Sinwerte lang ba siya? O magaling talaga?
Limitado lang ang oras na ibinigay sa kanila ng angkan ng Qing Yun, at sa tingin nila ay hindi nila mahahanap ang nakatalaga sa kanila sa loob ng oras na iyon. Nang makita nilang nagawa ito ni Jun Wu Xie, nagkaroon sila ng iba pang mga ideya.
Ang bata sa harapan nila ay may simpleng damit, at mukha ring hindi galing sa mayaman na pamilya. Mukhang nakakaawa ang pamilya ng batang ito.
Sa mga mata ng mga kabataang may pagnanasa na pumanig sa angkan ng Qing Yun, nagmukhang mahina si Jun Wu Xie at madaling habulin.
Inutos lang ng angkan ng Qing Yun na hanapin nila ang pinangalanang damong-gamot, ngunit walang sinabi laban sa pagnanakaw.
"Bata, ibigay mo sa amin ang damong-gamot mo sa amin. Dahil madali lang naman para sa'yo, pwede ka namang maghanap ng isa pa." Tinitigan ng isa sa mga binata si Jun Wu Xie ng may masamang pagngisi, nagpakita ng balak na pagnanakaw pag tumanggi siya.
Sa katotohanan, nangyayari lagi ito bawat buwan sa bundok. Kung mahanap ng pinaka-bata ang damong-gamot, madalas na ninanakaw ito ng mga mas nakatatandang binata. Hindi ito pinapansin ng mga disipulo at hindi rin sila nangingialam. Maraming labing-apat at labing-limang taong gulang ang naging biktima na bago si Jun Wu Xie pag pinagtutulungan ng mga mas malalaki at mas nakatatanda ang mga maliliit at mas bata para ibigay ang kanilang nahanap na damong-gamot, kasama na rin ang kanilang pagkakataon na makapasok sa angkan ng Qing Yun dahil napipilitan silang umalis gawa ng pagkabigo sa unang pagsusulit.
Wala silang magawa, mas bata sila, at walang kapangyarihan. Pwede lang silang magdusa ng tahimik pagkatapos maharap sa halatang pagnanakaw.
Ang dalawang binata sa harap ni Jun Wu Xie ay may parehas na pag-iisip.
Hindi maiiwasan na habulin nila si Jun Wu Xie. Labing-apat na taong gulang lamang siya at maliit pa ang katawan. Maaaring binago niya ang kanyang itsura para magmukhang isang binata, ngunit ang likha ng kanyang mga buto ay kita ng lahat. Sa gitna ng lahat ng mga binatang nagpunta, walang kasing-liit niya, at mukha ring hindi siya mayaman dahil sa kanyang suot, sanhi ng pagtingin sa kanya ng mga mapang-api bilang madaling habulin.
Sumimangot si Jun Wu Xie habang tinititigan ang dalawang binata.
Tumaas ang isa niyang kilay.
May lakas sila ng loob na magnakaw mula sa kanya?!
Bubuksan na sana ni Jun Wu Xie ang kanyang bibig nang may biglang lumitaw na anyo sa harap niya. Bago pa siya magtauli, may payat na kamay na biglaang dumukot sa isa sa mga binata na tila kidlat, at hinitsa ito sa ibabaw ng balikat ng anyo palayo mula sa kanilang kinatatayuan!
"Mga walang-hiyang bulati, pagod na ba kayong mabuhay!? Pagnanakaw ito sa ilalim ng araw! Wag niyong hintaying patayin ko kayo!" Isang binata na nakasuot ng tagpi-tagping damit ay naghamon sa harap ni Jun Wu Xie, nakaturo sa nagulat na binatang binato niya, at sa isa pang binatang nagulat sa biglaang pag-atake sa kanyang kasama.
"....." Nagulat si Jun Wu Xie.
Pagkatapos niyang sabihin ang nasa isip niya, umikot ang anyo at isang mukhang may talinong mukha ngunit ibang tampok ang nasa harapan ni Jun Wu Xie.
"Heh heh, grabeng pagkakataon! Hindi ko inakalang makikita kita dito! Wag kang mag-alala, mula ngayon, ako ang magbabantay sa'yo! Kung may magbabalak mang mang-api sa'yo, bubugbugin ko sila!" Ang masiglang binata ay nakangiti habang nakatingin kay Jun Wu Xie. Hmm… may pamilyar sa kanya.
Kumunot ang noo ni Jun Wu Xie habang kinikilala ang nasa harap niya. Inisip niya, ngunit hindi parin niya ito nakilala.
"Hindi yata ako ang hanap mo." Sabi ni Jun Wu Xie.
Tumigil ang binata at nagisip at ang kanyang ngiti ay naging ngiwi. Kinamot niya ang kanyang ulo sa pagkabigo at tumingin kay Jun Wu Xie ng pagdurusa bago magliwanag ang kanyang mukha ng may maisip siya. Lumupasay siya sa sahig at pinahid ang kanyang mga kamay sa maalikabok na sahig. Pinahid niya ang alikabok sa kanyang mukha at pumulot ng isang piraso ng damo at sinabit ito sa kanto ng kanyang bibig bago tumayo sa harap ni Jun Wu Xie: "Isipin mo ulit."