下載應用程式
21.95% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 343: Nanaig (6)

章節 343: Nanaig (6)

編輯: LiberReverieGroup

Nagulat si Hua Yao at Qiao Chu! Ang maliit na batang iyon ay mas malakas pa sa kanila!

"Hindi niyo ako kailangan protektahan. Magkakampi lang tayo sa kooperasyon sa nakaraang laban. Hindi niyo na kailangan itaya ang buhay niyo para diyan. Hindi ko kayo kayang bayaran ng sapat." Ramdam niya nang utang na loob sa pagsagip sa kaniya sa lalaking iyon at ayaw niya ng madagdagan pa ang utang na loob niya sa ibang tao.

Hindi nakaimik si Hua Yao at Qiao Chu at nagtaka silang nakatingin kay Jun Wu Xie.

Parang walang puso ang mga sinambit ni Jun Wu Xie. Ngunit alam ng dalawa na kaya niya iyon sinabi dahil ayaw niyang madamay sila sa gulo niya.

"Hindi namin kailangan ng kabayaran, ginusto namin ito!" Nakatawang sabi ni Qiao Chu.

Hindi gumalaw si Jun Wu Xie at ayaw niyang lumingon dito.

Pikon na ang nakaputing lalaki. "Paslit, ang kailangan ko lang ay ang iyong Ring Spirit. Kung ayaw mong mamatay ang mga kasama mo, ibigay mo sa akin iyan."

Hindi kailangan ng bata ang daliri nito para kunin sila.

"Tama na ang iyong kahibangan! Kung gusto mong mahawakan si Little Xie, mamamatay muna kami bago mo magawa iyon!" Hindi nag dalawang isip si Qiao Chu na umabante at pakawalan ang kaniyang Spiritual Powers. Hindi niya inaasahan na ang lumabas na Spiritual Power ay kulay lila!

Sumunod si Hua Yao at naglabas din ng kaniyang Spiritual Power. Kulay lila ang ilaw na lumabas sa kaniyang katawan!

Pareho nilang nakamtan ang Purple Level ng kanilang Spiritual Powers!

Nagulat si Jun Wu Xie sa ipinamalas na kapangyarihang ng dalawa. Konting taon lang ang tanda nito ang kaniya ngunit nakamit na agad nito ang Peak Purple Level!

Halos isang siglo na ang nakakaraan nang nakita niya ang Purple Spirit at muli nya ngayon nasilayan sa dalawang batang ito. Paano nila natamo ito!?

Nagulat ang nakaputing lalake sa nakitang lila ang ilaw na nakapaligid sa dalawang bata at pakaraa'y, nawala ang ngiti sa mukha nito.

"Pilit na pinalakas ang Spiritual Powers... Hindi kayo tatagal, tama? Purple Spirit... Ha! Tinging ko, iyan na ang pinakamalakas niyong kayang pilitin sa pagkakataong ito. Nakakaawa... Dalawang Purple Spirits, ay wala pa rin sa akin ''yan!" Nakasimangot na sabi ng nakaputing lalaje ar tumungo kay Hua Yao at Qiao Chu!

Ginagamit ni Hua Yao at Qiao Chu ang bawat lakas ng kanilang Spiritual Powers para matalo nila pareho ang nakaputing lalaki. Pati ang ahas na may dalawa ulo at Yin Yang Bear ay sumali na rin sa laban. Hindi na mapigilan ni Jun Wu Xie ang sarili at sumugod siya kasabay ng itim na halimaw!

Halos isa laban sa anim, at dapat alam na kung sino ang mananaig. Ngunit habang nagpapatuloy ang laban, hindi kapanipaniwala ang kinakalabasan!

Laban sa anim na nagsanib pwersa ay halos madali lang sila talunin ng nakaputing lalaki.

Kahit magsanib pwersa pa ang dalawang Purple Spirits, hindi nito mapantayan ang lakas ng nakaputing lalaki.

Halos hindi rin makapag-ambag ng lakas si Jun Wu Xie na kahit nilabas nito ang kaniyang Orange Level.

Bakas sa mukha ng nakaputing lalaki na madaling talunin ang kaniyang mga kaaway. Isang kumpas lang ng kaniyang palad ay naputol na ang buntot ng ahas at sipa naman ang natamo ng Yin Yang Bear na siyang ikinasigaw nito sa sakit. Nakalutang ang lalakeng nakaputi at buong kamay niyang hinablot ang balikat ni Hua Yao. Hinigpitan nito ang hawak at tumunog ang mga buto nito. Iwinasiwas niya ang kaniyang kamay at tinapon si Hua Yao. Ang isang kamay niya naman ay nakakamao at biglang sinuntok ang mukha ni Qiao Chu!

Sa isang iglap!

Nagdanak ang dugo!

Ang buto ni Qiao Chu sa pisngi ay kita na at dumurugo. Kalahati ng mukha niya ay asul at itim dahil sa pasa.

Ang itim na halimaw nama'y umatake sa likod ng nakaputing lalake ngunit nahawakan nito ang kaniyang leeg!

Marami na ring natamong pasa si Jun Wu Xie. Ang kaliwang kamay niya ay bali pa dahil sa nakaraang laban. May takot sa tingin niya sa nakaputing lalake habang nakakagat siya sa kaniyang labi.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C343
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄