Pagkatapos lumunok ni Zhang Ji Long, na natalo ni Duan Ling Tian, ng isang Healing Medicinal Pill, sinabi niya kay Duan Ling Tian nang may madilim na mukha, "Duan Ling Tian, ipaghihiganti ko ang kahihiyan na naramdaman ko ngayong araw!"
Ang kaniyang mga mata ay nagniningning ng mabangis na pagnanais.
Sa sandaling iyon, pakiramdam ni Duan Ling Tian na para bang siya ay tinitingnan nang masama ng isang makamandag na ahas, nagsasanhi sa kaniyang puso na lumubog nang mapagtanto niya na ang Zhang Ji Long na ito ay isang mapanganib na tao.
"Ano? Ayaw mo bang aminin ang iyong pagkatalo?" Ngumisi si Duan Ling Tian.
Nang magsasalita na si Zhang Ji Long, isang sipol ang umalingawngaw sa hangin at sa sumunod na sandali, ang lahat na narsa eksena ay napansin na may lumitaw sa mataas na plataporma. Ito ay isang 'di gaano katandang lalaki na may pilak na armor.
Ang taong ito kilala ng karamihan sa kanila.
"Si Lord Heavenly Harm Guardian!"