Kahit na tahimik si Li Fei, nakatitig siya ng matindi kay Duan Ru Feng. Malinaw na gusto niyang malaman ang sagot ni Duan Ru Feng sa tanong ni Li Rou.
Nakita na niya ang lakas ni Di Jue dati. Sa panahong iyon, mag-isang sinira ni Di Jue ang Ling Tian Sect. Maraming tao ang namatay dahil sa kanya sa Half Moon Island! Hanggang ngayon, nanatili pa rin ang takot nang maalala niya ang pangyayaring iyon.
"Rou'er, si Senior Prophet ang nagpagawa ng limang taon na pangako. Kaya hindi mo an kailangan mag-aalala ng husto tungkol dito. Walang mangyayari kay Tian'er," Sinabi ni Duan Ru Feng kay Li Rou, "Bukod dito, sa sandaling dumating ang panahon na iyon, nasa tabi ako ni Tian'er. Pinapangako ko na kung nasa panganib si Tian'er, agad ko siyang ililigtas!"
Matagal na itong pinaghandaan ni Duan Ru Feng kaya mahusay niyang sinagot si Li Rou.
Senior Prophet?