Naiwang kalmado si Han Xue Nai nang nakita niyang naintindihan ni Han Zheng Tian ang ibig niyang sabihin at nangakong hindi niya babaliin ang pangako nito.
Bagaman siya ay nagtataka kung bakit ang kaniyang ama ay gustong makausap ang kaniyang kapatid na si Ling Tian ng pribado, halata sa kinikilos ng ama na hindi nito gustong malaman pa niya ang tungkol dito.
Pagkatapos lisanin ni Han Xue Nai ang silid, tiningnan ni Han Zheng Tian si Duan Ling Tian na may pormal na ekspresyon sa mukha.
'' Uncle Han.'' Nagtatakang tumingin si Duan Ling Tian kay Han Zheng Tian. Hindi niya alam kung bakit gusto siyang kausapin ni Han Zheng Tian ng sarilinan.
'' Batang Tian, napagtanto kung ang iyong disguising technique ay lubusang kahanga hanga… Ito nga ay napaka pambihirang Disguising Technique, hindi ba?'' Tanong ni Zhan Tian nang tumingin siya kay Duan Ling Tian.