下載應用程式
21.38% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 334: Ika-anim Na Sampal (6)

章節 334: Ika-anim Na Sampal (6)

編輯: LiberReverieGroup

Ang taong ito din na nag-gugol ng buong buhay niya para sa ikabubuti ng angkan ng Qing Yun Clan, ang siya rin palang nakikipag-sabwatan sa mga tagalabas upang pabagsakin ang makapangyarihang Qing Yun.

Hindi makapaniwala ang Elders at ang Sovereign sa nalaman nilang ito!

Bilang kasagutan sa mga sigaw ni Qin Yue sa kanya, Unti-unting humarap si Mu Chen sa kanya at marahan ngunit may pag-iimbot na sinabi:

"Ang angkan na ito ay hindi na ang angkan ng Qing Yun na aking kilala at pinahalagahan sa aking puso. Mas nanaisin ko pang makitang tuluyan na mabuwag ang Qing Yun kaysa magtiis sa kasulukuyang estado nito ngayon. Ang kabanalan at ka-dalisayan ng ating angkan ay nabahiran na ng kasamaan at karumihan na nag-ugat at naging laganap nitong mga nakaraan na taon, mainam na dapat buwagin na ang angkan!"

Galit na galit at nagpipigil na tinitigan ni Qin Yue si Mu Chen. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. Hindi niya maarok kung kailan nagsimula ang pakikipag-sabwatan ni Mu CHen sa Three Youths. Sa kanyang pagkakaalam, si Mu Chen ay nagpapagaling pa sa epekto ng lason sa katawan nito kaya't papaano niya nagawang makipag-sabwatan pa sa kanila?

Ang mga katanungang ito ay patuloy na gumulo sa isipan ni QIn Yue, nang bigla na lamang tumatak sa isip niya ang buong katotohanan:

Si Mu CHen ay nagkunwari lamang palang nalason at nagkasakit upang makuha ang simpatya ng mga Elders.

Napaka-ikli lamang ng mga salitang binitiwan ni Mu Chen ngunit sapat na ito upang mag-alab ang galit sa puso ni Qin Yue!

"Sa tingin mo ba kung paslangin mo ako kasama ng mga elders ngayon, ay makaka-alis ka ng buhay mula sa buong angkan ng QIn Yun? Hindi ka papalagpasin ng mga disipulo ng Twelve Peaks. Dito ka na sa Cloudy Peaks mamamatay!" pagsusumigaw na sinabi ni Qin Yue sa sobrang poot at pagkabigo, upang itago ang kanyang pagka-takot.

Napuno ang buong bulwagan ng malalakas na halakhak na nag mula kay Jun Wu XIe. Marahan niyang iniling ang kanyang ulo sa lahat ng pag-babanta ni Qin Yue habang siya ay nakatayo't namumutla sa takot.

"Hinding-hindi kayo magwawagi!" pasigaw na sinabi QIn Yue habang pinipilit niyang ipakita na hindi siya natatakot, ngunit sa likoran ng kanyang isipan ay alam niyang kayang gawin ng mga kabataan na nasa harap niya ang anuman naisin nila.

"Ang pill na hawak ko ngayon ay naglalaman ng lason. Sa loob ng isang oras sa katirikan ng araw, matutunaw ito at hahalo sa hangin sa kapaligiran at magiging hamog na nakamamatay sa kung sinoman ang maka-amoy nito o dumampi man lang sa balat"

Ipinakita ni Jun Wu Xie ang lason kay QIn Yue at sa mga elders, habang siya ay nakangiti ng masama at tila masaya pa sa kanila. Siya mismo ang gumawa ng lason na ito sa pamamagitan ng pagpapalakas at pagpapabuti pa ng Lone Smoke na Lason ni Ke Cang Ju. Ang usok ng lason na ito ay impossibleng matakasan at walang tiyak na anyo. Mga expertong spirit users lamang ang may kakayahang pahinain ang epekto nito o matakasan ito.

"Ikinalat ko ang lason na ito sa lahat ng labing-isang peaks na nasasakupa ng Qing Yun Clan. Ito ang magiging kamatayan ns lahat ng disipulo mo" Naka-ngising sinabi ni Jun Wu Xie, ang kanyang mga mata'y puno ng kasamaan.

"Kailan...kailang mo plinano ang lahat ng ito.." Nakatitig na tinanong ni Qin Yue, ang kaniyang mga mata'y puno ng takot at ang kaniyang katawan ay nanginginig.

Kung ang lahat ng sinabi ni Jun Wu Xie ay totoo, ito na ang magiging katapusan ng buong angkan!

Sumagot si Jun Wu Xie: "Nang pinayagan mo si Ke Cang na pumili ng mga disipulo mula sa iba't-ibang pangkat."

Napa-buntong hininga na lamang si Qin Yue sa pagka-bigo!

Lahat ng pangkat ay may kanya-kanyang tagapag-bantay upang mapigilan ang mga taga-labas na makapsok, kaya imposibleng makapasok ang mga kabataan na ito at mag-lagay ng mga lason na hindi natutuklasan ng mga bantay, ngunit dahil sa pag-sang ayon Sovereign at ng iba, madali nila itong nagawa!

Doon lang napagtanto ni QIn Yue ang lahat. Ang plano ni Jun Wu Xie ay hindi pag-awayin ang mga elders at ang Sovereign. Ang plano niya ay ang mamili ng disipulo ang mga elders sa buong angkan upang sila ay malayang makapag-tanim ng lason sa labing-isang pangkay na hindi napapansin, at mapabagsak ang angkan ng Qing Yun.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C334
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄