"Meow~" sinusubukang pakalmahin ng maliit na itim na pusa ang Senyora.
Sa kasamaang-palad, sa kanyang ekspresyon, wala itong epekto.
Masyadong malawak ang Bayang Naulog. At sa mga kaganapang ito, hindi siya makapag-isip at makapag-hanap ng maayos sa cultivation books dahil ang mga paninda doon ay hindi specialized shops kundi mga nagtitinda na nagbebenta ng kahit anong bagay.
Pagkatapos ng paghihirap, dumating siya sa mas kalmadong parte ng bayan. Kalat ang mga pwesto dito, at nang siya'y paalis na, nakaramdam siya ng kaunting init mula sa singsing. Napatigil siya, mas umiinit ang singsing.
Nandito ba? Ang cultivation technique? Ito ang unang pagkakataong may reaksyon ang Little Lotus sa kahit anong bagay.
Makikita ang mga wasak-wasak na mga libro, may ibang wala nang cover, at may ibang hindi na mabasa ang pamagat.
Nagbabantay sa pwesto ay isang maputlang binata na walang maayos na kasuotan. Nakaupo siya sa kahot na bangko, ngumunguya ng dahon ng kawayan, at nakangiti habang masayang binabasa ang librong kanyang hinahawakan.
Kahit na tumayo na si Jun Wu Xie sa harapan ng kanyang pwesto, hindi parin siya rumesponde.
Hindi sila nanggulo sa isa't isa at sila'y may kanya-kanyang ginagawa.
Nakaukol lahat ng atensyon ni Jun Wu Xie sa hilera ng mga libro sa kanyang harapan nang maramdaman niyang mas umiinit ang singsing habang siya'y lumalapit sa mga libro. Sigurado na siyang ang hinahanap niya ay nasa mga librong ito.
Subalit…
Pagkatapos niyang silipin ang mga linalaman ng mga libro, siya'y napasimangot — Hindi para sa cultivation ang mga librong ito.
Ang mga librong ito ay para sa maghahalaman!
Ang mga linalaman ay nagtuturo kung paano magpalaki ng halaman at bulaklak at walang kinalaman sa cultivation.
Sa kanyang maginoong mukha, nanginginig ang kanyang mga labi habang siya'y nagpipigil. Sigurado siyang ang mga reaksyon ni Little Lotus ay dahil dito sa mga librong ito. Alam niya na pag wala sila sa labas, nag-anyong tao na si Little Lotus at kinuha na lahat ng mga libro!
Pinipilit ni Little Lotus na kunin na nila ang mga libro dahil hindi siya makapag-anyong tao.
"Kaibig-ibig kong Panginoon, pakiuwi po lahat ng ito! Makapangyarihan kong Panginoon, pakiuwi po lahat ng librong ito! Kaibig-ibig kong Panginoon, pakiuwi…"
Tanggap na niya na ang kanyang contractual spirit ay isang rare plant type lotus at hindi na tumutol sa kanyang kapalaran, pero ngayong gusto niyang simulan ang kanyang cultivation, ang ipapauwi sa kanya ay mga libro tungkol sa halaman?
Gustong umalis ni Jun Wu Xie ngunit pilit na pinapasama ni Little Lotus ang mga libro.
"Meow?" Tinignan ng maliit na itim na pusa si Jun Wu Xie na may tulirong tingin sa kanyang mukha.
"Hmm?" Napansin na ng gusgusing binata na may tumitingin sa kanyang mga tinda. Tinignan niya ang maginoong binata sa kanyang harapan na parang nagtatantiya ng halaga. Tinignan niya si Jun Wu Xie mula ulo hanggang paa.