下載應用程式
50.19% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 784: Ang Piging (11)

章節 784: Ang Piging (11)

編輯: LiberReverieGroup

Labis ang pagtataka ni Lei Chen, hindi niya lubusang alam kung ano ang mga nangyari dahil ang mga bagay ay ibang-iba sa naisip niya.

Tahimik na bumalik si Lei Yuan sa kaniyang upuan. Sa mga sandaling iyon, ang sulyap na binigay niya kay Jun Xie ay hindi na puno ng pag-aalipusta o paghamak.

Nagsimula na ang piging at ang mga mananayaw ay nagsimula ng umindayog sa ilalim ng malalakas na hiayawan, swabe na umikot at umindayog ang kanilang mga balingkinitang balakang sabay ng pagngiti nila ng kaakit-akit. Nahipnotismo ang mga kabataang nandoon dahil sa magandang palabas na iyon. Uminom at kumain sila sa engrandeng hapag na inilaan para doon, mangha at lango sa sobrang karangyaan at galak ng Crown Prince Residence, karamihan sa kanila ay naghahangad sa karangyaan at nakakamanhid na layaw sa mga sandaling iyon. Ang piging na idinaos ng Lei Chen ay tumukso at umakit sa puso ng karamihan ng mga disipulo, pinuno sila ng kasakiman at pag-asam.

Nang matikman ang yaman ng Crown Prince ng Yan Country, hindi nila maiwasan na ikumpara iyon sa kasalukuyang mga buhay nila kaya nagbigay iyon sa kanila ng pakiramdam ng kasakiman at pagnanasa.

Hindi interesado si Qiao Chu at mga kasama niya sa alak at ang masasarap na pagkain sa piging ay hindi rin nagawang pukawin ang kanilang gana kaya naman mas lalo silang nasabik sa mga putaheng niluluto ni Ye Mei.

Malaki ang ngiti ni Lei Chen, nasiyahan siya nakikita niyang pares ng mata ng mga kabataan naroon na mababanaag ang pagkagusto at inggit. Iyon mismo ang nais niyang makita. Hindi mahalaga kung ang mga mata na iyon ay mula sa mga tao na gusto niyang makuha, gusto niyang ipakita sa bawat naroon kung anong meron ang Crown Prince. Hindi lingid sa kaalaman ni Lei Chen na ang mga kabataan na nasa ganoong edad ay mahina laban sa ganoong uri ng karangyaan.

Walang malay na nilingon niya si Jun Xie ngunit hindi niya makita mula kay Jun Xie ang nais niyang makita sa mukha nito. Nakaupo lamang ito ng tahimik, nakababa ang mga mata, tila wala itong pakialam sa kaniyang paligid. Ang mata ay malinaw at malamig pa rin tulad ng dati, malayo sa iba, tila hindi ito nababagay sa kahit saang parte ng Crown Prince Residence sa mga sandaling iyon.

Ang mga disipulo ng Dragon Slayers Academy ay hindi na sinubukan na manggulo sa Zephyr Academy gaya ng inaasahan ni Lei Chen kaya naman hindi na niya nagawa pa ang kaniyang balak gawin. Nakuha niya ang tuwa ng lahat sa plano niyang piging ngunit bigo pa rin siya dahil hindi kasama doon si Jun Xie, ang nag-iisang tao na nais niyang makuha.

Ang Spirit Healing Technique ni Gu Li Sheng ay yumanig sa mundo at noon ay nagpadala ng mga tao si Lei Chen upang imbitahan si Gu Li Sheng sa Yan Country na maging parte ng kaniyang pangkat. Subalit, medaling tinanggihan ni Gu Li Sheng ang kaniyang alok. Ang Spirit Healing Technique ni Gu Li Sheng ang naging sandata nito na kahit si Lei Chen ay hindi na tinangka na puwersahin si Gu Li Sheng na sumama sa kaniya. Dahil ditto, ang kaniyang atensyon ay nakatuon na ngayon kay Jun Xie.

Ngunit…

Tila walang anumang bagay ang nagbibigay interes sa batang iyon. Bagaman hindi niya ipinahiya si Lei Chen… ni hindi rin ito nagpakita ng positibong reaksyon.

Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam si Lei Chen na wala siyang magawa at hindi alam kung ano ang gagawin niya upang makuha ang kaniyang nais. At dahil sa nararamdaman niyang kabiguan na makukuha niya si Jun Xie, ang lasa ng alak na dumaloy sa kaniyang dila ay tila nawalan ng lasa, naging matabang at pangal.

Naging napakaingay nan g piging at ang Third at Fourth Princes na dapat ay nandoon ay wala pa rin hanggang sa mga oras na iyon. Natapos na lang ang piging ngunit hindi pa rin nagpakita ang dalawa.

Sa buong itinagal ng piging, sinubukan ni Lei Chen na makipag-usap muli kay Jun Xie ngunit hindi siya nabigyan ng pagkakaton. Nakayuko lamang ang ulo ni Jun Xie at walang narinig maski isang salita mula sa kaniya kaya wala ng nagawa si Lei Chen kundi sumuko, masaya na lamang siyang nakipag-usap kay Qu Ling Yue.

Lumalim pa ang gabi, at ang piging mula sa maliwanag na Crown Prince's Residence ay nalalapit ng matapos. Karamihan sa mga kabataan ay hindi pa rin magkamayaw sa kanilang pagsasaya habang nililisan ang lugar ng kasiyahan, atubili sa kanilang paglalakad palabas sa Crown Prince's Residence, ang mga mukha ay namumula dahil sa nainom na alak, marami sa kanila ang lumilingon muli habang naglalakad paalis sa kahanga-hangang mansyon na iyon.

Sa kabilang banda, ang mga kabataan mula sa Zephyr Academy ay umalis ng hindi man lang lumilingon. Sa ilalim ng kaguluhan ng mga nag-aalisan na mga disipulo, walang nakapansin na isang pusang itim ang bigla na lang tumalon sa braso ni Jun Wu Xie.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C784
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄