下載應用程式
18.43% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 288: Ikalimang Sampal (10)

章節 288: Ikalimang Sampal (10)

編輯: LiberReverieGroup

"Hindi ako tatablan ng Bone Rotting Pill! Wag mo nang sayangin ang oras ko! Kahit na mapatay mo ako dito, hindi kayo paaalisin ni Qi Yue! Wag niyong isipin na makakalabas kayo sa angkan ng Qing Yun ng buhay!" Sinabi ni Ke Cang Ju kay Jun Wu Xie.

"Oh? Ganun ba?" Sumagot si Jun Wu Xie ng nakangiti.

Ang sagot niya'y nagpakaba kay Ke Cang Ju ngunit walang ginawang nakababahalang kilos ang itim na halimaw at nanatili lang sa lugar nito.

Ibig-sabihin ba noon ay hindi siya papatayin ng bata?

Habang nagiisip si Ke Cang Ju, naramdaman niya na may nag-iinit sa kanyang mukha. Hinawakan niya ang kanyang mukha sa tuluyang pag-init nito. Naging mainit ang kanyang mukha at basa sa ilalim ng kanyang mga daliri?!

Tinignan niya ang mga kamay niya at nagulat, nakita niyang puno ng dugo ang kanyang mga kamay. Ang madilim na dugo ay bumalot sa kanyang mga kamay habang may piraso ng laman na nahulog sa kanyang mga kamay!

"Arghhhh!" Isang sigaw ng takot ang sumabog mula sa lalamunan ni Ke Cang Ju nang mapagtanto niyang ang laman na nahuhulog ay ang pira-piraso niyang mukha. Ang buong mukha niya ay parang kumukulong putik, at ang sakit na bumalot sa kaniya ay hindi niya matiis.

"Ang mukha ko…! Mukha ko…..!" Napaluhod siya sa sakit, at gumapang papalayo ng takot, na may pagnanais na itago ang kanyang pinagdadaanan mula sa mga tao, habang patuloy na nalalaglag ang laman at dugo. Nakapandidiri ang itsura ni Ke Cang Ju sa silid sa ilalim ng lupa noon.

Pinanganak na siyang pangit, ngunit tao parin. Hindi niya maisip ang magiging kalagayan niya kung mas papangit pa siya. Mas mabuti pang patayin na siya ni Jun Wu Xie.

Kahit na pangit siya, pinahalagahan parin niya ang kanyang balubaluktot na mga tampok. Ang maliit na dungis ay isa nang malaking problema para sa kanya.

Walang pumigil sa kanya. Hindi gumalaw si Jun Wu Xie, ang mga malamig niyang mata ay nakatitig kay Ke Cang Ju na gumapang papunta sa palanggana ng tubig sa tabi.

Para siyang mabahong insekto, na gumagapang sa sahig, nakakadiri at nakakasuka.

Nang maabot ni Ke Cang Ju ang palanggana, pinilit niyang bumangon at habang nakaluhod, tinignan ang tubig. Ang sumalubong sa kanyang mga mata noon, ay nagpatigas sa kanya sa gulat!

Ang nabubulok na laman ay nawala at sa ilalim ng mga guhit ng dugo na naiwan, ay makinis at magandang balat. Ang nakalaylay niyang eyebags ay nawala, na dati'y nagpapapikit sa kanyang mga mata. Nakakita siya ng nakagugulat na kumikislap na mga mata, na nakatingin sa kanya, ng hindi makapaniwala.

"Ako 'to?"

"Ako???"

Ang lalaki sa larawan, ay hindi mailalarawan na gwapo, ngunit mas kayang tignan kaysa dati. Kung ikukumpara sa dati niyang mukha na nakasanayan niya, ang madugong mukha na ito ay nakaaakit para sa kanya.

Sa mga sandaling 'yon, nakalimutan niya ang lahat ng sakit na sumira sa kanyang mukha, at tinitigan ang kanyang bagong mukha!

"Ako 'to….. Ako….. Ang guwapo ko….." Tumawa siya ng nakakatakot, nabuhay siya ng may malalim na galit sa may mga magagandang itsura, at ang kaniyang pagseselos ay dulot ng kanyang pangit na mukha.

Nawala ang lahat ng iyon, at may sayang nakapasok sa malamig at manhid na puso niya!

Gumuwapo siya, ang sarap sa pakiramdam na iyon ay nagtanggal ng anumang sakit mula sa kanyang isipan.

Nang nahulog ang huling piraso ng nabubulok na laman mula sa makinis na niyang mukha, ang mga mata sa larawang nakaharap sa kanya ay nagningning na may pagnanasa at tuwa.

Naakit si Ke Cang Ju ng husto na hindi na niya napansin si Jun Wu Xie, na nakatayo sa kanyang kinaroroonan, ay mayroong mga matang biglaang naging malamig, na tila kumikislap na yelo.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C288
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄