Tumango si Yin Yan sa pagsang-ayon.
Ikinampay ni Senior Ning ang kaniyang kamay kay Yin Yan, hudyat ng pagtatapos ng kanilang usapan.
Tahimik na lumabas si Yin Yan ng silid-aklatan ng Beast Spirit Faculty.
Habang sa dormitoryo naman, si Jun Wu Xie ay walang kaalam-alam sa mga suliraning tatahakin niya na
pinagplanohang maigi ni Gu Li Sheng.
Nagpalit na muna ng uniporme ng Zephyr Academy si Jun Wu Xie habang wala pa si Yin Yan. Ang
prestihiyosong Zephyr Academy ay particular sa detalye na kahit ang uniporme ng kanilang mga disipulo
ay gawa sa pinakamagandang uri tela.
Sa unang araw ng mga bagong disipulo, sila mapupunta sa kani-kanilang faculties. Sa unang gabi naman,
lahat sila ay dadalo sa leksiyon ukol sa Zephyr Academy na kung saan igugrupo sila ng may sampung
miyembro bawat grupo. Sabay-sabay silang tutungo sa leksiyon ng nakauniporme ng Zephy Academy.
Pumasok sa silid si Jun Wu Xie ng mag-isa. Lahat ng mga disipulo ay kumportableng nakaupo na sa kani-
kanilang mga upuan. Nabaling ang atensiyon ng mga tao sa pagpasok ni Jun Wu Xie.
Bawat isang disipulo na kasabayan ni Jun Wu Xie na natanggap sa Zephyr Academy ay may
pagkadisgusto sa kaniya. Hindi kaila sa kanila na tatlong disipulo lamang ang kukunin ng Spirit Healer
Faculty at si Jun Wu Xie ang isa sa napili para sa nasabing posisyon bago pa man sila matanggap bilang
disipulo sa Zephyr Academy. Kaya naman, mas lalong mahigpit ang kompetisyon para sa nalalabing
posisyon.
"Hindi ko talaga alam kung ano ang espesyal sa kaniya. Kung tutuosin, naiiwan siya sa lahat ng aspeto
kumpara sa atin. Bakit kaya siya sinuwerte?" reklamo ng isa sa mga bagong disipulo ng Academy habang
tinitingnan si Jun Wu Xie na solong kumakain sa tabi.
Si Jun Wu Xie ang pinakabata sa lahat ng bagong disipulo na natanggap sa Zephyr at siya din ang
pinakabata na direktang natanggap sa main division. Lahat sila ay may red level na spiritual power at ang
direktang pagkatanggap nila sila main division ay sa kadahilanang may taglay silang makapangyarihang
ring spirits.
Sa una, maliit lang ang epekto ng kanilang spiritual powers at mas nakadepende sila sa kapangyarihang
taglay ng kanilang ring spirits. Ang kapangyarihan ng malakas na ring spirit ay kapansinpansin agad sa
unang mga yugto kumpara sa mahinang ring spirit ng kaparehong level. Ang spiritual power ng ring spirit
holder sa unang yugto ay hindi importante.
Kapag umabot na sila sa green level, ang spiritual power ay unti-unting nagkakaroon ng ng mas malakas
na epekto. Walang kakayahang makipaglaban ang mga taong mas mababa pa sa green level sa
makapangyarihang ring spirit.
Halimbawa, kung ang isang tao ay na red level sa kaniyang spiritual power at mayroon siyang grade
three ring spirit, kakayanin niyang taluhin ang kalaban na may orange level.
Kung kaya naman, madami ang napanganga sa direktang pagkakatanggap main division ni Jun Wu Xie
dahil sa orange level na taglay nito habang ang mga kasamahan niya doon ay may taglay na
makapangyarihang ring spirit. Ang pinakamahinang ring spirit sa grupo nila ay grade three ring spirit at
ito man ay hindi dapat matakot sa isang may orange level na spiritual power.
"Ang kanyang suwerte ay hindi magtatagal. Sa tingin mo ba magiging Spirit Healer kana agad kapag
natanggap ka sa Spirit Healer Faculty? Sa lahat ng disipulo na natatanggap sa Spirit Healer Faculty taon-
taon, tanging isa lamang ang natitira doon. At habang tinitingnan ko siya, mukhang hindi siya magtatagal
sa Spirit Healer Faculty." Tumawa sila habang mapangtuya nilang tinitingnan ang maliit na pigura na
tahimik na nakaupo lang sa tabi.
Dahil sa selos at inggit sa kanilang mga puso, taimtim nilang hinihiling na di magtagal sa Jun Xie. Sa oras
na matanggal ang isang disipulo sa Spirit Healer faculty, hindi na sila maaring manatili pa sa Zephyr
Academy.
Kahit sa gitna ng mapanghamak na tingin ng mga nakapaligid kay Jun Wu Xie, nanatili siyang nakaupo sa
isang tabi, walang pakialam habang nilalaro ang maliit na itim na pusa na nasa kanyang kandungan.