisi at matawa ng maalala niya kung gaano magmalasakit si Lei Chen kay Jun XIe, at kung gaano kainit at kagiliw ang ngiti nito sa buong pamamasyal.

Maging sa isang tulad niya na walang pakialam, nakita ni Qiao Chu na ang interes ni Lei Chen ay nakatuon lamang kay Jun Wu Xie ngunit ngayon "nakita na sila sa isang bagong liwanag", at dahil lahat iyon sa ipinakita nila sa Spirit Battle Tournament.

Hindi ipinahalata ni Lei Chen ang kaniyang mga kilos, at kung ibang tao lamang ang mga iyon, nakaktiyak siya na magagalak ang mga iyon sa pinapakita pagpanig ng Crown Prince. Kaya lamang, sa grupong iyon, wala ni isa man sa kanila ang inisip ang titulo ni Lei Chen bilang Crown Prince.

Kung kalian inaakala ni Lei Chen na nakokontrol niya ang lahat, hindi niya naisip na siya ay tuluyang nahuhulog sa isa sa mga balak ni Jun Wu Xie.

Natatawang naisip ni Qiao Chu na may mga taong ang taas ng tingin sa kanilang mga sarili ay magagawang itago sa kadiliman at hindi nila ito malalaman!


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C799
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄