Nanginig si Ah Jing at kinilabutan nang marinig ang boses na nagsabing "maingay". Tumalikod siya para tignan ang pintuan nang makita ang anyo ni Jun Xue, nagsisigaw siya.
"Tandang Pannginoon! Tandang Panginoon!" Sa sobrang takot ni Ah Jing, wala na siyang masabi pa.
"Ah Jing!" Tinaasan ni Fan Jin ang kanyang boses para marinig ito sa kabila ng pagsigaw. Dinampot niya si Ah Jing at dinala ito sa tabi ni Fan Zhuo.
Nakita ng nanginginig na Ah Jing si Fan Zhuo na tahimik na nakahiga sa kama at nakitang bumalik na sa dati nag kanyang kutis. Hindi mukhang may masamang dinaramdam si Fan Zhuo at tahimik na natutulog. Tinuro ni Ah Jing si Fan Zhuo at sinabi: "Nakita ko… Nakita kong ginamitan ni Jun Xie….. ng mahahabang karayom at sinaksak ito sa katawan niya."
"Ah Jing, mabuti na si Zhuo. Ginagamot ni Wu Xie kanina si Fan Zhuo at mali lang ang pagkakaintindi niyo." Nagbuntong-hininga si Fan Jin. Matapat si Ah Jing kay Fan Zhuo at labis ang pag-aalaga sa kanya. Ngunit hindi siya matalino at simpleng magisip.
Tahimik lang si Ah Jing at tumitig lang ng may takot, at tinignan ni Jun Xue sia Fan Zhuo. Sa wakas, nagpunta siya sa tabi ni Fan Zhuo at pinakiramdaman ang kanyang pulso. Matapos masigurong maayos ang kalagayan niya, tumingin siya kay Jun Wu Xie, ngunit hindi pa kumbinsido.
Nakasandal lang si Jun Xie sa pintuan at malamig parin ang tingin. Hindi siya nalulungkot, ngunit hindi rin natutuwa.
"Tandang Panginoon, ilang taon na si Senyor Jun? Paano niya alam ang medisina?" Nagmukmok parin si Ah Jing.
Kumunot ang noo ni Fan Jin.
"Katahimikan. Gusto kong matulog" Nawalan na ng pasensya si Jun Xie para makipagusap pa kay Ah Jing at nagiwan ng babala bago bumalik sa kanyang kwarto.
Ang paggamot na iyon ay nakapagod sa kanya at kailangan niyang magisip para maayos ang mga impormasyong nakuha niya patungkol sa katawan ni Fan Zhuo.
Pagalis ni Jun Xie, tinignan ni Fan Jin si Ah Jing ng may pagtanggi.
"Ah Jing, ano ang sinasabi mo? Nakita ko sa sarili ko kung paano linigtas ni Wu Xie ang buhay ng aking kapatid. Tingin mo ba'y bulag ako?" Pinagalitan ni Fan Jin si Ah Jing.
Tinignan ni Fan Jin si Ah Jing na parang siya ang biktima.
"Kung madali lang gamutin ang sakit niya, hindi ito magtatagal hanggang ngayon. Alam kong nawiwili ang senyor kay Jun Xie, ngunit kapatid niyo ang nakababatang amo! Marami na siyang pinagdaanan at ilang mahuhusay na na manggagamot ang gumamot sa kanya ngunit wala parin sa kanila ang nakapagayos ng kanyang kondisyon. Bata pa si Jun Xie at may pangit na reputasyon sa akademya at pati ang pangalan niyo'y dinamay niya. Tandang Panginoon, hindi mo kaano-ano si Jun Xie, bakit mo siya pinaglalaban?"
Ang pagsabi na ang isang labing-apat na taong gulang na bata ay may kayang maggamot sa kanya ngunit hindi ito magawa ng maraming magagling na manggagamot ay isa sa mga pinakamalaking biro na narinig niya.
Nagalit si Fan Jin kay Ah Jing: "Ayaw ko nang marinig ang mga salitang iyan galing sa iyong bibig. Sinuman si Jun Xie, ako ang magdedesisyon at hindi ko kailangang sabihan ng iba. Kung sa tingin mo'y marami kang oras dito, pwede kong kausapin ang aking ama para pabalikin ka sa akademya, para hindi mo na abalahin ang iyong sarili sa mga sabi-sabing ito."
Nagulat si Ah Jing sa mga sinabi ni Fan Jin.
"Tandang Panginoon, ayaw kong bumalik! Gusto kong bantayan ang nakababatang amo! Siya ang tagapagligtas ko! Sa kanya nararapat ang buhay ko!"
Umiyak muli si Ah Jing at nagmakaawa.
"Sige. Wala ka nang magagawa ngayon dito. Magpahinga ka na." Natakot si Fan Jin na maistorbo ng pagiyak ni Ah Jing ang pagpapahinga ni Jun Xie at agad itong pinaalis.
Malungkot na umalis si Ah Jing at may naisip siya.
Ang Tandang Panginoon ay masyadong mabait kay Jun Xie at iyon ang nagpabagsak sa kanya sa lupa. Kung ipagpatuloy ito, sino ang may alam na sasaktan ni Jun Xie ang dalawa niyang amo? Nagpasya siyang puntahan ang punong tagapagturo at sabihin sa kanya ang lahat ng nangyari, para siya mismo ang magpaalis kay Jun Xie sa aserang kawayan!