下載應用程式
12.61% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 197: Unseal the Coffin (4)

章節 197: Unseal the Coffin (4)

編輯: LiberReverieGroup

Hindi ito mapigilan ni Jun Wu Xie at tuluyan na ngang hinawakan ang Soul Jade. Nadama niya ang malamig na Soul Jade sa dulo ng kaniyang mga daliri. Siya ay...hindi nakaramdam ng kakaiba.

"Wu Xie, anong nangyari sa'yo? Huwag mo kaming takutin pakiusap." Mahigpit na hinawakan ni Jun Qing si Jun Wu Xie, bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Malakas ang epekto kay Jun Wu Xie ng hawakan niya ang jade. Maging ang black beast ay naramdaman 'yon. Kahit ngayon ay habol-habol pa din nito ang hininga at nakabagsak sa lupa. Sa loob ng maiksing oras iyon, si Jun aWu Xie at ang black beast ay parang nakatamo ng pinsala. Pareho silang hindi maayos ang kalagayan.

Nakakapagpaalala ang malamang parehong naapektuhan si Wu Xie at contractual spirit nito.

"Ayos lang ako." Umiling si Jun Wu Xie sinusubukang alisin ang pagkahilo. Ang sakit na naramdaman niya kanina ay hindi sakit na mararamdaman ng pisikal kundi ng kaniyang kaluluwa. Hirap siyang tumayo at tumingin kay Jun Xian.

"Lolo, ayos ka lang?" Tinignan niya ang kamay nitong nakadikit pa rin sa Soul Jade.

"Oo naman. Ayos lang ako, ikaw? Kumusta ang pakiramdam mo?"

Tumango si Jun Wu Xie, subalit naguguluhan pa din. Nang hawakan niya ang Soul Jade ay sinaktan nito ang kaniyang kaluluwa, ngunit si Jun Xian ay parang walang nangyari dito. Ano kaya ang dahilan nito?

"Meowww." Gumapang ang black beast palapit kay Jun Wu Xie nang makita siya nito.

[Ang karanasang iyon ay kahila-hilakbot. Ayoko nang maramdaman ulit iyon…]

Nanlulumbay ang black beast dahil dito.

Nabahala naman si Jun Wu Xie sa sinabi nito. "Ulit?"

Tumango ang black beast.

"Meowrrr"

[Bago ako nakipagsanib sa'yo, nang ang kaluluwa ko ay humihiwalay sa aking katawan, parehong pareho ang naramdaman ko.]

Nang marinig niya iyon sa black beast, naintindihan niya na ang nangyari sa kanila kanina. Kung tama ang hula niya, ang Soul Jade ay may kakayanang humigop ng kaluluwa ng isang tao. Kaya lang ay limitado ang kakayan nito.

Hindi siya ang tunay na kaluluwa na nagmamay-ari sa katawang ito at hindi pa matatag at kumpleto ang kaniyang kaluluwa. Kumpara sa kaluluwa ni Jun Xian na kumplet at sa kaniya talaga ang katawang iyon kaya naman walang epekto sa kaniya ang paghawak sa Soul Jade.

May kakayanan ang Soul Jade na humigop ng mga hindi pa matatag na kaluluwa at hindi nagustuhan ni Jun Wu Xie ang ideyang iyon.

Ngunit ang kapasidad ng Soul Jade na humigop ng kaluluwa ay hindi nagtutugma kung bakit hindi nabulok ang katawan nito.

Hindi kaya't marami pang sikreto ang nakapaloob sa Soul Jade?

Seryoso ang itsura ni Jun Wu Xie dahil sa pag-iisip. Sigurado siyang may kinalaman ang Soul Jade kung bakit buo pa rin ang katawan ni Jun Gu. Kung aalisin dito ang Soul Jade paniguradong maaagnas at mabubulok ang katawan ni Jun Gu.

Nakatitig si Jun Wu Xie sa katawan ni Jun Gu, nag-alinlangan siyang istorbohin ito.

"Lolo, mayroon akong sasabihin sa'yo." Lumakad siya palapit kay Jun Xian.

"Hindi ko intensyon na ibigay ang Soul Jade sa Qing Yun Clan. Higit sa lahat, posibleng kaya nanatiling buo ang katawan ng aking ama ay dahil sa Soul Jade. Kung tatanggalin natin ang Soul Jade, natatakot akong…" Hindi na tinapos ni Jun Wu Xie ang kaniyang sinasabi. Alam niyang nakuha na nito ang ibig niyang sabihin at naiintindihan na din nito ang maaaring mangyari kapag ginawa nila iyon.

Espesyal talaga siguro ang kristal na iyon, kung nagawa nitong ma-preserve ang katawan ng isang taong matagal nang patay.

Kung hindi niya nakita ang katawan na maayos pa rin, siguro ay basta na lang nito isusuko ang Soul Jade. Ngunit nang makita niya ang kaniyang pinakamamahal na panganay na animo'y payapang natutulog lang, hindi niya kayang tanggalin iyon dito.


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C197
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄