Pinauwi rin muna ni Gu Li Sheng ang mga disipulo ng Spirit Healer Faculty. Dahil sa kinaharap ng lahat nitong nakaraan lang, kailangan nila ng kaunting pahinga bago bumalik sa dati. Wala namang nagsalita pa tungkol sa kaganapang iyon at laking pasalamat naman ni Hua Yao doon.
Dinala ni Jun Wu Xie si Lord Meh Meh sa kakahuyan para matutukan ito kasabay ng panggagamot niya kay Fan Jin. Hindi naman umalis si Jun Wu Yao, nanonood lang ito sa kaniyang ginagawa araw-araw habang nakangiti.
Subalit nahirapan naman si Ye Sha at Ye Mei. Bukod kay Fan Jin na walang malay, wala silang pinapasok na kahit sino sa kakahuyan. Kaya naman ang responsibilidad sa pagluluto hanggang sa paglilinis ay napunta sa kanila. Nang kanilang tignan ang mga tapos na nilang linising mga palayok at pinggan, walang nagawa sina Ye Sha at Ye Mei kundi pigilan ang kanilang luha habang nagpatuloy sa pagkuskos ng mga palayok na puno pa ng uling!
Ibinalik naman ni Fan Zhuo si Ah Jing sa Zephyr Academy. Ang mga sugat sa kaniyang katawan ay malapit nang gumaling. Pero dahil na rin siguro sa trauma mula sa kaniyang dinanas, nanatili itong tahimik.
Si Fei Yan naman ay pansamantalang umalis ng Zephyr Academy para mangalap ng impormasyon tungkol sa kanilang pagpunta sa Yan Country. Lahat sila ay may kaniya-kaniyang paghahanda para sa kanilang pagpunta sa Yan Country, sa oras na magising si Fan Jin.
Mabilis na lumipas ang araw at unti-unting nagkakaroon ng progreso sa katawan ni Fan Jin dahil sa masusing pag-aalaga ni Jun Wu Xie. Ngunit hindi pa rin ito tuluyang gumagaling. Minsan ay kumikislot ito at dumadaing na para bang binabangunguot. Hindi pa rin masasabing maayos na ang kalagayan nito.
Si Fan Zhuo ay araw-araw na binabantayan si Fan Zhuo. Hindi ito umiimik, tahimik lang nito itong pinapakain, pinapaliguan na para bang nag-aalaga ito ng isang batang wala pang muwang sa mundo.
Nakikilala naman ni Fan Jin si Fan Zhuo. Ilang segundo itong didilat at magsasalita, ngunit pagkatapos non ay muli itong makakatulog.
Tuwing nangyayari iyon, parang sinasaksak ng espada sa puso si Fan Zhuo.
Nanatili siyang tahimik. Pilit na itinatago ang kaniyang nararamdaman.
Araw-araw niyang iniisip kung kailan tuluyang magigising si Fan Jin. Ngunit nag-aalala rin siya sa oras na magising ito.
[Sa oras na gumaling na si Fan Jin, makakaya niya kayang iproseso lahat ng nangyari?]
Hindi sigurado si Fan Zhuo.
Malapit na ang pagtatapos ng taon at nagkaroon na ng mapipiling mapopromote galing sa branch division at halos sampu lang sila. Walang alam ang mga ito sa mga pangyayaring naganap sa main division. Nagtataka sila bakit bata pa ang Headmaster at halos kaedad lang nila.
Wala namang nagsasabi sa kanila ng mapait na pangyayaring kanilang nasaksihan dito. Ang mga alaalang iyon ay tila isang bangungot na ayaw na nilang maalala pa.
'Di nagtagal ay nagkaroon muli ng isang buwang bakasyon ang mga disipulo ng Zephyr Academy kaya naman ang mga ito ay pinauwi muna sa kani-kanilang tahanan.
Matapos na umuwi ang mga disipulo, ang mga guro din ay nagbigay ng kani-kaniyang dahilan para sila ay makauwi rin. Naiwang tahimik ang Zephyr Academy.
Hindi na kailangan ni Hua Yao na magpanggap bilang si Fan Jin. Naupo siya kasama nina Qiao Chu sa bakuran sa kakahuyan habang pinapanood si Fan Zhuo na inaalagaan si Fan Jin.
"Sa susunod na taon, tingin ko ay marami ang hindi na babalik dito." Tumingala si Fan Jin sa mga nahuhulog nga tuyong dahon mula sa puno saka mapait na ngumiti. Unti-unti nang bumubuti ang kalagayan nito.
Tuluyan na itong nagising tatlong araw na ang nakakaraan. Pilit niyang hinarap ang bangungot na nangyari sa academy. Gulat na gulat ito sa simula, ngunit naging kalmado rin ito di katagalan. Masasabing natuto na nga ito at parang nag-mature na ito dahil na rin siguro sa sinapit nito.