Lahat sila ay nagmukhang malaking biro!
Fan Jin?
Kumpara sa apat na Grim Reaper, hindi karapat-dapat na ibilang si Fan Jin sa mga ito!
Ang lider ng mga batang iyon ay walang magawa kundi manood habang isa-isang kinakatay ang kaniyang mga kasamahan. Lumipad ang mga dugo ng mga ito papunta sa kaniyang katawan. Dugo ang kanilang nilagay kanina sa kanilang katawan nong una, ngunit ngayon ang kanila mismong sariling mainit at sariwang...dugo...
Gumapang ang kilabot at takot sa kaniyang puso. Sa oras na iyon, naisip niyang masyado nilang minaliit ang kakayahan ng grupong ito sa umpisa.
Akala nila na tanging si Fan Jin lang ang may kakayahang makipaglaban at kapag inalis nila si Fan Jin, madali na lang sa kanilang patayin ang mga ito.
Ngunit ngayon, ang pinapatay ay sila mismo...
Nang ang huling batang natira ay natumba sa sarili nitong dugo, nasa sukdulan na ang takot na bumalot sa puso ng lider!
Isang anino ang tumakip sa kaniya at isang pigura ang nakita niyang nakatayo sa kaniyang harapan. Nagdadalawang-isip siyang tinignan ito at nasalubong ng kaniyang tingin ang malamig at walang emosyong mukha.
"Walang silbing nata." Malamig na tinitigan ni Jun Wu Xie ang disipulong namamaluktot sa lupa.
Nahirapan ang bata na panatilihing nakatingala habang sinasalubong ang malalamig na titig ni Jun Wu Xie. Lumukob sa kaniyang buong katawan ang takot.
Ito mismo ang tinawag ng lahat na duwag na nagtatago sa lungga nito? Ito ang Jun Xie na namuhay na nakaasa sa proteksyon ni Fan Jin?
Kahit na patayin siya ngayon, hindi siya maniniwwalang ang Jun Xie na nasa kaniyang harapan ay ang mismong Jun Xie na tinawag ng lahat na duwag!
Matapos ng madugong pagpatay, lumapit si Qiao Chu at itinayo ang lider.
Ang brutal at bayolenteng ginawang iyon ni Qiao Chu ay naging dahilan para dumaing ito ng malakas, ang mukha nito ay putlang-putla na.
Dahil siya ay itinayo, diretso niyang na titigan si Jun Xie sa mata, mas lalong lumala ang takot sa kaniyang puso dahilan para mahirapan siyang huminga.
Ang lalaki ay maliit at payat lang, ngunit ang malamig na pares na mga mata nito ay damang-dama niya at tumatagos sa kaniyang kalamnan.
Humarap si Jun Xie kay Fan Jin at nagsalita: "Gusto mong magtanong?" Dahil ang puntirya ng patibong na iyon ay si Fan Jin.
Nagtiim ang mga bagang ni Fan Jin at tumingin sa namumutlang bata: "Bakit?"
Pinagpapawisan na ng malagkit ang bata dahil sa kaniyanng takot na nararamdaman. Hindi niya inakalang sila ay mabibigo at matapos niyang masaksihan ang madugong pangyayari kanina lang, naglaho ang yabang at tapang niya, ang tanging gusto lang niyang mangyari ngayon ay ang mabuhay. Handa siyang sabihin ang lahat ng kaniyang nalalaman kung ang kapalit nito ay ang kaniyang kalayaan.
"Si Yin Yan...si Yin Yan ang nag-utos saamin na gawin ito...Pakiusap...palayain niyo ako...Anuman ang gusto niyong malaman, sasabihin ko sainyo..." Umiiyak ito at nagmamakaawa.
"Yin Yan? Gusto niya akong patayin?" Hindi inaasahan ni Fan Jin ang sagot na iyon dahil wala naman siyang gaanong interaksyon kay Yin Yan. Hindi niya rin alam kung ano ang posibleng dahilan para gawin iyon ni Yin Yan sa kaniya.
Pareho ng isang insidente sa kainan noon. Agresibong lumapit sa kaniya si Yin Yan ng walang dahilan.
"Oo. Siya nga. May ginamit siya para kayo ay magpunta saamin habang kami ay nagpapanggap na sugatan. Kapag kayo ay dumating, papatayin ka namin." Saad ng bata habang inikot ang paningin sa grupong nasa kaniyang harapan.
Perpekto na ang plano. Ang batang nakatakas kanina ay aarteng parang tunay na inaatake nga ito at manghihingi ng tulong kila Fan Jin, pagkatapos ay magmamadaling tutungo ang mga ito sa kanila. Gumana na ang lahat ng naaayon sa plano ngunit masyado nilang minaliit ang kakayahan at tapang ng mga disipulong galing branch division.
"Sabi niya, kapag nagtagumpay kaming patayin ka, bibigyan niya kami ng pabuya. At kapag napinsala ang aming mga ring spirits sa hinaharap, ay pagagalingin niya iyon."