Ang biglang pagpapakita ni Fan Zhuo ay gumawa ng kaguluhan sa mga naroon.
Ang kanilang mga mata ay malalaking nakatingin sa kay Fan Zhuo, nakabukas ang mga bibig habang nakatingin sa
eleganteng pagbaba nito mula sa karwahe sa ilalim ng paglubog ng araw.
Nabasag ang maskara ni Ning Rui. Nagpadala siya ng napakaraming taohan upang hanapin si Fan Zhuo ngunit hindi nila
ito matagpuan, at ang huling bagay na inaasahan niyang mangyari ay ang pagpapakita ni Fan Zhuo sa kritikal na oras na
ito!
Kung nahuli lamang ito ng iilang saglit, ang mga disipulo ng Zephyr Academy ay nakasakay n asana sa mga karwahe at
nakaalis na ng academy!
Dahil sa nakita nila si Fan Zhuo, nagsimulang tumaas ang boses ng mga disipulo ng Zephyr Academy at nagdebate. Alam
ng lahat ang patakaran ng Zephyr Academy na kapag ang Headmaster ay namatay, ang pinakamataas na posisyong ng
academy ay mamanahin ng kaniyang mga anak. Si Fan Jin na siyang ampon lamang at siyang "pumatay" sa kay Fan Qi, ay
natural lang na hindi magmamana ng posisyon. At sa panahong iyon, si tunay na anak ni Fan Qin a si Fan Zhuo ay biglang
naglaho at hindi mahanap kung kaya naman si Ning Rui ang pumalit sa pwesto, at pinamunuan ang buong Zephyr
Academy.
Ngunit ngayon… si Fan Zhuo ay nakabalik na…
Iilang pares ng mga mata ang tumingin kay Ning Rui at ibinaling naman ang mga tingin kay Fan Zhuo pagkatapos. Ang
kanilang mga tingin ay papalit-palit sa dalawang nasa harap nila!
Dumilim ang ekpresiyon ng mukha ni Ning Rui. Kung nagawa niya lang hanapin dati si Fan Zhuo, naipadala na sana niya
ang mga magagaling niyang tauhan upang maidispatsa si Fan Zhuo, maiiwasan na sana niya ang mga ganitong problema.
At kung dumating ito sa ibang pagkakataon, magkakaroon pa siya ng oras upang tahimik itong mailigpit. Pero pinili ni Fan
Zhuo na pumunta sa pagkakataong ito kung saan kaharap ng lahat ng mga disipulo kaya imposibleng mapapatay niya ito
ngayon!
"Little Zhuo? Sa wakas ay bumalik ka! Nang hindi kita makita sa mahabang panahon, nagsimula na akong mag-alala."
Napagtatnto niyang hindi siya makakagawa ng galaw laban kay Fan Zhuo sa oras na iyon, mabilis na nagpakita si Nin Rui
ng pag-alala at nagkunwari ng simpatya habng kausap si Fan Zhuo.
Si Fan Zhuo ay marahang ngumiti, ang mukha nito ay tulad pa din ng dati, tila isang masunurin at puno ng pagrespeto
kay Ning Rui.
"Tiyo Ning, matagal tayong hindi nagkita, sa wari ko ay naging okay naman kayo?"
Nakita ni Ning Ruin a ang ngiti ni Fan Zhuo ay tulad pa rin ng dati at tinawag si nitong "Tiyo Ning". Dahil dito inisip niyang
walang alam si Fan Zhuo sa katotohanan sa pagkamatay ni Fan Qi at ang kaniyang puso ay lihim na nabunutan ng tinik.
Si Fan Zhuo ay hindi katulad ni Fan Jin, malambot at mahina ito. Dahil lumaking mag-isa sa loob ng maliit na taniman ng
kawayan, siguradong mas inosente ito kumpara kay Fan Jin. Kung si Fan Jin ay namanipula pa ni Ning Rui, sigurado siyang
magagawa niya rin it okay Fan Zhuo.
"Okay lang ang lahat. Ngunit ang iyong kapatid at ama ay …" nag-aalangang nagsalita si Ning Rui, ang kaniyang mukha ay
puno ng pighati.
Si Fan Zhuo ay mukhang nagulat, kumunot ang kaniyang noo sa pag-aalala.
"Anong nangyari sa aking ama at kapatid?"
Sa loob ni Ning Rui ay tumatawa ito ngunit kung titingnan ito sobra ang pagdadalamhati nito at nagsabing, "Ang iyong
ama ay pinatay may kalahating buwan na ang nakalilipas at ang taong pumatay sa iyong ama ay ang iyong kapatid! Sino
ang mag-aakala?! Nakita ko kung paano lumaki si Fan Jin simula ng bata pa lamang ito at hindi ko aakalain na lalaki
siyang ambisyoso. Nakita niya na unti-unti nang umaayos ang iyong kalusugan at natakot siya na hindi mapapasakaniya
ang posisyon ng Headmaster, kaya naman gumawa siya ng paraan habang wala ka rito upang ipasa sa kaniya ng inyong
ama ang posisyon sa kaniya! Ngunit tumanggi ang iyong ama! Walang nag-akala na dahil sa pagkapahiya ni Fan Jin ay
makukuha nitong patayin ang inyong ama!"
Ikinuwento lahat ni Ning Rui kay Fan Zhuo nang may naiiyak na boses at ang mukha nito ay puno ng kalungkutan. Ngunit
sa ilalim ng mga mata nito ay puno ng panunuya.
[Dahil sa mahinang kalusugan ni Fan Zhuo, inaasahan niyang mahihimatay ito! Nasisiguro siyang hindi nito kakayanin ang
balita tungkol sa ama at kapatid nito.]
[At kapag tuluyang kinain ng kalugkutan at depresiyon si Fan Zhuo, maari niya nang maipadala ito sa malayo upang
"ipagamot", isang napakagandang rason na bumalik ang sakit ni Fan Zhuo at piniling sumunod sa kay Fan Qi!]