下載應用程式
44.23% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 691: Ang Muling Pagkikita (3)

章節 691: Ang Muling Pagkikita (3)

編輯: LiberReverieGroup

"Nakakatuwa ba?" Nakatingin si Gu Ying kay Jun Wu Xie bakas sa maitim nitong mga mata ang

ang kalupitan.

Ngayon ay alam na ni Jun Wu Xie kung kaninong mga kamay galing ang mga sugat ni Ah Jing.

Nanatili ang malamig na tingin niya kay Gu Ying, binabalewala ang salita nito upang siya ay

magalit.

Sandaling tumigil si Gu Ying.

"Tila hindi ka nasisiyahan. Sabagay... ang mga taong tulad nito ay nakaksuklam. Bakit ng aba

hindi na lang kita tulungan na patayin siya?" Lumipat ang mga kamay ni Gu Ying sa leeg ni Ah

Jing at sinakal ito!

Namutla ang mukha ni Ah Jing!

"Hindi na kailangan." sa wakas ay nagsalita si Jun Wu Xie. "Bitawan mo siya."

Hindi niya iniisip na totoong tinutulungan siya ni Gu Ying upang ilabas ang kanyang galit. Bukod

doon, kahit na maraming usap-usapan ang kumalat sa Zephyr Academy tungkol sa kaniya

noon, ni isa sa mga iyon ay hindi nagmula sa bibig ni Ah Jing. Hindi kailanman ito naniwala sa

mga bali-balita at hindi nagkaroon ng poot sa kaniya. Kung inaakala ni Gu Ying na maniniwala

siya na kaya niya pinapahirapan si Ah Jing ay dahil sa paninirang-puri nito, iyon ay isang

kalokohan!

Ang gusto talaga nitong makita ay ang takot sa kaniyang mga mata at hindi ang ikalulugod ni

Jun Wu Xie.

Pinagbigyan iyon ni Gu Ying at pinakawalan si Ah Jing, madaling pumasok ang hangin sa baga

nito. Mabilis na umupo si Ah Jing at mahigpit na hinawakan ang kanyang dibdib, kumaripas

muli ito upang magtago sa pinakamalayong sulok ng kusina.

Tinignan ni Gu Ying si Ah Jing at itinaas ang paa at mariing tinapakan si Ah Jing sa kaniyang

tiyan!

"Sinabi ko ba na puwede ka na umalis?" tanong ni Gu Ying kay Ah Jing, ang mata nito'y puno

ng panganib.

Si Ah Jing na wala na sa kaniyang katinuan ay nanginig at namutla at hindi na tinangka pa

gumalaw.

Hinarap muli ni Gu Ying si Jun Wu Xie at malaki ang ngiti na nagsalita: "Hindi na bale, hindi ko

dapat dungisan ang aking mga kamay ng basura. Kung sa tingin mo ay mas nararapat na iwan

ko siyang buhay, pakakawalan ko siya. Nakarating sa akin ang balita na nagbalik ka kaya

nagmadali ako sa pagparito upang makita ka. Hindi ko pa naipakilala ang aking sarili. Ako si Gu

Ying at kapapasok ko pa lamang bilang guro ng Spirit Healer. Mula sa araw na ito ako ay iyong

magiging junior at hindi na ako makapaghintay na ang aking senior ay gabayan ako sa

hinaharap.

[Junior?] Umismid si Jun Wu Xie.

"Ito ay sa ilalim ng payo ni Gu Li Sheng at ako ay nagsusumamo sa aking Senior na ako ay hindi

tanggihan." Napansin ni Gu Ying ang pagkadisgusto ni Jun Wu Xie ngunit hindi niya iyon

pinansin.

[Ang pares ng matang iyon na malamig ang pagtitig, katulad pa rin iyon noong huli niyang

makita sa Chan Lin Auction House.]

[Ngunit...]

[Sayang, kailangan niyang manatiling buhay ng ilang sandali pa. Ang mga matang iyon na hindi

pa niya puwede dukutin!]

"Gusto mo mapag-aralan ang Spirit Healing Technique?" nakuha ni Jun Wu Xie ang ibig sabihin

ni Gu Ying.

"Tama ka." Nakangiting sagot ni Gu Ying.

"Pakawalan mo muna siya." saad ni jun Wu Xie na nakatingin kay Ah Jing na kasalukuyang

tinatapakan ni Gu Ying.

Sa halip ay sumagot si Gu Ying: "Alam ko na ang aking Senior ay hindi gusto na manatili sa

dormitoryo at ang aking Senior ay mas gusto ang maliit na bakuran sa kakahuyan. Kung iyon

talaga ang nais ng aking Senior ay maaari ka manatili dito. At upang ako ay manatiling malapit

sa aking Senior ay natural lamang na ako ay manatili rin dito. Ang basurang ito ay mukhang

nagsilbi na sa lugar na ito noon, hahayaan ko na lamang na manatili siya ditto upang magsilbi

sa akin at sa Senior."

Halata na alam ni Gu Ying ang pagbabalik ni Jun Wu Xie at inalam nito lahat tungkol kay Jun

Wu sa Zephyr Academy.

Alam na alam din nito ang tungkol sa mga masamang ginawa ni Ah Jing.

Tinitigan ni Jun Wu Xie si Gu Ying. Bagaman napag-aralan na niya kung paano itaas ang

kanyang power sa purple spirit, alam niyang hindi niya kayang pantayan si Gu Ying. Kung hindi

siya magiging maingat ay alam niya na ang matatalo ay walang iba kundi siya!

"Gawin mo ang gusto mo." Walang interes na sagot ni Jun Wu Xie at umalis na, hindi na niya

gustong makita pa ng matagal si Gu Ying.

Sa itsura ni Gu Ying ay napagtanto ni Jun Wu Xie na malamang siya ay mula sa Palace na

nakikipagtulungan kay Ning Rui katulad lamang nung dalawang lalaki noon sa Cloudy Peaks.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C691
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄