下載應用程式
42.44% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 663: Ilalim ng Cliff (1)

章節 663: Ilalim ng Cliff (1)

編輯: LiberReverieGroup

Malakas ang ihip ng hangin. Napatigil sa pagbaba si Jun Wu Xie, nagsimula ring umugoy ang lubid. Wala siyang nagawa kundi ang kumapit ng mahigpit sa lubid.

Ilang segundo ring nagpatuloy ang pag-ihip ng buga ng hangin bago iyon tumigil. Ngunit di pa nagtatagal ay muling lumakas ang hangin!

Parang sinasadya ng hangin na mahulog sila sa kailalimin ng cliff. Mahirap na ang pagbaba nila kanina, mas lalo pang humirap ngayon dahil sa matinding ihip ng hangin.

[Kailangan nilang magmadali!]

Huminga ng malalim si Jun Wu Xie. Nagsimulang maalarma ang grupo dahil sa kanilang hinaharap ngayon. Sila ay bumababa sa madulas na lubid na inuugoy ng malakas na hangin. Bumabawas din sa kanilang spirit power na panatilihing hindi nagyeyelo ang mga lubid.

Hindi na alam nina Jun Wu Xie ang gagawin para magpatuloy.

Hindi lang siya, maging sina Ye Sha at Ye Mei ay mahuhulog na sa kanilang kinakapitan anumang oras. Paniguradong ikakamatay nila iyon!

Dahil doon, parang walang maitutulong ang lakas at kapangyarihan nila sa nangyayaring ito.

Hindi kayang talunin ng isang tao ang kapangyarihan ng kalikasan!

Lahat sila ay walang nagawa kundi ang kumapit ng mahigpit sa lubid at Bilisan nag pagbaba.

Pagkatapos ng ilang sandaling pagbaba sa lubid, sa wakas ay may naramdaman sina Ye Sha at Ye Mei sa kanilang mga paa. Naramdaman nilang lumapat na sa lupa ang kanilang mga paa!

Bukod kina Jun Wu Xie, maging silang dalawa ay halos mabaliw na sa walang katapusang pahirap na kanilang pinagdadaanan!

"Young Miss, narating na namin ang pinakababa!"

Umalingawngaw sa kadiliman ang boses ni Ye Sha.

Parang naging musika naman sa kanilang pandinig ang boses na iyon ni Ye Sha!

Gamit ang natitira nilang lakas, binilisan nina Jun Wu Xie ang pagbaba. Noong lumapat sa lupa ang kanilang paa, ang takot at agam-agam nila ay agad naglaho!

Halos maiyak si Qiao Chu sa tuwa!

"Sa wakas ay nakababa din tayo! Pumasok na sa isip ko kanina na baka wala talagang baba ang Heaven's End Cliff." Bulalas ni Qiao Chu habang tinatapik-tapik ang dibdib. Kahit na siya ay pagod na pagod, laking tuwa niya nang lumapat na sa lupa ang kaniyang paa.

Mababa ang temperatura sa baba ng cliff, kaya naman nangatog ang kanilang mga kalamnan. Halos ubusin ng kanilang pagbaba sa lubid kanina ang kanilang lakas. Ngunit nang tumuntong na sila sa lupa, agad naglaho ang kanilang pagod!

Nahirapan ang grupong tumayo. Sumandal sina Qiao Chu sa basang pader ng cliff, sinusubukang maigi na huwag matumba.

Ganon din si Jun Wu Xie. Ngunit ang kaniyang puso ay kalmado nang kaniyang ilabas ang Spirit Fire Globe na kaniyang inihanda. Sa lugar na napakalamig at basa, napakaimposibleng gumawa ng apoy.

Ngunit ang Spirit Fire Globe na kaniyang hawak ay kakaiba.

Ang Spirit Fire Globe ay hind naglalaman ng totoong apoy. Nakaasa iyon sa spirit stone na nasusunog para umilaw.

Mahal ang Spirit Fire Globe at para umilaw iyon ay kailangan ng spirit stones. Ibig sabihin, sa bawat minutong ginagamit ang Spirit Fire Globe, para ka na ring nagsusunog ng pera.

Hindi iyon alam ni Jun Wu Xie dati. Nalaman niya lang iyo kay Mu Qian Fan.

Matagal nang alam ni Mu Qian Fan ang Spirit Fire Globe, ngunit may Kamahalan iyon kaya hindi siya bumili. Samantalang si Jun Wu Xie ay hindi kinukulang sa pera.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C663
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄