下載應用程式
8.45% Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 132: Regalo ng Pasasalamat (1)

章節 132: Regalo ng Pasasalamat (1)

編輯: LiberReverieGroup

Tahimik na ng-iisip si Jun Qing at Jun Xian, hindi nila naisip na magkakaganito ang mga bagay-bagay.

Sa mga oras na iyon, Hindi lumabas si Jun Wu Xie mula sa Palasyo, paano niya nagawang mag-isip ng ganoon?

Maraming tanong ang mag-ama para kay Jun Wu Xie, at matapos lang magapi ng kalaliman ng kanyang mga plano, ay pinayagan na nila siyang umalis.

May inihandang kwarto para kay Mo Qian Yuan sa annex, at napaisip siya kung sadya ba na malayong-malayo ito sa kwarto ni Jun Wu Xie!

Paglabas sa kwarto ni Jun Xian, huminga ng malalim si Jun Wu Xie. Nakakapanghina ang amoy ng dugo sa kanyang damit. Ang itim na hayop na nakahiga sa tabi ng pinto ay tumayo nang makita si Jun Wu Xie at kinuskos ang sarili nito sa kanya.

"Meow"

[Ang galing ng panginoon ko ngayon!]

"Tumigil ka, ang dumi ko." Kumulubot ang ilong niya nang tignan ang kanyang damit at nagmadaling pumunta sa kanyang kwarto.

Kumislap ang itim na halimaw, nagpalit-anyo pabalik sa maliit na itim na pusa, at sumakay sa balikat ni Jun Wu Xie.

Dumating sila sa kanyang patyo, kahit na nailigpit na ang mga bangkay ng mga manglilingo, may dugo parin sa sahig. Kumakalat ang nakakasakal na amoy sa patyo at ilang lingkod ang naglilinis nito. Pero masyadong maraming dugo at matagal bago ito maalis.

Yumuko ang mga lingkod sa pagbati kay Jun Wu Xie, "Naghanda ang tagapangasiwa ng mainit na tubig para sa iyong pag-ligo."

Tumango si Jun Wu Xie. Maalalahanin si Tito Fu, masisiraan na siya sa amoy ng kanyang damit.

Pinalibutan siya ng amoy, at pinaalala sa kanya ang eksena ng kanyang muling pagkabuhay. Bumalik ang mga ala-alang iyon nang namoy niya ang dugo.

Dumeretso siya sa kanyang kwarto, at hinitsa ang pusa sa bulwagan at dumeretso sa paliguan. May mainit-init na tubig sa banyera, mausok dulot ng mainit na tubig.

Naghubad si Jun Wu Xie, lumabas ang kanyang maputing kutis. Medyo nanginginig, nagmadali siyang pumasok sa banyera, napakalma ng tubig ang kanyang hapit na katawan.

Binalot siya ng mainit-init na tubig, ang kanyang mga mata, bumibigat.

Dahil siya'y nakatulog ng malalim, nagising siya nang mawala na ang init ng tubig.

Nang buksan ang kanyang mga mata, nanigas siya!

Isang gwapong mukha ang nakapatong sa gilid ng banyera, nakangiti. Mga kulay-lilang mata, nakatingin sa kanya.

"...…" Tinitigan ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao, hindi alam kung kailan siya dumating.

"Napaisip ako, na ngayon, dapat sumisigaw ka na." Pinatong niya ang kanyang baba sa kanyang palad at inistorbo ang tubig. Tumagos ang mapag-larong kislap ng kanyang mata sa hamog at nagpunta kay Jun Wu Xie, nakatingin sa kanyang mga kilay.

"Bakit ka nandito?" Tinanong ni Jun Wu Xie, tinatakpan siya ng mga talulot ng bulaklak.

"Kung wala ako dito, nasaan dapat ako?" Tinanong ni Jun Wu Yao ng tumatawa.

"Umalis ka kanina." Hindi nakita ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao nang sila'y pabalik, at nasanay na sa matagal niyang pag-alis.

Ngumiti si Jun Wu Yao, sumasayaw ang kanyang mga daliri sa mainit-init na tubig, "Malakas rin ang amoy ng dugo kaya lininis ko rin ang sarili ko. Paano ko hahayaan ang sarili ko na makita mo ako ng ganun?"


Load failed, please RETRY

禮物

禮品 -- 收到的禮物

    每周推薦票狀態

    Rank -- 推薦票 榜單
    Stone -- 推薦票

    批量訂閱

    目錄

    顯示選項

    背景

    EoMt的

    大小

    章評

    寫檢討 閱讀狀態: C132
    無法發佈。請再試一次
    • 翻譯品質
    • 更新的穩定性
    • 故事發展
    • 人物形象設計
    • 世界背景

    總分 0.0

    評論發佈成功! 閱讀更多評論
    用推薦票投票
    Rank NO.-- 推薦票榜
    Stone -- 推薦票
    舉報不當內容
    錯誤提示

    舉報暴力內容

    段落註釋

    登錄