Sa nakaraan, si Jun Xian lang ang naimbitahan sa salu-salo ng kaarawan ng panganay na prinsipe, ngunit iba ngayong taon. May dalawang nadagdag sa mga bisita galing sa Palasyo ng Lin na nagpaalala kay Jun Xian.
Ang imbitasyon ka Jun Wu Xie ay dahil sa 'grasya ng Emperador' bilang isang paghingi ng tawad dahil sa kanyang pagtigil sa kasunduang pagpapakasal.
Ang imbitasyon naman ni Jun Qing ay nahuli dahil mahigit isang buwan na mula ng siya'y naisuri at naisip ng lahat na mamamatay siya dito. Subalit wala pang balita sa kanyang kamatayan kaya't marami ang hindi mapakali.
Mukhang ang salu-salo ng Unang Prinsipe bukas ay hindi lang isang simpleng pagdiriwang.
Marami ang may gustong gamitin itong pagkakataong ito upang suriin ang kalagayan ni Jun Qing.
"Kamusta ang paggaling ng iyong tiyuhin?" Hindi kaagad sinagot ni Jun Wu Xie si Jun Xian habang ginagawa niya ang kanyang pagtingin, sinuri lang si Jun Qing at tinignan ang kanyang kalagayan.
Malaki ang binuti ng kalagayan ni Jun Qing. Matapos malinis ang kanyang dugo at matanggal lahat ng lason mula sa kanyang katawan, sinimulan na nila ang pagkondisyon sa kanyang katawan. Gawa ng acupuncture at mga gamot na si Jun Wu Xie mismo ang gumawa, pati ang kanyang mga binti ay gumaling at nararamdaman na niya ang mga ito. Ngayon, gumagawa siya ng mga terapiya para mapalakas ang kanyang mga binti at makapaglakad na ulit siya. Naglalakad siyang may panaklay para alalayan ang kanyang pag-galing.
Bagaman naghihirap si Jun Qing, kumpara sa dati, malaki ang ginanda ng kanyang kalagayan.
"Mas mabuti ito kaysa dati. Sa tingin ko, makakapaglakad ako pagkatapos ng anim na buwan." Masayang sinabi ni Jun Qing. Ang panahong ito ang pinakamasayang panahong naranasan niya sa loob ng isang dekada.
"Hindi mamamadali ang mga bagay. Hindi mo pwedeng pwersahin ang sarili mo kahit na ika'y gumagaling na." Binalaan ni Jun Wu Xie si Jun Qing.
Bagaman mukha siyang banayad at mahinahon, pagdating sa mga bagay-bagay, siya ay agresibo at walang tinag, sobra-sobra siyang gumawa. Makikita ito sa kanyang pagpilit na magterapiya. Kung hindi dahil sa kanyang pagkahimatay at sa paghatid sa kanya ni Long Qi pabalik ay hindi siya titigil. Ilang beses tinawag si Jun Wu Xie dahil dito.
Kailangan lagi itong ipaalala ni Jun Wu Xie kay Jun Qing dahil baka mawalan ng saysay ang lahat ng ito dahil sa sobra niyang sigasig.
Dahil siya'y pinapagalitan ng kanyang pamangkin, natawa si Jun Qing at pinalo ang kanyang mga binti sa tuwa. "Wu Xie, naiintindihan ko lahat ng sinasabi mo… pero sampung taon akong lumpo… mahigit sampung taon! Ngayon may pagkakataon akong maglakad ulit, hindi ako makapaghintay. Ang pakiramdam na naglalakad ulit, hindi ito maiintindihan ng mga ordinaryong tao."
Matapos siyang malumpo, hindi mabilang ang pagpapahiyang kanyang natanggap, ngunit madaling bilangin ang mga pagkakataong siya'y tumatawa. Nawala lahat ng kalungkutan dahil sa kanyang mabuting pamangkin.
Malapit nang dumating ang araw na siya'y makakalipad muli sa langit at makakabawi na siya!
"Edi magkunwari kang wala akong sinabi. Magdadagdag ako ng gamot na pampalakas." Nakakita na si Jun Wu Xie ng mga pasyenteng hindi makapaghintay, pero ang terapiyang ito'y hindi niya responsibilidad.
Iba si Jun Qing sa mga pasyenteng iyon. Hindi niya hahayaang may masamang mangyari sa kanya.
"Naghirap ka." Tinignan ni Jun Qing ng may init si Jun Wu Xie, nang nakaraan, ang dahilan lang ng kanilang pagkalapit ay dahil sila'y magkadugo, ngunit ngayon, mahal na talaga niya ang kanyang pamangkin.
Gusto niyang gumaling agad upang mabantayan at maalagaan niya sa sarili niya, ang pamilyang ito na napakamahal niya.