"Duan Ling Tian!" Nang umatungal si Yun Fu Ye at tumingin sa isang distansya, sinundan rin ni Huang Wen Jing ng tingin ito.
Mukhang ang lalaking nasa isip ni Huang Wen Jing ay nasa hindi kalayuan lang pala.
'Bakit siya naririto?' Nagsimula nang mataranta si Huang Wen Jing nang makita niya ang lilang anyo. 'Hindi niya ba alam na delikadong naririto siya?' Wala siyang ideya kung bakit naririto ang lalaki. Alam niya bang nahayag na ang pagkatao niya? Hindi niya ba alam na papatayin siya ng palace master?
"Duan Ling Tian?" Napakalakas ng boses ni Yun Fu Ye kaya narinig rin ito ng mga elders sa palibot ng mansyon. Agad silang napatingin sa binatang nakalila.
"Hindi ba iyan si Vice Palace Master Duan Ling Tian na naging Vice Palace Master tatlong taon ang nakararaan?"
"Siya nga iyan! Nakita ko na ang larawan niya dati! Matagal na noong iguhit iyon, ilang taon na siguro ang nakalipas…"