Sampung metro pa lamang ang naibaba nila, at kahit nakaharap sila sa araw, ang kanilang nakikita'y napakalabo parin. Nasa katuwiran sila kung iisipin nilang walang sinag ng araw ang makakaabot sa pinakailalim ng talampas na ito.
Isinantabi ni Jun Wu Xie ang mga isipin na ito at nagpokus na lang sa pagbaba.
Inasahan na nila ang pagkahaba ng pagbaba nila, kaya't may nakapalibot na lubid sa kanilang mga bewang.
Dahan dahan man ang kanilang pagbaba, hindi sila makapagpahinga kahit kaunti. Ang lubid na kanilang kinakapitan ang tanging nahawak sa kanilang buhay, at ang napakaliit na dulas ay maari nilang ikamatay.
Dahil sa pagkabalot nila sa hamog, hindi na nila alam kung gaano na sila katagal. Sa paligid nila, wala silang ibang nakikita kung di puti. Kung di nila nararamdaman ang pagpalit ng temperatura, hindi nila aakalaing gumagalaw sila.
Kung gagawin ito ni Jun Wu Xie sa nakaraan niyang buhay, hindi siya tatagal. Pero matapos niyang mabuhay muli, lumakas ang kanyang spirit powers at sa buong pagbaba nila, ang spirit powers ay nakatulong sa pagbawas ng pagkapwersa ng kanyang katawan. Nasa pinakagitna si Jun Wu Xie, halos isang metro lang ang nilayo sa kanyang mga kasama. Pinagisipan nila ang layo ng bawat isa sa kanilang pagbaba, para mabantayan nila ang isa't isa kung kinakailangan.
Sa simula, nakikita pa ni Jun Wu Xie si Rong Ruo sa kanyang kaliwa at si Qiao Chu sa kanyang kana. Ngunit habang sila'y nababa, pakonti ng pakonti ang kanilang nakikita, at pakapal ng pakapal ang hamog na nakapaligid sakanila. Dumilim ang kanilang kapaligiran, at naramdaman nila ang lamig.
Hindi na makita ni Jun Wu Xie ang mga mukha nila Qiao Chu at Rong Ruo, at tanging silweta nalang ang kaning naaaninag.
Wala pa sila sa gitna ng kanilang pagbaba at ganito na ang sitwasyon nila.
Sa mga panahong ito, mas nagalala si Jun Wu Xie sa kanilang haharapin paglapag nila sa dulo ng Heaven's End Cliff.
Nang sila'y patuloy na bumaba, mas bumaba rin ang temperatura. Nagsimula na silang manginig. Walang ibang pwede pagpilian si Jun Wu Xie kungdi gamitin ang kanyang spirit power para takpan siya, at mapabagal ang pagkawala ng init sa kanyang katawan.
"Magpahinga kaya muna tayo?" biglang umalingawngaw ang boses ni Qiao Chu.
"Gano katagal na ba tayo bumababa?" Tanong ni Fei Yan sa madilim na kapaligiran.
"Hindi ko alam."
"Sampung oras." Sagot ni Jun Wu Xie.
Nagbibilang siya ng segundo sa kanyang utak ng hindi niya namamalayan, at nang umabot siya sa pang-anim na oras, kalahating araw na ang nagdaan.
"Magpahinga muna tayo." Sabi ni Jun Wu Xie.
Kahit napoprotektahan ng guwantes ang kanyang mga kamay, namanhid na ito matapos ang sampung oras ng tuloy tuloy na pagkikiskisan ng kamay niya at ng lubid. At kasama na dun ang pagtulong ng kanyang spiritual powers para maprotektahan ang kanyang katawan. Kung hindi niya ito pinaghandaan, hindi sila magtatagal ng limang oras.
"Sige! Sabi ko may mali sakin. Siguro gutom lan giyon. Pahinga muna tayo at kumain para mabalik ang lakas natin." Sabi ni Qiao Chu, ang boses ay mariringan ng kaunting paghihirap.
Sumangayon ang lahat at tinutok nila ang kanilang spirit powers sa isang kamay para siguruhin ang kanilang kapit sa lubid. Isinandal nila ang kanilang mga paa sa talampas bago inabot ang kanilang pagkain sa supot sa kanilang mga bewang. Nagsikuhaan sila ng mga tinuyuang karne at kumain.
Sa lamig ng temperatura, ang tinuyuang karne ay kasing tigas ng isang bato, at kahit ang tubig na kanilang dala'y napakalamig.
Sa kanilang sitwasyon, wala silang ibang magawa kung di magtiyaga sa kung anong meron sila.
"Ye Sha, Ye Mei," Hawak ni Jun Wu Xie ang tinuyuang karne sa kanyang kamay pero hindi niya ito kinain agad. Sa halip, tinawag niya sina Ye Sha at Ye Mei na nauna sa kanilang pagbaba.