"Wu Xie! Ang kutis ni Fan Zhuo….." Tinignan ni Fan Jin si Jun Xie, ng may malaking ngiti, ngunit nakita na nakatingin rin sa kanya si Jun Xie, ng may paghamak sa kanyang mga mata.
Nagtaka si Fan Jin. Lumapit siya, ngunit agad na lumayo si Jun Xie.
"Wag mo akong lapitan." Malamig ang mga mata ni Jun Wu Xie.
Nanikip ang dibdib ni Fan Jin at biglang naalala ang mga pagdududa niya kay Jun Xie nang siya'y pumasok sa kwarto. At bumigat ang kanyang loob.
Nakikita niyang umaayos ang kulay ng kapatid niya sa harap niya at kahit gaano pa siya kawalang alam sa medisina, alam niya na ang lahat ng ginawa ni Jun Xie ay para iligtas si Fan Zhuo, ngunit nagduda parin siya.
"Wu Xie, humihingi ako ng tawad. Hindi ko nais na pagdudahan ka, ngunit nang buksan ko ang pinto at ang sumalubong sa akin ay ganoon, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Patawad." Humingi ng tawad si Fan Jin ng taos puso dahil ayaw niyang tignan rin siya ni Jun Xie ng may paghamak.
Sumimangot si Jun Xie, hindi maintindihan kung bakit humihingi ng tawad si Fan Jin, at hindi pinansina ng mga sinabi niya.
"Madumi." Nandiri si Jun Wu Xie sa dumi na nasa katawan ni Fan Jin at tinakpan ang kanyang ilong habang tinuturo si Fan Jin at sinabi ang iisang salitang iyon.
Natauhan na si Fan Jin at tinignan ang kanyang sarili nang mapagtantong nakabalot sa kanya ang mabahong itim na likidong sinuka ni Fan Zhuo kanina. Napangunahan siya ng gulat at hindi napansin ang amoy na galing sa kanya. At pagkatapos itong ituro ni Jun Xie, bumalik ang kanyang pang-amoy at muntik siyang masuka.
Tinakpan niya ang kanyang bibig at nagmadaling umalis.
Sa susunod na sandali ay maririnig ang isang tao na nagsusuka sa labas at ang pagpatak ng tubig.
Nanatili ang simangot ni Jun Wu Xie habang tinitignan si Fan Zhuo, at ang dumi sa tabi ng kama. Ngunit lumapit siya para tignan ang kondisyon ni Fan Zhuo.
Huminahon na ang gulo sa kanyang katawan ngunit nakakatakot parin ang pagkahina ni Fan Zhuo. Nakaligtas nga siya ngayon, ngunit kasama ang katawan niyang iyon, hindi siya magtatagal.
Para sa buong kagalingan ni Fan Zhuo, kailangan niyang magsimula ulit sa kanyang paggamot mula sa pagayos sa gawa ng kanyang katawan, at hindi iyon magagawa ng isang gabi lang.
Pagkatapos linisin ni Fan Jin ang kanyang sarili at magpalit ng damit, bumalik siya sa kwarto. Nakita niyang nasa tabi ng kama si Jun Xie, kinukuha ang pulso ni Fan Zhuo at huminahon na ang kanyang mga mata.
Hinamak siya ni Jun Xie sa pagiging madumi na ngayo'y nakatayo sa tabi ni Fan Zhuo. At alam ni Fan Jin na mas maraming dumi sa tabi ng kama kaysa sa nakabalot sa kanya.
"Salamat." Sinabi ni Fan Jin, ngunit ang salitang iyon ay mula sa kanyang puso.
"Hindi na kailangan." Tinignan ni Jun Xie si Fan Jin. Nagawa niyang gamutin si Fan Zhuo ngayon, ngunit napakahina parin ng katawan nito. At kahit na simulan niyang gamutin ang katawan nito, kailangan nitong maghintay dahil kagagaling lang ni Fan Zhuo sa matinding paghihirap at hindi kakayanin ng katawan niya ang iba pang kabigatan.
"Kamusta na si Zhuo ngayon?" Tinanong ni Fan Jin.
"Kaya pa sa ngayon, ngunit pag nagpatuloy ito, hindi siya tatagal ng isang taon." Mahinhin na sinabi ni Jun Xie. Dinagdag niya: "Ang pagpapakain sa kanya at mga elixir ay magpapaaga lang ng kanyang kamatayan."
Nanlaki ang mga mata ni Fan Jin sa gulat.
"Ha… Ha?!" Mamamatay si Fan Zhuo sa elixir?!
"Hindi kakayanin ng katawan niya." Wala nang pasensya si Jun Wu Xie para ipaliwanag sa isang walang alam sa medisina na ang lahat ng medisina ay may katangiang lason.
"Edi…. Ano ang magagawa natin? Nais dalhin ng aking ama si Fan Zhuo sa angkan ng Qing Yun, ngunit nawala sila!" Yumuko si Fan Jin, may inis sa kanyang mga mata.