Para malutas ang problema ng palihim?
Patawad, ngunit hindi siya naghanda na tapusin ang mga pangyayari ng tahimik.
Ang sinumang may lakas ng loob na hawakan ang Hukbo ng Rui Lin, ay magbabayad gamit ang kanilang buhay!
Hindi alam ni Fan Qi ang kanyang sasabihin kay Jun Wu Xie. Binalak niyang lutasin ang pangyayari ng palihim at hindi hahayaan na kumalat ang mga pangyayaring ito, dahil kung kumalat ito, masisira ang reputasyon ng Akademyang Zephyr. Sa kasamaang-palad… ang kabila ay hindi nagbibigay sa kanya ng pagkakataong gawin ito.
Nahaharap sa agresibong tayo ni Jun Wu Xie, walang magawa si Fan Qi sa harap niya.
Mahigit isang-daang sundalo ng hukbo ng Rui Lin ang nakapila sa likod ng pasukan ng Akademyang Zephyr, lahat ay nakaabang ng may kamay na nakakapit sa mga espadang nakasabit sa kanilang mga hita, handang ilabas ang mga ito sa pagtanggi ni Fan Qi.
Bagaman ang Akademyang Zephyr ay kilala at mataas ang reputasyon, lugar parin ito para sa pag-aaral. Sa labanan, wala silang magagawa laban sa Hukbo ng Rui Lin.
Sa kabila ng pagdala ng isang-daang sundalo lamang, kung gusto nilang burahin ang Akademyang Zephyr, hindi mahirap ito para sa mga bihasang sundalong ito.
Malamig na pawis ang tumulo sa noo ni Fan Qi. Hindi niya talaga inakalang may isang dalaga na mayroong mapang-aping aura.
"Dahil iyon ang usapin… Susunod kami sa anumang utos ni Binibining Jun." Wala nang nagawa si Fan Qi kundi sumang-ayon.
Nagtaas si Jun Wu Xie ng isang kilay, at tinitigan si Fan Qi, na nagpakita ng kanyang pagtanggap sa kahit anong pagbibigay-sala, at sinabing: "Maaari ko bang hingiin na ipatawag ng Punong Tagapagturo ang mga sangkot sa pangyayari dito, at maaari ba nating linawin agad ang lahat ng pangyayari?"
Pinagpapawisan na si Fan Qi at sinabing:
"Patungkol sa pangyayari, gawa ng kakulangan ng Akademyang gabayan ang aming mga disipulo, ang pangyayari. Ang mga disipulong may kinalaman ay pinaalis na mula sa Akademya matapos ang Spirit Hunt."
"Oh?" Nanliit ang mga mata ni Jun Wu Xie.
"Sinasabi mo ba sa akin, na si Nangong Xu, na nanguna sa Spirit Hunt, ay pinaalis mo na rin?"
Nagulat si Fan Qi, at mabilis na inalog ang kanyang ulo.
"Walang kinalaman si Senyor Nangong sa mga pangyayari, siya lamang ay….."
Lumapit si Long Qi, at ang kanyang mukha ay nanilim: "Malinaw na ang mga salita ng Binibini. Kung ang Punong Tagapagturo ay hindi taos-puso sa kanyang pag-ayos sa mga pangyayari, mapipilitan ang hukbo na kumilos."
Nang matapos si Long Qi, nag-iba ang kulay ng mukha ni Fan Qi.
Ang ibig-sabihin ng mga salitang iyon ay malinaw. Kung hindi niya pinatawag ang mga taong sangkot sa mga pangyayari, si Long Qi mismo at ang kanyang mga tauhan ang 'magpapatawag' sa kanila.
"Hindi… Hindi na kailangan. Ako na ang magdadala sa kanila dito." Paiyak na si Fan Qi. Sa tagal ng kanyang posisyon bilang Punong Tagapagturo, ito ang unang pagkakataong nangyari ito sa kanya.
Ngunit, sa pangyayaring ito, sila ang may kasalanan, at kahit gawin talaga ng Hukbo ang kanilang pananakot, walang masasabi ang Akademya laban sa kanila.
Matapos ang ilang sandali, dumating si Nangong Xu, ng nagmamadali. Nang makita ang anyo ni Long Qi, ang ekspresyon sa mukha ni Nangong Xu ay napalibutan ng hiya.
"Heneral Long Qi." Binati ni Nangong Xu si Long Qi ng may pilit na ngiti
Hindi siya pinansin ni Long Qi at patuloy na tinignan si Jun Wu Xie para sa mga utos nito.
Gumalaw si Jun Wu Xie at medyo tinaas ang kanyang kamay. Tumalikod agad si Long Qi at tinitigan ng masama si Fan Qi.
"Punong Tagapagturo. Akala mo ba'y maloloko mo ang Hukbo ng Rui Lin?"
Muntikan nang mapaluhod si Fan Qi sa harap ni Long Qi. Hindi talaga niya alam kung ano na ang nagawa niyang mgali ngayon na makakagalit kay Jun Wu Xie.
Naintindihan na niya. Si Long Qi, na nakatayo sa kanyang harapan ay ang Heneral ng hukbo, ngunit sa grupo ng mga sundalo dito, ang talagang nangunguna ay ang pinakabatang si Jun Wu Xie, at kahit si Long Qi ay sumusunod sa kanyang mga utos.
"Maaari ko bang ituro ni Heneral Long Qi sa akin ang tamang direksyon? Hindi ko talaga maintindihan ang ibig-sabihin ng Binibini." Matapos makitang wala siyang magawa laban sa dalaga, naramdaman niyang nabuhay siya para sa wala.