下載應用程式
48.65% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 760: Flame Spirit Auction House (3)

章節 760: Flame Spirit Auction House (3)

編輯: LiberReverieGroup

Ang lalaking nakatayo sa tabi ni Jun Wu Xie ay si Jun Wu Yao!

Ordinaryong damit lang ang suot ni Jun Wu Yao, nakasuot ito ng itim na damit na mayroong simpleng disenyo. Ngunit dahil sa napakagwapong mukha nito, mas naging kaagaw-agaw atensyon ito. Lahat ng kanilang madaraanan ay napapako sa kaniya ang tingin lalo na ng mga kababaihan. Mayroon pang sinundan talaga sila hanggang sa Flame Spirit Auction House. Nang makita nilang papasok doon si Jun Wu Yao ay nagsipasukan din ang mga ito kahit na wala itong interes sa auction.

Dahil sa atensyong nakukuha ni Jun Wu Yao, nahirapan si Jun Wu Xie na hindi mapansin. Bilang isang babaeng nakasuot ng panglalaki, ngunit maliit ang bulto ng katawan at yakap pa ng isang lalaki, nagdulot iyon ng pagkalito sa mga nakakakita sa kanila. Kung hindi pa titignan ang suot nito para masigurong siya ay "lalaki", malamang ay nakatanggap na siya ng mura dahil sa inggit sa kaniya ng mga kababaihang pinapantasya si Jun Wu Yao.

Matapos makumpirma ang "kasarian" ni Jun Wu Xie, napalagay na ang loob ng ilang kababaihan. Hindi lang nila naisip na lalaki talaga si Jun Wu Xie, kundi naisip din nilang sadyang maalalahin lang si Jun Wu Yao.

Humagikhik at kinikilig naman ang mga babaeng iyon nang makita ang mapanuksong ngiti sa labi ni Jun Wu Yao.

Namangha si Jun Wu Xie sa auction house nang sila ay tuluyan nang makapasok ni Jun Wu Yao. Sa ground floor ay puno ng mga taong siguro ay aabot ng isang daan. Ang mga pribadong silid naman sa ikalawang palapag ay parang may pagkakahawig sa Chan Lin Auction House. Nang kaniyang tingalain ang mga pribadong silid sa ikalawang palapag ay nasiguro niyang puno na ang mga iyon.

Nakahanap naman ng mauupuan sina Jun Wu Xie at Jun Wu Yao sa pinakadulong bahagi ng hall.

Nang makkaupo na si Jun Wu Yao ay maraming mga dalaga ang napako sa kaniya ang tingin. Bakas sa mga mata ng mga ito ang pagkamangha sa kagwapuhan ni Jun Wu Yao.

Ngunit para namang hindi iyon napansin ni Jun Wu Yao. Ang atensyon nito ay nakatuon lang sa kaniyang katabi na walang iba kundi si Jun Wu Xie.

Kung may gustong mamahaling gamit si Jun Wu Xie ay na ipag-utos niya na lang sana iyon, pero kung pagdating sa halamang-gamot, wala siyang gaanong ideya pagdating doon. Napansin niya ang madilim na anyo sa mukha ni Jun Wu Xie. Napagtanto niyang hindi nito nagugustuhan ang magulo at maraming tao. 

Sa oras na iyon ay naglabas ng isang magandang jade ang auctioneer sa entablado para sa auction. Iyon ay isang bagay na tiyak na magugustuhan ng mga kababaihan bagamat wala sa entablado ang atensyon ng mga dalagang naroon. 

Nang makita ni Jun Wu Xie na ang bagay na nasa entablado ay wala sa kaniyang mga hinahanap, yumuko ito at muling tinignan ang mga halamang gamot na kailangan niya para sa elixir.

Isang dalaga galing sa isa sa mga pribadong silid ang nag-bid para sa jade nang kaniyang masulyapan ang isang napakagwapong nilalang. Napako ang kaniyang atensyon sa matangkad at nakakabighaning binata na nasa ground floor.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C760
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄