Nang makita ng matandang lalaki may iisang kamay si Duang Ling Tian na lumalabas, naisip niya na ang kanyang paningin ay nasira na rin. Nang bumalik siya sa kanyang katinuan, nalaman niyang ang kanyang paningin ay hindi sira. Sa halip, itong lalaking ito na pumasok sa Spirit Pool dalawangpung araw na ang nakalipas, ngayon ay lalabas na.
Hindi nagmamadali ang matandang lalaking sagutin ang mga tanong ni Duan Ling Tian. Sa halip, pumasok siya sa Spirit Pool.
Nang makita niyang walang lamang ang Spirit Pool, hindi nya napigilang mamangha, na kahit na nabuhay na siya sa loob ng 200 taon at nakita na niya ang napakarami ng bagay sa mundo.
"Senior, ikaw ay…" Nang makita ni Duan Ling Tian ang matandang lalaki na hindi sumagot sa halip ay pumasok sa Spirit Pool, nalito siya. Nang makita niyang lumabas ang matandang lalaki mula sa Spirit Pool, may nabuong mga tanong sa kanyang mukha.