Hindi pinansin ni Jun Wu Xie ang pagkagulat ni Qiao Chu, at pinulot ang mas malaking piraso ng damong-gamot mula sa nagbuhol-buhol na kalat at nagpatuloy para matapos ang pagsusubok.
Nakatayo lang si Qiao Chu sa kanyang pwesto at nang malayo na si Jun Wu Xie lang siya nakabalik at humabol sa kanya.
"Nakikita kong wala lang sa iyo ang pagsusulit, ngunit hindi mo dapat sila hinahayaang abusuhin k." Hindi nagduda si Qiao Chu sa mga kakayanan ni Jun Wu Xie, ngunit masama ang kanyang pakiramdam dahil makakatakas ang mga mandarayang iyon.
Masayang surpresa kay Qiao Chu ang makita si Jun Wu Xie dito.
Noong unang pagkakataon, nang siya'y bumalik sa Bayang Naulog na dala ang Eastern Pearl, kinwento niya sa kanyang mga kasamahan ang lahat ng nangyari sa bayang naulog, at siya nama'y kinutya at pinagalitan sa kanyang pagiging tanga. Pinabalik siya ng mga kasamahan niya sa Bayang Naulog para hintayin kung babalik pa ba ang binatang may mga kakaibang elixir. Pinilit siyang manatili doon ng isang buong buwan, bago sumuko matapos makitang hindi ito mangyayari.
Sinong mag-aakala? Ang kanyang buwang paghahanap ay nabalewala ngunit ang isang pagkakataong pagkikita ang nagdala ng binata sa kanya dito sa angkan ng Qing Yun!
Determinado si Qiao Chu Ngayon, didikit siya kay Jun Wu Xie ng hindi nahihiya, at hindi na hahayaang malayong muli ang henyo!
Bilang tinalaga ng sarili na bantay ng maliit na Jun Wu Xie, nang pagsamantalahan ng mga mapang-api si Jun Wu Xie, naramdaman ni Qiao Chu na tila siya na ang naaapi. Kung wala lang siyang kailangang gawin sa mga tuktok ng angkan ng Qing Yun, kinaladkad na niya ang dalawang mapang-aping binata sa mga talahib at binugbog ang mga ito!
Layunin ni Jun Wu Xie na tapusin ang gawain at habang patuloy lang si Qiao Chu sa kanyang pagsasalita, huminga ng malalim si Jun Wu Xie at humarap kay Qiao Chu.
Tumigil si Qiao Chu at kinisap ang kanyang mga mata.
"Ang mga bagay na akin, ay hindi madaling makuha." Umikot si Jun Wu Xie at inabot ang damong-gamot sa disipulo ng Qing Yun. Sa kanyang pagsusuri, pinadaan si Jun Wu Xie, at nagmamadaling inabot ni Qiao Chu ang kanyang damong-gamot, iniisip parin kung ano ang ibig-sabihin ni Jun Wu Xie sa kanyang mga sinabi.
Habang nalilito parin si Qiao Chu, biglaan niyang narinig ang mga pagsumpa mula sa malayo. Tumingin siya at nakita ang dalawang mapang-api na nagnakaw ng damong-gamot ni Jun Wu Xie na nakikipagtalo sa disipulo ng angkan ng Qing Yun na tinignan ang kanilang mga damong-gamot.
Hawak ng isa sa mga binata, ay hindi na ang damong-gamot na binato sa kanila ni Jun Wu Xie. Halatang tuyong damo lamang ang mga ito. Ang gumulat sa kanya, ay ang pangingitim ng balat ng kamay sa isa sa kanila, senyas ng lason!
Inalala niya ang mga sinabi ni Jun Wu Xie at tumalikod habang tinatakpan ang nakangiti niyang bibig.
Pinlano na siguro ito ng batang iyon mula pa sa simula, at wala talagang balak na sumuko sa dalawang mapang-api. Sa pagbato niya ng damong-gamot sa kanilang mga mukha at panonood sa kanilang masayang pagpulot rito, ng walang kamalay-malay na isang diyablo ang kanilang sinubok, at nakakapinsala ang mga nangyari para sa kanila.
Kailan pinahid ni Jun Wu Xie ang lason sa damong-gamot? Hindi iyon maisip ni Qiao Chu at pinag-isipan niya lalo ito ng matagal.
Kailan niya ito ginawa? Mukhang siya lang ang makakaalam.
Ang kanyang spiritual powers ay lumago sa loob ng napakaikling panahon, ngunit hindi importante ang isang orange level lang ang spirit. Hindi siya nagpunta sa angkan ng Qing Yun para mamasyal, ngunit para durugin ang pinakamalakas na angkan sa mga balat ng lupa. Nakahanda siya para sa anumang sitwasyon at nakamamatay ang mga plano niya.
May suot na hindi maipaliwanag na pulseras si Jun Wu Xie, nakatago sa ilalim ng kanyang mga manggas, at walang makakapansin dito.
Nakatago sa loob ng pulseras na iyon, ay pitong klase ng lason. Bahagyang pag-ikot lamang ang kailangan, at makakapatay na ito ng tao.